bc

The Billionaire's Beloved (My Billionaire Husband Series)

book_age16+
3.3K
FOLLOW
16.4K
READ
dominant
independent
CEO
drama
bxg
female lead
office/work place
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Nang mamatay ang mga magulang ni Lian ay nanganganib na bumagsak din ang kanilang business. May nagtangkang mag-take over dito. Ngunit gusto ni Lian na siya ang mag-manage pa rin ng negosyo.

Nang malaman niyang si Melvin, ang binasted niyang manliligaw, ang may planong mag-take over ay napaisip siya kung hahayaan na lang ang negosyo nila na i-manage nito o ipaglalaban niya ang karapatan?

Lalo siyang naguluhan nang sabihin ni Melvin na papayag lang ito sa gusto niyang mangyari kung payag siyang maging girlfriend o asawa nito ng isang taon.

Pikit mata niyang tinanggap ang kondisyon kahit labag sa kanyang kalooban. Bahala na kung anong mangyari basta ang importante, sa kanya pa rin mapunta ang pinakamataas na posisyon sa kanilang family business.

chap-preview
Free preview
Prologue
“HI, LIAN!” lakas-loob na tawag ni MJ sa babaeng dumaan sa harapan niya. Awtomatikong napahinto si Lian sa paglalakad nang marinig ang pangalan nito. Pagkatapos nilingon siya ng dalagita. “Mr. SSG President? May kailangan ka ba?” nakataas ang kilay na tanong nito. Napangiti nang malapad si MJ. “Puwede ba kitang makausap mamaya?” Nagsalubong ang kilay ni Lian. “Tungkol saan? Kung tungkol ito sa pagbibigay mo ng bulaklak, sinasabi ko sa iyo tigil-tigilan mo na ako. Wala kang mapapala sa akin. Hindi ako interesado sa mga playboy na katulad mo. Sa iba ka na lang manligaw dahil hindi ako pumapatol sa mga babaero,” malumanay ngunit may diing sabi nito. Tinalikuran na siya ni Lian bago pa siya makapagbuka ng bibig. Kaya wala nang nagawa si MJ kung hindi sundan na lang ng tingin ang papalayong dalagita. “Bullseye, bro! Saan tumama iyong dart? Sa puso mo o sa puson?” pang-aasar ni Joshua. “Mukhang pareho lang. Nasapol nang husto si Mr. President sa sinabi ni Lian. Masakit ba, bro?” sabad naman ni Andrei nang akbayan nito si MJ. Matalim ang mga matang binalingan ni MJ ang mga kaibigan niya. “Pag-untugin ko kaya ang ulo ninyong dalawa para tumigil iyang mga bunganga ninyo,” banta niya sa mga ito. Agad namang ibinaba ni Andrei ang kamay nitong nakaakbay sa kanya. Itinaas naman ni Joshua ang kamay at iminuwestra na isiniper nito ang bibig. “Sabi ko nga na huwag kang bibiruin ng ganyan dahil siguradong iinit ang ulo mo,” ani Chris na kararating lang. “Pero pwera biro, bro. Wala bang masakit sa iyo? Baka dumudugo na iyang puso mo.” Umigting ang panga ni MJ. “Isa ka pa! Kararating mo lang pero nang-aasar ka na naman! Gusto mo ba nito?” Inambahan niya ng suntok ang kaibigan. Biglang napaatras si Chris kasabay nang pagtaas ng dalawa nitong kamay. “Joke lang iyon, bro. Ikaw naman hindi na mabiro,” malamlam ang mga matang wika nito. Ibinaba ni MJ ang kamay niya saka isa-isang tiningnan nang masama ang tatlo niyang kaibigan. “Mga demonyo kayo! Hindi kayo nakatutulong sa akin! Nakita at narinig n’yo na ngang nagalit sa akin si Lian, dinagdagan n’yo pa. Sana kayo rin ma-in love para maranasan n’yo kung paano masaktan.” “Uy! In love ka talaga, Mr. President? Sigurado ka?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Andrei. “Baka hindi naman. Baka sumakit lang iyang puson mo kasi tinanggihan ka ni Lian,” nakangising sabad ni Joshua. “Ulitin mo nga iyong sinabi mo?” ani MJ sabay hila sa kuwelyo ng polo ni Joshua. “Oops! Tigilan mo iyan, MJ. Nakakahiya sa ibang tao, naturingan kang SSG President pero ikaw pa itong pasimuno ng away,” awat ni Chris nang hawakan nito ang kamay ni MJ. Mabilis namang hinila ni MJ ang kamay niya at lumayo nang kaunti kay Joshua. “Nakakainis kasi kayo! Nasaktan na nga ako sa sinabi ni Lian tapos pati ba naman kayo ginagalit n’yo pa ako. Sana man lang damayan ninyo ako dahil sa nangyari sa akin,” himutok ni MJ. Tinapik ni Andrei ang balikat niya. “Okay lang iyon, bro. Hindi lang si Lian ang babae dito sa Saint Andrew. Marami pang magagandang babae diyan. Hindi ba ang daming naghahabol sa iyo? Ikaw ba naman ang maging SSG President at sikat na basketball player tapos guwapo at matalino pa. Wow! Package deal ka na. Ang babaeng iyon lang naman ang umaayaw sa iyo, ah.” “Oo nga, bro. Kalimutan mo na iyang si Lian. Maghanap ka na lang ng ibang maliligawan,” sang-ayon naman ni Joshua. “Tama sina Andrei at Joshua. Kung ayaw sa iyo ni Lian, ituon mo na lang sa iba ang atensyon mo. Saka bakit ba kasi nanliligaw ka pa kung isang ngiti at kindat mo lang sasama na agad sa iyo ang isang babae, ha? Gamitin mo iyang karisma mo kung gusto mo talagang magka-girlfriend,” suhestiyon naman ni Chris. Napakamot ng kanyang ulo si MJ kasabay ng pagbuntung-hininga. “Wala naman akong gustong ibang babae. Si Lian lang talaga ang gusto ko. Kaya nga nagtitiyaga akong manligaw sa kanya kahit sinusungitan niya ako.” Inakbayan siya ni Chris. “Bro, ano bang nagustuhan mo kay Lian? Maputi lang naman siya pero ang payat niya. Hindi mo naman matatawag na seksi iyon kasi ang payat na nga maliit pa.” “Uy, maganda naman si Lian saka matalino. Hindi ba’t second honor iyon noong first year sila?” sabad ni Andrei. Namilog ang mga mata ni Joshua. “Ah, ibig sabihin mga babaeng matalino, maganda, at maputi ang kursunada ni MJ. Ganoon ba iyon, bro?” Nilapitan pa siya ng kaibigan at tinapik ang kanyang kaliwang balikat. Hindi umimik si MJ. Magkasalubong ang kilay na tiningnan lang niya si Joshua. Napaismid si Chris. “Iyong ganoong tipo ng babae ang gusto mo, MJ? Marami namang iba diyan, ah. Hindi lang si Lian ang beauty and brains dito sa Saint Andrew.” “Baka naman gusto mong gayahin si Edrian na in love sa babaeng galit na galit din sa kanya. Masyado namang martir iyon kaya ang sarap batukan,” ani Joshua. Biglang ibinaba ni Chris ang kamay nitong nakaakbay kay MJ. “Sa tingin mo kapag binatukan mo si Edrian, matatauhan ba iyon? Kahit yata mauntog ang ulo ng lalaking iyon, hindi magbabago ang pagtingin niya kay Khrysstynna,” nakataas ang sulok ng labing wika nito habang nakatitig kay Joshua. Napaubo nang malakas si Andrei kaya napatingin silang lahat dito. “Ano naman ang problema mo, Andrei?” usisa ni Joshua. “Ah, wala. Wala ito. Kumati lang ang lalamunan ko. Sinong Edrian ang tinutukoy ninyo? Iyong isa ba doon sa kambal na De Castro?” tanong ni Andrei. “Oo siya nga. Bakit may iba pa bang Edrian kung hindi iyong magkambal? Siya iyong bestfriend ni Railey,” tugon naman ni Chris. Tumango lang si Andrei. “Bakit ba kasi napunta kay Edrian ang usapan natin? Saka wala na tayong pakialam kung sino ang magustuhan niya. Wala namang masama kung gusto niya talaga si Khrysstynna kasi maganda naman iyon at matalino pa. Maliit nga lang at kayumanggi na tulad ni MJ,” katuwiran nito sabay tingin kay MJ. Bigla na lang humagalpak ng tawa si Joshua nang mapatingin kay MJ. “Anong problema mo, Joshua? Ako ba ang pinagtatawanan mo?” galit niyang tanong dito. Gusto na naman niyang kuwelyuhan ang kaibigan pero nagpipigil na lang siya. Kung makapang-asar kasi ito akala mo naman perpektong tao. Oo nga’t guwapo ito at mestiso. Matalino rin at sikat na basketball player tulad niya. Bukod doon anak ng mayaman din ito at hindi katulad niya na galing sa mahirap na pamilya. Pero mas matalino siya kaysa rito at mas sikat dahil miyembro siya ng student council simula noong first year sila hanggang ngayong graduating na ng high school. “Wala akong problema, bro. Natawa lang ako sa pagkumpara ni Andrei sa iyo at kay Khrysstynna,” nangingiting sagot nito. Tumalim ang mga mata ni MJ. “Akala mo naman kung sino kang maputi. Kaya ka lang naman maputi dahil may dugong foreigner ang Papa mo. Kung purong Pinoy ang mga magulang mo, magkakulay rin tayo. Kaya huwag ninyong ipagmayabang iyang kulay ng mga balat ninyo,” wika niya habang isa-isang tinitigan ang mga kaibigan niya. Natahimik si Andrei samantalang napakamot ng kanyang ulo si Joshua. Pero nakangiti naman si Chris. “Pwera biro, bro, pero maganda ang kombinasyon ninyo ni Lian kapag nagkatuluyan kayo balang araw. Siya ang gatas at ikaw naman ang kape kaya ang magiging tsokolate ang mga anak ninyo,” nakangising wika ni Chris. Nagpanting ang tainga ni MJ sa narinig. Nagtawanan naman nang malakas sina Andrei at Joshua. Sa inis tinangka ni MJ na kuwelyuhan si Chris ngunit bigla itong tumakbo at sumabay naman ang dalawa pa niyang kaibigan. Hinabol niya ang mga ito pero agad siyang napahinto nang mapansin na masasalubong niya si Lian sa corridor. Kunot na kunot ang noo nito nang masulyapan siya. Nakasimangot pa ito nang madaanan siya. Napa-buntunghininga na lang siya at walang imik na sinundan ng tingin ang likod ng babaeng minamahal niya. Balang araw makakaahon din ako sa hirap. Ipinapangako ko na babalikan kita, Lian. Gagawin ko ang lahat para makuha ko ang puso mo at mapasaakin ka. Kung hindi kita makuha sa santong dasalan ngayon, sisiguraduhin kong magiging akin ka rin sa hinaharap kahit pa daanin kita sa santong paspasan. Wala akong pakialam kung sino ang babanggain at tatapakan ko maging akin ka lang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook