HINDI HALOS makakin si MJ dahil panay ang tingin niya kay Lian. Hindi talaga siya makapaniwala sa kanyang nakikitang pagbabago rito. Ano bang nakain nito at bigla na lang nang-aakit ng ganito? “Akala ko ba masama ang pakiramdam mo?” puna ni MJ. Nag-angat ng ulo si Lian. “Ah, sinabi ko lang iyon para mauna akong makauwi. But I’m okay. Nag-worry ka ba?” sagot nito saka kinagat ang ibabang labi. Napalunok si MJ sa reaksyon ng asawa. Sinasadya bang gawin iyon ni Lian? Inaakit ba talaga siya nito? If she is, then she is almost succeeding. Kaunti na lang at mapipigtas ang pagtitimpi niya. Kanina pa naninikip ang pantalon niya. “Galit ka ba, MJ?” Napailing siya sa tanong ng asawa. Hindi siya galit dito. Pero nagngangalit ang alaga niya. Kanina pa nito gustong kumawala sa loob ng pantalon

