NAGISING si MJ na parang naiihi. Pagtingin niya sa kanyang katabi, nakatalikod sa kanya si Lian. Nakababa na rin ang comforter sa bandang baywang nito. Agad niyang itinaas ang comforter hanggang sa balikat nito. Pagkatapos bumangon siya at maingat na bumaba ng kama. Dinampot niya ang relo na nasa night stand. Alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw. May isang oras pa siyang tulog bago gumising. Ibinaba niya ang kanyang relo. Hindi na siya nagbukas ng ilaw. Sa halip dumiretso na lang siya sa banyo. May naaninag pa naman siyang liwanag bukod pa sa sanay siyang kumilos kahit madilim. Pagbalik niya’y nasa ganoon pa ring posisyon ang kanyang asawa. Hinawi niya ang comforter bago tumabi rito. Idinantay niya ang kanyang braso sa katawan nito saka maingat na niyakap nito. Nakadikit ang mukha ni

