Ilang araw, linggo at buwan ang
lumipas. Hindi na nga nakita o nasilayan pa ni Florian si Sadia. Laging patagong nag pupunta si Florian noon sa labas mansion ng mga Del Falco. Nag babakasakaling makita niya ang dalaga kahit saglit pero ni anino ng babae ay hindi niya nasilayan pa.
Nabalitaan niya rin kay Thunder na nasa america si Sadia. Talaga palang ipinadala ni Ellieoth ang anak nito sa america.
Nag punta rin si Florian sa america ngunit hindi siya pinalad na mahanap si Sadia. Kahit si Thunder ay walang alam kung saan na parte ng america naroon ang dalaga.
Nakikibalita rin lang din kasi si Thunder sa mga kapatid nito.
Kalalapag lang ng private plane sa isang malawak na palapagan na pag mamay-ari ni Florian. Isa itong pribadong lugar kung saan naka lagay ang lahat na private plane ng mga Deogracia.
"Kamusta ang negosyo natin iho?" Tanong ni Don Robert sa apo. Tatlong taon namalagi si Don Robert sa London upang mag pagamot roon. Inatake kasi ito sa puso dalawang taon na nakakaraan. Labis kasi dinamdam ng matanda ng makita si Florian na misarable dahil sa pag kawalay kay Sadia. Kahit ang matanda ay nalungkot dahil nasanay na siyang nakikita noon ang dalaga.
Bumalik din ang pagiging masungit ng matanda naging bugnutin ito.
"Everything is fine lolo, how about you, how's your flight?" Tanong ni Florian sa matanda.
"I'm fine, ikaw kamusta ang naging buhay mo dito sa pilipinas? It's been three years na hindi mo siya nakikita. Maayos kana ba?"
Paninigurong tanong ng matandang lalaki sa apo.
Nag tagis ang bagang ni Florian at sabay yumuko.
Mariin niyang naikuyom ang kamao.
Alam niya sa kanyang sarili na hindi pa siya ok. Labis ang pangungulila niya para sa dalaga. Tapos ito malalaman niya mula kay Thunder noong nakaraang linggo, na ikinasal si Sadia kay Phillix. Sa oras talagang makita niya si Phillix, tatadtarin niya talaga ito ng bala sa mukha.
"I'm not okay lolo, i miss her very much." Malungkot na wika ni Florian.
Marahang tinapik ni Don Robert sa balikat si Florian.
"Huwag kang mawawalan ng pag-asa iho, darating din ang panahon at muli kayong mag kikita. Tiwala lang apo, habang may nalalanghap na hangin patuloy lang ang pag hinga." Anang matanda at sumakay na sa kotse.
Si Florian naman ay napa buga nalang ng hangin mula sa kanyang bibig.
Sa mansion ni Don Robert sila tumuloy naroon din ang mag kapatid na si Diego at Amber. Kasama ni Amber ang anak na babae nito na si Liamber. Nasa hapag sila ngayon at kumakain ng hapunan.
"I saw her."
Natigil sa pag nguya si Florian dahil sa binangit ng pinsan.
"Who?" Tanong ni Amber sa anak.
"Si Sadia, I saw her earlier at the airport." Mahinang wika ni Liamber.
Lumuwag ang pag kakahawak ni Florian sa kubyertos at tinidor.
Malakas na kumalabog ang puso niya.
"At anong ginagawa mo sa airport? Bakit ka naroroon?" Usisa ni Amber sa anak.
Umikot ang mga mata ni Liamber bago sumagot sa ina. "Mommy sinundo ko lang ang bestfriend ko, remember Satiñña Santimayor." Sagot ni Liamber.
"Lalo siyang gumanda kuya Florian, and infairness mukha na siyang matalino. Lalo na mang kausap ko siya kanina." Dagdag ni Liamber.
Nakaramdam ng pag pag kapanabik sa puso si Florian gusto niya ng makita si Sadia. Tatlong taon niya ito hindi nakita.
"Sino ang kasama niya?" Curious na tanong ni Florian, iniisip niya baka kasama nito si Phillix.
"Ahmn, i think ate niya, atsaka may kasama din siyang duwende na bungi." Sagot ni Liamber at muling sumubo ng pagkain.
Kumunot ang noo ni Don Robert dahil sa tinuran ng apo na babae.
"Duwende na bungi? meron ba nun iha?" Don Robert asked.
Bungisngis naman ni Liamber habang ngumunguya.
"Hay naku pa'pa huwag mo nga pinapansin itong apo mo. Alam mo naman na may pag ka lukaret ito, kung ano-ano ang sinasabi." Sambit ni Amber.
"Ito naman si mommy, totoo nga, ang ibig ko pong sabihin may kasama siyang batang lalaki, ang cute nga e. Ang sarap isako at iuwi dito." Turan ni Liamber.
"Bata?" Tanong ni Florian.
"Yes kuya Florian, sa totoo nga kamukha ni Sadia yung bata."
Kulang nalang ay mabali ni Florian ang kubyertos na hawak nito dahil da pag kakariin na pag kakahawak nito.
Hindi kaya nag ka-anak sila ni Sadia?
Tumikhim si Diego at tinitigan ang anak.
"Kung anuman ang magiging disisyon mo susupurtahan kita. Ipag laban mo si Sadia sa pamilya niya, ipangako mo lang sa akin na magiging masaya ka anak."
Bumaling kay Diego ang lahat ng tao sa hapag.
Hindi makapaniwala ang mga ito dahil sa sinabi ni Diego.
__
Kinabukasan alas otso ng gabi napag disisyunan ni Florian mag tungo sa bagong bukas na club ni Thunder.
Malaki ang ispasyo ng club na ito may third floor din ito para sa mga VIP na pupunta dito.
"Rishtly saan ba tayo pupunta?" Nag tatakang tanong ni Sadia sa kaibigan na babae. Si Rishtly ay bunsong anak na babae ni Styles at Eve. Doon nag kakilala ang dalawa sa america.
Doon kasi nag aaral ang dalaga, ito din ang naging taga pag tanggol ni Sadia sa mga nang bubully sa sa kanya nung nasa america pa ito.
Si Rishtly ay bihira lang umuwi sa pilipinas. Pero nang malaman nitong uuwi na si Sadia sa pilipinas ay umuwi din ito, hindi lang sila sabay dahil mag kaibang eroplano ang kanilang sinakyan.
"Ano kaba girl, syempre gogora. Kailangan din natin mag relax paminsan-minsan. Duh, ka-istres kaya sa america. Sunog na sunog ang kilay ko sa pag aaral doon." Anang ng babae habang nag lalagay ng lipstick sa labi nito.
Plano sana ni Sadia matulog ng maaga. Mag kikita pa sila ni Phillix bukas para pag usapan yung negosyong gusto nilang ipatayo dito sa pilipinas. Pero mukhang walang balak ang kanyang kaibigan na tantanan siya.
"Rishtly alam mo naman na pagagalitan ako ni Papa."
"Ano ba yan, wala ka bang sariling isip, para mag disisyon para sa sarili mo. Come on Sadia Lielacc, hindi kana bata at mas lalong hindi kana isip bata ngayon. Matured kana mag isip hindi kana katulad ng dati." Iritang saad ni Rishtly sa kaibigan.
Napakamot ng ulo si Sadia. Kapag hindi niya pinag bigyan ang kaibigan siguradong mag tatampo ito, at isang linggo siyang hindi papansinin. Ganito kasi ugali nito kapag galit sa kanya.
"Sige na nga, nakasimangot kana riyan." Wika ni Sadia.
Pumalapak si Rishtly at ibinato sa kanya ang ang isang satin sexy dress.
Buti nalang at wala dito sa kanyang condo si Kalev, kinuha ito kanina ng kanyang ate na si Tresshella at dinala sa mansion ng kanilang mga magulang.
Hanggang ngayon ay hindi pinapansin ni Sadia ang kanyang ama na si Ellieoth. Masyado niyang dinamdam ang huling pangyayari noon sa kanila ni Florian, ang huling pag kikita nila ng lalaki. Pwersahan din siyang dinala sa america. Hindi nga alam ng kanyang ama at ina umuwi siya kahapon. At dahil ayaw niya pang makita ang kanyang ama ay dito muna siya umuwi sa condo unit niya. Buti nalang ay nariyan ang kanyang ate na si Tresshella dinadamayan sa tuwing umiiyak at nalulungkot siya, noon sa america. Kahit may anak at asawa na si Tresshella ay nagagawa pa nitong dalawin siya at ipag luto ng kanyang makakain.
Malim na hininga ang pinakawalan ni Sadia. "Kamusta na kaya siya?" Tanong niya sa kanyang isipan. May asawa na kaya ang lalaki, sa tagal ng panahon na wala siya. Siguradong naka hanap na ito ng ibang babae.
"Hoy, tulala ka nanaman diyan sino na naman ba ang iniisip mo? Yung first charming mo ba?" Naka ngising turan ni Rishtly.
"Ano kaba hindi no, naalala ko lang si Kalev." Alibi ni Sadia.
"O siya mag bihis kana at aarangkada na tayo."
"Ano ba ito? Kulang nalang ay mag hubad ako sa damit na ito." Reklamo ni Sadia habang pinag mamasdan ang kabuuan sa malaking salamin.
Masyado kasing maiksi ang suot niyang dress.
"Ano ba twinnie kasi tayo. Ang cute nga natin tingnan."
Mag kapareho ang desinyo ang damit ng dalawa, mag kaiba lang ang kulay nito.
Pag katapos lagyan ni Rishtly ng kaunting make up si Sadia ay kinulot naman niya ang mahabang buhok ng babae.
"Saan ba tayo pupunta Rish?"
"Doon sa bagong bukas na club ng kuya ko." Sagot ni Rishtly.
Lumabas sila sa condo iika-ikang nag lalakad si Sadia sa hallway. Hindi pa siya masyado sanay mag suot ng matataas na sandals.
"Girl,, seriously daig mo pa ang bagong tuli. Bakit ganiyan ka naman mag lakad." Natatawang wika ni Rishtly.
"E, kasi naman ang taas masyado ng sandals na ito." Reklamo naman ni Sadia.
Pag kababa nila sa underground parking lot ng Del Falco condominium ay sumakay na sila sa kotse na dala kanina ni Rishtly.
Nang makarating sila sa T.C.K club. Biglang lumakas ang t***k ng puso ni Sadia. Kaya naman napahawak ito sa kanyang dibdib.
Pag pasok nila sa entrance ng club ay naagaw na nila ang atensiyon ng mga kalalakihan kahit kapwa babae nila ay hindi maikakaila ang pag hanga ng mga ito para sa kanila.
"Let's go doon tayo." Hinila ni Rishtly si Sadia patungo sa counter kung saan ang isang lalaki ay nag hahalo ng iba't-ibang alak.
Pag ka-upo ng pag kaupo nila sa high stool bench ay agad humingi ng alak si Rishtly sa bartender na lalaki.
"Cheers!" Wika ni Rishtly at sabay kampay ng goblet na hawak nito.
"Nahihilo na ako Rish." Usal ni Sadia at marahang hinilot ang mag kabilang sintido. Medyo marami narin kasi ang nainom nila sunod-sunod ba naman ang tagay nilang dalawa.
"Punta muna ako ng washroom Rish,"
Paalam ni Sadia sa kaibigan tumango lang si Rishtly at muling lumagok ng alak.
Kahit hilong-hilo na si Sadia ay pinipilit niyang mag lakad ng tuwid.
Sa pasilyo kung saan papunta sa ladies room. Nakayukong naglalakad si Sadia muntik pa itong matapillok at mawalan ng balanse buti nalang at may brasong maagap na pumulupot sa baywang niya.
"Oopss, muntikan na ako dun ah," tumatawang wika ni Sadia. Yumakap si Sadia sa baywang ng lalaki at hinilig ang kanyang ulo. Sadyang hilong-hilo na talaga siya.
Ang lalaki naman ay biglang nakaramdam ng pagkairita. Paano kasi nakapulupot na ang braso ng babae sa kanyang baywang. Hindi rin makita ang mukha ng babae dahil naka yuko ito ang mahabang at medyo kulot na buhok nito ay natatakpan ang mukha ng babae.
"Hey, miss wake up tulog kana ba hindi ako kama." Inis na saad ng lalaki.
"Miss na miss na kita Florian." Mahinang usal ng babae habang umiiyak.
Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki tama ba ang kanyang narinig pangalan niya ang binanggit ng babae.
Dahan-dahan hinawi ni Florian ang ang buhok ng babae.
Lumakas ang t***k ng puso ni Florian ng masilayan ang mukha ng babae.
Ilang beses siyang napalunok ng laway ng mapasino ang babaeng nakayakap sa kanya.
Ang babaeng tatlong taon niyang hindi nakita, ngayon ay nasaharapan niya na.
Totoo nga ang sabi ni Liamber lalo itong gumanda.
Medyo nag matured ang mukha nito kumpara noon.
Nakapikit lang si Sadia habang patuloy sa pag tulo ng kanyang luha.
"Sadia!" Usal ni Florian.
Unti-unting nag mulat ng kanyang mata si Sadia ng marinig ang boses ng lalaki.
"Totoo ba itong nakikita ko? Nasa harapan ko si Florian?" Wika ni Sadia at tuwid na tumayo.
Hindi kaya namamalikmata lang siya dahil sa kalasingan.
Bahagyang lumayo si Sadia sa lalaki at sinampal-sampal ang mag kabilang pisngi.
"Nananaginip lang ba ako?" Wika ng babae.
"You're not dreaming."
Anang ng lalaki at hinawakan ang pulsuhan ng babae, hinila niya ito papalapit sa kanya at siniil ng nag aalab na halik. Humiwalay si Florian at bumulong sa tainga ni Sadia.
"I missed you baby."
Nanlaki ang mata ni Sadia at dahil nga lasing ito ay hindi siya sigurado kung totoong si Florian nga ang nasa harapan niya.
Pwersang tinulak ni Sadia si Florian at sinampal ito sa pisngi.
"Walanghiya ka hinalikan mo ako? Hindi porket kamukha mo si Florian e, pwede mo na akong halikan!" Bulyaw ni Sadia.
Mag sasalita pa sana si Florian ng may tumawag sa babae.
"Sweetheart," boses ng isang lalaki.
Napatingin si Florian sa likuran ni Sadia.
Tumiim ang bagang ni Florian ng makilala ang lalaking tumawag kay Sadia.
"Phillix Sandoval!" Mariing wika ni Florian.
"Phill, a-anong ginagawa mo rito?!" Gulat na tanong ni Sadia sa lalaki. Parang nawala ang kalasingan ni Sadia.
"Isn't obvious, syempre sinusundo ang asawa ko." Naka ngising saad ni Phillix pero ang mata nito ay kay Florian nakatuon.
Nakakamatay na tingin ang pinukol ni Florian kay Phillix.
"Paano mo nalaman na narito ako?"
"Tumatawag ako sa cellphone mo pero si Rishtly ang sumagot. Ang sabi niya narito daw kayo sa bagong bukas na club ng kuya niya. That's why i'm here." Paliwanag ni Phillix.
"Umuwi kana Phillix kaya kong umuwi mag isa. And please huwag kang mag susumbong kay papa." Saad ni Sadia.
"No, i'm sorry Sadia pero asawa na kita ngayon. Hindi naman kita pwedeng iwan at pabayaan. Paano si Calev? Baka hanapin ka nun. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ka kasama."
Biglang nairita si Sadia dahil sa kakulitan ni Phillix. Oo kasal silang dalawa at mag asawa, pero sa papel lang iyon. Hindi niya mahal si Phillix ni kiligin nga wala siyang nararamdaman. Oo sobrang guwapo ni Phillix, mabait at sweet. Pero hindi niya ipag papalit si Florian, nag iisa lang ang lalaki sa puso niya.
"Puwede ba Phillix huwag kang makulit. Gusto ko lang mapag-isa ngayon at maging malaya kahit ngayong gabi lang."
Bumaling si Sadia kay Florian. "Sa kanya, sa kanya ako sa sasama. Kamukha niya si Florian." Dagdag pa ng babae at ngumuso.
"Sige na umalis kana doon kana lang mag punta sa totoong mahal mo. Diba si Zynar ang mahal mo, go Phillix huwag mo na ako intindihan. Paano ka magiging masaya kung lagi ka naka buntot at sumusunod sa mga inuutos ni papa sa'yo."
"Pero--"
"Hay naku wala ng pero-pero, sige na umalis kana." Wika muli ni Sadia.
Nag pakawala ng malalim na hininga si Phillix, hindi niya kaya makipag talo sa babaeng ito masyadong makulit at napaka tigas ng ulo.
"Fine," Tipid na sabi ni Phillix at tumingin kay Florian.
"Ingatan mo siya, bukas ng hapon susunduin ko siya." Turan ni Phillix at tumalikod na.
Nang makaalis si Phillix ay nag salita si Sadia.
"Ikaw, huwag kang aalis riyan iihi lang ako." Ani ni Sadia.
Ngumiti si Florian bago sumagot. "Copy that ma'am."
Nang makabalik si Sadia ay niyaya niya si Florian, bumalik sila sa dating puwesto kung nasaan si Rishtly.
"Rishtly," tawag ni Sadia sa kaibigan.
"O naririto ka pa--" hindi na naituloy ni Rishtly ang sasabihin ng mapatingin ito kay Florian.
"O my gosh! K-kuya Florian?"
Bulalas ni Rishtly. Nang makilala ang lalaking kasama ni Sadia.
Kumunot ang noo ni Sadia, bigla itong nalito. "Mag kakilala kayo?" Tanong ni Sadia.
"Oo naman, best friend siya ni kuya Thunder. Don't tell me na siya ang tinutukoy mo na first love mo?" Saad ni Rishtly.
Ilang beses napa lunok si Sadia. So hindi siya namamalikmata at hindi rin ito basta kamukha ni Florian. Kundi si Florian talaga ang kasama niya ngayon.
Dahan-dahan siyang tumingin kay Florian. Huling-huli niya ang kakaibang titig sa kanya ng lalaki. Ang nakakapasong tingin nito na kulang nalang ay hubaran siya sa bawat pag hagod ng mainit na titig ng lalaki sa kanya.
Matagal pinag masdan ni Florian ang kabuuang katawan ni Sadia. May napansin kasi siya sa babae, parang nag bago ang hubog ng katawan nito.
Mas lalo yata itong naging sexy, lumapad ang balakang nito pati ang dibdib ng babae ay bahagyang lumaki. Medyo nag kalaman din ang babae, noon kasi ay medyo payat ang katawan ng babae.
Si Sadia ang unang nag iwas ng tingin hindi niya kaya ang kakaibang intinsidad ng mga titig ni Florian.
Bigla tuloy siyang nailang kaya naman bigla niyang dinampot ang isang bote ng alak sa counter table at nilagok ito.
Nakangising lumapit si Rishtly sa kaibigan at bumulong.
"Nate-tense girl? Sabagay sino ba naman ang hindi. s**t ang hot ni kuya Florian."
"Bro, saan ka ba nag pu--" hindi natapos ang sasabihin ni Thunder ng makita si Rishtly ang bunsong kapatid. At mas lalo niyang ikinagulat nag makita si Sadia sa tabi nito.
"Rishtly? What are you doing here?" Tanong nito.
"Kuya naman bakit bawal ba mag punta dito." Naka simangot na saad ni Rishtly.
"Atsaka bakit kasama mo si Sadia?" Tanong muli ni Thunder.
"Syempre best friend kami."
"Halikana Rish sumabay kana sa akin umuwi." Aya ni Thunder sa kapatid na babae.
"No, how about Sadia hindi ko siya puwede iwan dito. Ihahatid ko pa siya sa condo niya."
"Si Florian na ang bahala sa kanya." Makahulugang ngumisi si Thunder kay Florian. Napailing nalang si Florian madumi talaga ang utak ng kaibigan niya.
Ayaw pa sanang umuwi ni Rishtly pero wala siyang magawa. Anong laban niya kay Thunder mas matanda ito sa kanya at dapat siyang masunod.
Nag paalam na si Rishtly kay Sadia bumeso muna ito bago umalis.
Nang si Sadia at Florian nalang ang natira ay agad tumalikod si Sadia at naupo sa highstool bench.
Patuloy niyang nilagok ang alak medyo nanginginig pa ang kamay ng babae habang gawak ang bote ng alak.
Pinag masdan ni Florian ang makinis na likod ni Sadia. Doon niya napansin ang tattoo na nakaukit sa balikat ng babae.
Napangiti siya ng mabasa ang pangalang naka tattoo sa balat ng babae. Walang iba kundi ang kanyang pangalan.
Nag lakad siya papalapit sa babae. Bahagya siyang umuklo at dinampian ng halik ang balikat ni Sadia.
Nanigas ang buong katawan ni Sadia ng maramdaman niya ang labi ni Florian sa kanyang balat. Pakiramdam niya may ilang bilyong boltahe ng kuryente ang gumapang sa kanyang katawan.
"Kailan kapa natutong uminom ng alak, makakasama sa katawan mo yan." Bulong ni Florian sa tainga ng babae. Napapikit si Sadia ng tumama ang mainit na hininga ng lalaki sa gilid ng kanyang leeg.
"Tama na yan lasing kana, ihahatid na kita sa bahay niyo." Muling saad ni Florian.
Dahan-dahan humarap si Sadia kay Florian. Muntikan niya pang mahalikan ang lalaki dahil sa sobrang lapit ng mukha nito. Halos mag dikit na ang dulong ng tungki ng kanilang mga ilong. Matagal nag katitigan ang dalawa bago mag salita si Sadia.
"Puwede bang huwag mo muna akong iuwi sa'min. Puwede bang sumama sa'yo?" Malumanay na wika ni Sadia.
"Kung iyan ang gusto mo masusunod." Sagot naman ni Florian.
"So let's go, mahaba-haba pa ang gabi marami pa tayong puwedeng gawin." Pilyong ngumiti si Florian sa babae.
Inilahad ni Florian sa harapan ni Sadia ang isa niyang palad. Tinanggap naman ito Sadia.
Sa mahabang byahe ay kapwang tahimik ang dalawa. Pareho silang nag papakiramdaman. Si Sadia ay labis nakakaramdam ng sobrang pag kahilo dulot narin ng alak naininom niya.
Pumasok ang kotse ni Florian sa isang malaking gate. Hindi ito pamilyar kay Sadia. Malawak ang pavillion ganoon din nag garahehan ng mga sasakyan. Pag kababa niya ay labis siya namangha dahil lahat ng sasakyang naka park sa malawak na garahe ay pulos mamahalin.
Lahat ba ng ito ay kay Florian. Inakay ni Florian si Sadia sa loob ng mansion.
Malaki ang ispasyo ng sala ang marmol na sahig ay halos kuminang dahil sa sobrang linis nito. "Nasaan tayo? At kaninong bahay ito?" Nag tatakang tanong ni Sadia.
"This is our home, pinagawa ko ito para sa ating dalawa para sa mga magiging anak natin. Dahil alam kong babalik ka, na babalikan mo ako." Tumulo ang butil ng luha ni Florian.
"I'm sorry kung natagalan ako. Simula ng umalis ako at tumira sa america hindi ka nawala sa isip ko Florian. Nag aral ako doon kahit sobrang hirap, tiniis ko para sa'yo dahil gusto ko sa oras na bumalik ako ay kaya na kitang ipag laban sa pamilya ko at lalo na kay papa."
"Thank you for coming back. Mahal na mahal kita Sadia at walang nag bago doon kahit ilang taon pa ang lumipas."
"Halika may ipapakita ako sa'yo." Hinawakan ni Florian ang kamay ni Sadia at inakay paakyat ng hagdan.
Pag karating nila sa ikatatlong palapag ng mansion. Pumasok sila sa isang kuwarto madilim ang loob ng silid. Pinindot ni Florian ang switch ng ilaw malamlam na kulay pulang liwanag ang nang gagaling sa bombilya.
Inilibot ni Sadia ang kanyang buong paningin sa loob kuwarto.
Napako ang kanyang mata sa isang malaking painting na nakadikit sa dingding kaharap ng malaking kama.
"Ang ganda," mahinang wika niya. Lumapit siya roon at marahang hinaplos ang painting.
"Nagustuhan mo ba?" Mahinang wika ng lalaki.
"Yes, sobra." Sagot ni Sadia at humarap sa lalaki.
Ang taong naka-ukit sa painting ay walang iba kundi si Sadia.
"Salamat Florian."
"You are welcome mahal ko." Bahagyang tumungo ang lalaki at pinag dikit ang kanilang mga noo.
"I missed you!" Usal ni Florian.
"I missed you too!"
"Mahal na mahal kita Sadia."
"Mahal na mahal din kita Florian."
Dahan-dahan lumapit ang mukha ng lalaki at masuyong hinalikan si Sadia sa labi.
Ginantihan naman ito ni Sadia.
Kinabukasan.
Nang mag punta si Tresshella sa condo unit ni Sadia ay wala ang babae.
"Saan na naman kaya nag punta ang makulit na babaeng yun." Anang ni Tress.
"Tita mommy nasaan po si mama?" Tanong ng isang batang lalaki.
"I don't know Calev, alam mo naman yung mama mo makulit at matigas ang ulo. Mas matigas pa nga ang ulo nun kaysa sa'yo." Sambit ni Tress at kinuha ang cellphone sa bag na dala niya.
Tinawagan niya si Rishtly ilang beses ito tumunog bago may sumagot.
"Hello ate Tresshella," bungad ni Rish. Halata pa sa boses ng babae na may hangover pa ito.
"Where is Sadia, is she with you now?"
Marahang umungol si Rish sa kabilang linya bago sumagot. "Kagabi mag kasama kami sa club. Pero ngayon hindi ko po siya kasama ate Tresshella." Sagot ni Rish.
"Kung ganun nasaan siya? Wala siya dito sa condo niya. Sino ang huling kasama niya kagabi?"
"Si kuya Florian po."
"What?!" Sigaw ni Tress.
Nabatukan ni Rish ang kanyang sarili. Ayon kasi sa kwento ng kanyang kuya kagabi ay ayaw ng pamilya ni Sadia kay Florian.
"Florian? As in Florian Deogracia?" Ulit ni Tress.
Hindi sumagot si Rish, bakit niya nga ba sinabi.
"Rish, are you there?"
"Ahmm, yes ate Tress."
Pag katapos mag paalam sa isa't isa ay ang sunod tinawagan ni Tress si Phillix.
"Any problem ate Tress?" Agad na tanong ni Phillix.
"Ang asawa mo wala rito sa condo niya. Nasaan kaba akala ko ba kasama mo siya kagabi." Sermon ni Tress sa lalaki.
"Yeah, kasama ko siya hanggang ngayon, why? Tulog pa siya lasing na lasing kasi siya kagabi. Gisingin ko ba siya ate."
"No, sapat na sa akin na malaman na ikaw ang kasama niya at hindi si Florian. Alam mo naman si Daddy galit sa mga Deogracia." Wika ni Tress.
"Don't worry ate babantayan ko siya at sisiguraduhin ko na hindi makakalapit si Florian Deogracia sa kanya."
"Ok, thank you phillix."
Nang ibaba ni Tress ang tawag nag pakawala ng malalim na hininga si Phillix at tumingin sa babaeng katabi nito.
Mahimbing nanatutulog si Zynar sa tabi niya.
Paano niya mapapakasalan si Zynar kung naiipit siya sa sitwasiyon nila ni Sadia.
Noong una akala niya si Sadia ang gusto niyang makasama. Oo aaminin niya sa kanyang sarili na malaki ang pag kagusto niya sa babae. Pero nang makilala niya si Zynar nag bago ang lahat. Doon niya lang nadiskubre na isang malaking atraksyon lang ang nararamdaman niya para kay Sadia. Dahil sa kakaibang ganda ng babae.
Pulis siya pero napa-ibig siya ng isang mag nanakaw na babae. Siguro nang ninakaw ng babae ang wallet niya pati puso niya ay ninakaw narin ng babae.
Dahil wala pa si Sadia ay ibinalik nalang ni Tress ang kanyang pamangkin sa mansion ng kanilang mga magulang.
"Hey, big boy where is your mommy?"
Salubong ni Sixto sa pamangkin na lalaki.
Bitbit ni Sixto ang isang magazine habang kinakausap si Calev.
"Huy, Sixto ikaw muna mag bantay kay Calev habang wala pa si Sadia. Pakiusap lang ha, huwag mong tururuan ng mga kapilyuhan yang si Calev. Naku lagot ka talaga sa akin." Wika ni Tress sa bunsong kapatid na lalaki.
"Sige ate ako muna bahala sa makulit na batang ito." Ani ni Sixto.
Nag paalam na si Tress na aalis muna.
"Where is your mommy, wala parin ba siya?" Tanong muli ni Sixto sa bata at sabay gulo sa buhok ng bata.
"Wala pa po siya sa condo tito Sixto. Ang sabi po ni tita Tress, ay kasama ni mama si tito papa." Wika ng inosenteng bata.
"Ahmmn, alam mo bang ang kasama ng mama mo ngayon ay ang totoong daddy mo." Pabulong na saad ni Sikto sa pamangkin.
Nanlaki ang mga mata ng bata mababakasan ang kasayahan sa mga mata nito. "Really tito Sikto!" Masiglang wika ni Calev.
"Yeah, i saw your mother last night with your real daddy. Huwag mo ipag sasabi ang tungkol sa daddy mo, kahit sa lolo at lola mo."
"Bakit po tito Sikto?" Nag tatakang tanong ng bata.
"Dahil secret lang natin ito, gusto mo ba kapag nalaman ng lolo mo ang secret natin ay hindi mo na makikilala ang totoo mong daddy. Gusto mo bang mangyari yun?"
"Ayaw po,"
"Ok, kaya secret lang natin ha, mag promise ka sa akin."
"Promise po tito Sikto hindi ko po ipag sasabi." Tinaas ng batang lalaki ang isang kamay niya at nangako.
"Good boy. Halika kakain tayo ng ice cream."