Napabalikwas sa kama si Sadia at naupo.
"What the, ang sakit ng ulo ko." Daing ni Sadia at sabay sapo sa kanyang noo.
Inilibot niya ang kanyang paningin sa loob ng isang silid.
Naaalala niya hindi ito ang kanyang kuwarto.
Sa desinyo kasi nito at halatang lalaki ang may nag mamay-ari.
Ilang beses napalunok si Sadia at dahan-dahang bumaling sa kaliwang bahagi ng kama. Kung saan nakahiga ang isang lalaki.
Nanlaki ang mga mata niya ng masilayan ang mukha ni Florian. Wala itong suot pang itaas kaya lantad ang tattoo nito sa dibdib.
"F-florian? Paano nangyaring mag kasama kami?"
Mahinang usal ng babae. "Sa pag kakaalam ko si Rish ang kasama ko kagabi sa club. Nag inom kami then nag punta ako ng cr at may naka bunggo akong isang lalaki. Ang lalaki na iyon ay si--, sh**t si Florian. Ang buong akala ko ay panaginip lang ang lahat."
Mahinang wika ni Sadia. Inangat niya ng dahan-dahan ang kumot na naka balot sa buong katawan niya. Parang tinambol ng malakas ang dibdib niya ng mapag alamang wala siyang ibang saplot kundi ang manipis na panty.
"Sh**t pusit! May nangyari ba sa aming dalawa? Paano kung may mabuo ulit?" Kabadong wika ni Sadia.
"Pero bakit ako matatakot mahal ko si Florian at isa pa, isa siya sa mga dahilan kung bakit ako umuwi at bumalik dito sa pilipinas." Dagdag niya.
Napahilamos ng mukha si Sadia kailangan niya ng umuwi baka hinahanap na siya ni Calev.
Mabalis na bumangon si Sadia sa kama at nag punta sa loob ng banyo upang mag hilamos ng mukha.
"s**t! Nawala sa isip ko hindi pa pala ako puwede uminom ng kahit anong alak. Dahil nag mi-maintenance ako ng gamot. Si Rightly kasi e, ang kulit pati siya ay nakalimot yata na bawal ako uminom ng alak. Huwag lang sana ito makarating kay ate Tresshella. Kundi lagot ako nito." Wika ni Sadia sa sarili.
Pag bukas niya muntikan pa siyang mapatalon sa gulat, paano ba naman kasi si Florian ay nasa labas na ng pinto. At dahil wala siyang suot na bra ay tanging braso niya lang ang pinang takip sa dalawamg umbok niya.
Tanging boxer lang ang suot ng lalaki.
Hindi naman sinasadayang napatitig si Sadia sa matigas na tiyan ni Florian.
"Ahem!"
Agad binaling ni Sadia ang kanyang paningin sa ibang dereksiyon ng tumikhim si Florian.
Nakagat ng babae ang pang ibabang labi niya. "Ano ba yan nakakahiya, bakit naman kasi sa tiyan niya pa ako tumitig." Anang ni Sadia sa kanyang sarili.
Labis nakaramdam ng pag ka-ilang si Sadia lalo na ng mapansin niya ang mainit na titig sa kanya ni Florian.
"Bakit ba ang ganda ng babaeng ito, hindi nakakasawang pag masdan ang magandang mukha nito." Sa isip-isip ni Florian.
"Ahmmn, mag bibihis lang ako." Saad ni Sadia habang nakayuko.
Nag bigay daan si Florian sa dalaga upang makadaan ito.
Napailing at napangisi nalang si Florian dahil sa reaksiyon ng mukha ni Sadia. Ang cute talaga nito mag blush, tinapunan niya muna ito ng tingin bago tuluyan pumasok ng banyo.
Nang matapos maligo ni Florian agad siyang lumabas ng banyo.
Nadatnan niyang nag susuklay ng buhok si Sadia gamit ang suklay niya.
Hinagod niya ng tingin ang buong katawan ng babae.
Bigla siyang nairita dahil sa dress na suot nito. Masyado kasing maiksi at halos lumantad ang likod nito.
Lumapit siya sa babae at bahagyang tumungo. Bumulong siya sa tainga ng babae.
"I don't like the dress you're wearing." Bulong ni Florian kay Sadia.
Mariing napapikit ng mata si Sadia, dahil sa kakaibang hatid ng init na hininga ni Florian.
"Ahmn, hindi naman sa akin ang damit na ito kay Rishtly. Pinasuot niya sa akin makulit kasi ang babaeng iyon kaya pinag bigyan ko nalang." Paliwanag ng babae.
"I see, but next time don't wear a dress like that, ok? During the times you gave yourself to me. I am the only one who can see your body and no one else. Do you understand baby?"
Usal ni Florian nanatiling naka dikit ang labi ni Florian sa tainga ni Sadia. Dumapo ang dalawang palad ng lalaki sa baywang ni Sadia at bahagyang hinaplos ito.
"You are mine baby, you are just mine." Muling usal ni Florian.
"Hmnp, oo na po sayong-sayo lang ako kaya pwede ba itigil mo yang kakahaplos sa baywang ko. Baka kung saan na naman mapunta yan." Turan ni Sadia.
"Take off your clothes."
Napapanganga si Sadia at sabay humarap kay Florian. "Hoy! Umagang- umaga ha, landi mo."
"Ito naman, hubarin mo yang damit mo at mag palit ng damit ." Wika ni Florian at bumitaw sa pag kakahawak sa baywang ng babae.
"Ang dirty mo na mag isip baby." Dagdag pa ng lalaki bago mag tungo sa closet nito.
Napangiwi naman si Sadia, bakit naman kasi ang dumi ng isip niya.
Inabot ni Florian ang isang kulay pulang long sleeve.
Nang makatapos mag bihis si Sadia ay biglang tumunog ang cellphone ni Sadia.
Tiningnan niya kung sino ang tumatawag si Phillix pala. Agad niya dinampot ang cellphone at sinagot ito, ni loudspeaker ni Sadia ang cellphone upang marinig ni Florian. "Yes Phill?"
"Where are you wifey? Kailangan na kita sunduin. Hinahanap kana ng ate mo. At isa pa baka hanapin kana rin ng papa mo." Wika ni Phillix sa kabilang linya.
Lumapit si Florian kay Sadia at inagaw ang cellphone. "Kami ang pupunta sa'yo, sabihin mo lang kung nasaan ka." Seryosong saad ni Florian.
Ayaw ni Florian na may ibang makaalam na kahit sino kung nasaan ang mansion niya.
Pag katapos sabihin ni Phillix kung nasaan siya nag paalam na ito.
Habang lulan ng kotse sila Sadia at Florian tahimik lang ang dalaga malalim ang iniisip nito.
"What are you thinking?" Tanong ni Florian.
"Wala." Maik-ising sagot ni Sadia.
Kanina pa iniisip ni Sadia kung sasabihin ba niya kay Florian na may anak silang dalawa.
Inaalala ng babae kapag sinabi niya sa lalaki at malaman ng kanyang ama siguradong may bubuoo na naman na hidwaan sa pagitan nila.
Hanggang ngayon kasi ayaw ni Ellieoth kay Florian para kay Sadia kahit nag kaanak pa ang dalawa.
Nang makaritng sila sa lugar kung saan sila mag kikita nila Phillix. Akma na sanang bubuksan ni Sadia ang pinto ng kotse ngunit pinigilan siya ni Florian.
Nag tatakang bumaling si Sadia sa lalaki.
"Where is my kiss." Turan ni Florian at ngumuso sa harapan ni Sadia.
Nahihiyang inilapit ni Sadia ang kanyang mukha at mabilis na nilapatan ng halik si Florian sa labi.
Hihiwalay na sana si Sadia ng hawakan ni Florian ang likod ng ulo niya.
Nabigla siya sa ginawa ng lalaki.
Mainit na halik ang ibinigay ni Florian sa babae. Kulang nalang ay lapain niya ang labi ni Sadia.
Nang pakawalan ni Florian si Sadia ay pareho silang humahangos.
"Kailan ulit tayo mag kikita?" Mahinang tanong ni Florian.
"I don't know, tatawagan nalang kita."
"All right, call me because I'll miss you." Wika ni Florian.
Pag katapos ng pag uusap ng dalawa ay sabay lang sila lumabas ng kotse.
"Sadia," tawag ni Florian kay Sadia.
"Ano yun?"
"Please, huwag kang mag papahawak o tatabi sa lalaking yan." Anang ni Florian at sabay turo kay Phillix.
Tumaas ng bahagya ang kilay ni Phillix sa sinabi ni Florian.
"Why not? I'm her husband, and she is my wife. So ibig sabihin may karapatan akong hawakan, halikan at yakapin siya, kung saan ko man gusto. E, ikaw hindi ka naman asawa ni Sadia pero nahahalikan mo siya, kung tutuusin wala kang karapatan."
Pang aasar ni Phillix kay Florian. Parang uusok ang ilong ni Florian sa inis. Ang sama ng tingin nito kay Phillix ko lang nalang ay sakalin niya si Phillix.
"Just try to touch and kiss her. I will make sure, you disappear from this world!"
Humalakhak ng malakas si Phillix.
"Woah! Mr. Deogracia hindi ka parin talaga nag babago masyadong parin mainitin ang ulo mo." Bigkas ni Phillix.
"Ano ba Phillix wag mo na nga inaasar." Saway ni Sadia at sabay hampas sa braso ni Phillix.
"What? Masyado kasing pikon yang boyfriend mo. Hindi talaga nag babago masyadong seryuso, hindi na mabiro." Sambit ni Phillix.
"Stop Phillix," pinandilatan ng mata ni Sadia si Phillix.
"Aalis na kami Florian, tatawag nalang ako sa'yo."
Niyakap ni Florian si Sadia at hinalikan ang noo ng babae. "Take care of yourself Sadia."
"Ikaw rin Florian." Tumingkayad si Sadia at hinalikan sa labi si Florian.
Nag init ang mag kabilang pisngi ni Florian pati ang mag kabilang tainga nito ay namumula.
Baliktad yata siya ang lalaki pero parang siya pa ang kinikilig ngayon. Hindi niya inaasahan na gagawin ito ni Sadia sa harapan mismo ni Phillix.
"Ahem,, respeto naman diyan i'm here." Anang ni Phillix.
"Bye," tumalikod na si Sadia at nag lakad patungo sa kotse ni Phillix.
"Hoy Sandoval, ingatan mo si Sadia dahil sa oras na may mangyari sa kanya ikaw ang malalagot sa akin."
"Don't worry Deogracia ako ang bahala sa kanya. Aalagaan ko siya, gusto mo kahit sa kama pa." Nakangising turan ni Phillix.
"Ang angas talaga ng isang ito. Kung bangasan ko kaya ito." Ani ni Florian sa kanyang isipan.
"Phillix, please stop." Turan ni Sadia.
Lumingon si Phillix kay Sadia. "Sorry Sadie sarap kasi asarin ng boyfriend mo." Natatawang sabi ng lalaki.
Inirapan ito ni Sadia. "Tumigil kana Phill, tara na umalis na tayo."
Nag wave si Sadia kay Florian bago pumasok sa kotse, simpleng ngiti lang ang tugon ng lalaki.
"Paano ba yan pare mauna na kami."
Hindi na pinansin ni Florian ang sinabi ni Phillix tumalikod na ito at pumasok sa driver seat.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Florian hanggang sa makarating siya sa kanyang opisina.
Nakaupo siya ngayon sa swivel chair hawak ang kanyang cellphone.
"Pare, para kang sirang plaka diyan. Kanina ko pa napapansin panay ang ngiti mo. Ano, iyan naba ang naidulot ni Sadia sa'yo ng buong gabing mag kasama kayo." Sambit ni Thunder.
Hindi sumagot si Florian at nanatiling nakangiti at nakatingin sa kawalan.
Napailing nalamang si Thunder. Masaya siya para sa kaibigan kahit hindi man perpekto ang relasiyon ni Florian at Sadia. Ang importante nakikita niya na itong naka ngiti, hindi katulad noong nawala si Sadia.
Alas onse na ng tanghali ng makarating sila Sadia at Phillix sa mansion nila Ellieoth.
Sa pinto palang ng mansion ay sinalubong na si Sadia ng kanyang anak.
"Mama,,," Masiglang sigaw ni Calev habang papalapit kay Sadia. Naka sunod naman sa likuran ni Calev si Sixto.
Sinalubong ng yakap ni Sadia si Calev.
"Hi baby,, kamusta ang big boy ko. Hindi ka naman ba naging makulit."
"Hindi po mama si tito Sixto po ang nag bantay sa akin dito."
"Salamat Sixto."
"No problem ate basta ikaw at si Calev, malakas kayo sa akin." Saad ni Sixto.
"Sige Sadia aalis na ako, babalik nalamang ako mamayang hapon. Upang pag-usapan ang negosiyong plano nating ipatayo."
"Bye Calev," paalam ni Phillix sa batang lalaki
"Bye po tito papa."
"Be a good boy,,, huwag kang mag papasaway sa mama mo."
"Yes po tito papa."
Nang makaalis si Phillix nahuli ni Sadia ang mga tingin sa kanya ng bunsong kapatid.
"I saw you at the club last night with him."
Bahagyang kumunot ang noo ni Sadia.
"Ha? M-mag k-kasama naman talaga kami ni Phillix kagabi." May panginginig sa boses ni Sadia.
"Hindi naman si kuya Phillix ang tinutukoy ko. Kundi si kuya Florian, saan kayo nag punta kagabi?"
Pag uusisa ni Sixto sa nakakatandang kapatid.
"A-ano ba yang pinag sasabi mo Sixto si Phillix ang kasama ko kagabi." Nag mamaang-maangan na wika ni Sadia.
"Ate don't worry ok, hindi naman kita isusumbong kay Daddy. Alam naba ni kuya Florian na may anak kayong dalawa?"
Agad tinakpan ni Sadia ang bibig ni Sixto gamit ang kanang palad niya.
"Pakiusap hinaan mo ang iyong boses Sixto baka may makarinig sa'yo."
"Walang ibang tao rito hindi pa nakaka-uwi sila daddy at mama mula sa bicol. Si ate Tress umalis kanina. Don't worry your secret is safe with me ate Sadie."
"Salamat Sixto."
Bahagyang hinila ni Calev ang dulo ng long-sleeve na suot ni Sadia.
"Mama,,, tito Sikto told me na kasama mo daw ang totoong daddy ko po?"
Inosenteng tanong ni Calev kahit three years old palang si Calev ay tuwid na ito mag salita.
"Can i meet him po?" Muling saad ni Calev.
Pinandilatan ni Sadia si Sixto. "Sinabi mo sa kanya?!" Mariing wika ni Sadia.
"Yeah, kailangan niya makilala ang totoong ama niya." Sagot naman ni Sixto.
"Mama hindi ko naman po sasabihin kay lolo papa at lola mama. Secret lang po natin, diba tito Sixto?" Turan ng bata at sabay bumungisngis.
"Yes big boy secret lang natin yun." Saad ni Sixto sabay gulo ng buhok ng bata.
"At anong secret yun?!"
Sabay-sabay silang napalingon sa dereksiyon ni Ellieoth kasama nito si Angelecca at si Hara ang asawa ni Leo.
Nag katinginan si Sadia at Sixto pero si Calev ay labis ang kasayahan ng makita ang lolo at lola niya.
"Lolo papa at lola mama!" Masiglang sigaw ni Calev at nanakbo patungo sa puwesto nila Ellieoth.
Lumuhod si Angelecca upang salubungin ng yakap ang apo. Ganoon din si Ellieoth. Pinupog ng halik ni Angelecca si Calev sa pisngi nito.
"Ang laki mo na iho." Wika ni Angelecca.
"Namiss ko po kayo lolo at lola, ang tagal niyo po kasi dumalaw sa america kaya umuwi nalang kami ni mama."
"I miss you too iho, pasensya kana naging busy kasi kami ng lolo papa mo."
Tumingin si Angelecca kay Sadia at matamis na ngumiti. Tumayo siya at nag lakad patungo kay Sadia.
"Namiss kita ng sobra Sadia lalo kang gumanda." Naluluhang saad ni Angelecca at niyakap si Sadia.
"I miss you too mama." Sambit ni Sadia.
Unang bumitaw si Sadia sa pag kakayakap sa ina.
"Calev anak halikana uuwi na tayo sa condo." Yaya ni Sadia sa anak.
Hindi manlang magawang tapunan ng tingin ni Sadia ang kanyang ama. Hanggang ngayon kasi masama parin ang loob n'ya sa kanyang papa.
Lumungkot ang awra ng mukha ni Calev. "Mama hindi po ba tayo dito matutulog? Namiss ko po kasi si lolo at lola gusto ko po sila makasama." Bahagyang nag tutubig ang mga mata ni Calev. Ang mukha nitong nag susumamo kay Sadia.
"Iiwan nalang kita dito babalikan nalang kita bukas." Anang ni Sadia sa anak.
"No! Hindi ka aalis ng bahay na ito. Atsaka bakit sa condo ka uuwi ay may asawa ka, dapat doon ka sa bahay ni Phillix umuwi." Inis na wika ni Ellieoth.
Huminga ng malalim si Sadia bago tumingin sa ama.
"Papa malaki na po ako at hindi na ako bata para diktahan mo sa lahat ng gagawin ko. Sinunod ko na ang lahat ng gusto mo noon. Nilayuan ko si Florian ayon sa gusto mo, nag pakasal ako kay Phillix kahit labag sa loob ko. Ano pa ba ang gusto mo? At isa pa, oo mag asawa kami ni Phillix, pero sa papel lang alam naman natin pare-pareho na ginawa lang iyon ni Phillix dahil may utang na loob siya sa'yo. May mahal na iba si Phillix alam mo yan pero pinilit mo parin siyang pakasalan ako. Hindi ko lubusan maisip kung bakit ginaganito mo ako. Minsan napapa-isip ako siguro naging perpekto ang relasiyon niyo noon ni mama, kaya ginagawa mo ito sa akin."
Napa maang si Ellieoth dahil sa mga sinabi ni Sadia.
"Hindi mo siguro naranasaan noon, ang pinag dadaanan ko ngayon." Dagdag pa ni Sadia.
"Ang lakas ng loob mong sagot-sagutin ako ng ganiyan. Noong mawala ka hindi mo alam kung ano ang pinag daanan namin ng mama mo at ng mga kapatid mo. Hinanap ka namin halos ubusin ko ang pera ko para mahanap ka lang noon. Ano bang meron sa Florian na iyon bakit mo pinag tatanggol at mas pinipili mo pa siya kesa sa amin! Hindi mo ba alam na kriminal ang lalaking yun. Ang pamilya niya mga kriminal sila mamatay tao,,! Ganun bang klaseng lalaki ang ihaharap mo sa amin. Hindi ako papayag na may makapasok sa pamilya ko na kriminal!"
Mariing napapikit ng mata si Sadia dahil sa pag sigaw ng kanyang ama.
"Hindi kriminal si Florian at hindi siya pumapatay ng tao. Mabait siya, mabait silang lahat. Alam ko iyon dahil matagal ko silang nakasama. At kung totoong masama sila sana noon pa lang pinatay na nila ako."
Bumagsak ang luhang kanina pang pinipigilan ni Sadia.
Patakbong nag tungo si Sadia sa pinto ng mansion.
"Sa oras na lumabas ka ng pintong iyan. Hindi mo na makikita pa ang anak mo ilalayo ko sa'yo si Calev. Huwag mo rin tatangkain na sabihin sa lalaking iyon ang tungkol sa anak niyo. Sa oras na sabihin mo sa kanya ang totoo, ako mismo mag papakulong kay Florian Deogracia. Hindi mo naman siguro gugustuhin na makulong ang lalaking iyon." Anang ni Ellieoth.
"Dad, sumusobra ka naman yata. Masyado mo naman pinag hihigpitan si ate Sadia. Hindi na siya bata para itrato mo siya ng ganyan. Hindi ka man lang nahiya sa apo mo, nasaharapan mo si Calev." Wika ni Sixto.
Awang-awa si Sixto sa kanyang ate ngayon.
"Wag mo akong pangangaralan Sixto Arkie. Saka mo na ako pag sabihan kung naka graduate kana sa college." Saad ni Ellieoth sa anak na lalaki.
"Sana pinatay mo nalang ako papa." Umiiyak na bigkas ni Sadia.
"Para hindi ako nasasaktan na ganito, dahil sa ginagawa mo para mo narin akong pinatay." Hirap na hirap si Sadia sa pag sasalita dahil sa kanyang pag iyak. Naninikip ang kanyang dibdib.
Patuloy sa pag bagsak ang luha ni Sadia. Pati tuloy si Calev ay umiiyak na habang nakatitig sa ina. Tumakbo ang bata sa ina nito at yumakap sa baywang ni Sadia.
"Mama,, stop crying na po. Love love po kita." Tumatangis na saad ni Calev.
Lalong nanikip ang pag hinga ni Sadia parang hindi na ito normal. Nahihirapan na siyang huminga para siyang hihimatayin.
"Ate Sadia, are you ok?" Boses ni Sixto.
Hindi na naintindihan ni Sadia ang ibang mga sunod na sinabi ni Sixto. Tuluyan ng pumikit ang talukap ng kanyang mga mata. Ang huling narinig niya nalang ang pag sigaw ng kanyang ina.
Mabilis na tumakbo si Sixto papunta kay Sadia at sinalo ang babae bago tuluyang bumagsak. Lumakas ang palahaw na pag iyak ni Calev labis ang pag aalala nito sa kanya mama.
Si Ellieoth naman ay ginapang ng kaba ng makitang namumutla ang labi ni Sadia.
"Pakiusap Ellie, huwag mo naman masyadong pinagagalitan ang anak mo. Maawa ka sa kanya." Sambit ni Angelecca. Marahang hinimas ni Hara ang braso ni Angelecca upang kumalma ito.
Tinawagan ni Angelecca ang private doctor ng kanilang pamilya.
"Kamusta ang kalagayan niya?" Nag aalalang tanong ni Sixto sa doctor na babae.
"She is fine now. But--"
Hindi tinapos ng Doctor ang kanyang sasabihin.
"But, what?" Tanong ni Sixto.
"Masyado mahina ang pag t***k ng puso niya. Hindi normal ang vital signs niya masyadong mahina ang pag pintig ng puso niya. Hindi niyo ba siya pina-pacheck sa doctor? Mukhang matagal na ito." Wika ng doctor.
"What do you mean Doc ?"
"Hindi malayong may sakit sa puso ang ate mo. Siguro ay matagal na niya na itong nararamdaman." Turan ng Doctor.
Matagal nanahimik si Sixto nakatitig lang siya sa mukha ni Sadia.
Si Sixto ang naiwan sa kuwarto ni Sadia habang ang magulang nila ay tinawagan ang ibang mga kapatid nila.
"Para makasiguro tayo dalhin niyo siya bukas sa clinic ko." Muling wika ng Doctor.
"Pakiusap huwag niyo ito ipapaalam kay mama at papa." Parehong bumaling ang doctor at si Sixto kay Sadia. May malay na ito medyo garagal ang pananalita ng babae.
"Kamusta ang pakiramdam mo ate?"
"Wag kang mag alala Sixto maayos ang pakiramdam ko. Pakiusap huwag niyong sasabihin kay mama at papa ang tungkol sa sakit ko."
Bahagyang kumunot ang noo ni Sixto hindi niya maintindihan ang sinasabi ng kanyang ate.
"What do you mean?"
"May sakit ako sa puso matagal na, nalaman ko ito noong nasa america pa ako. Alam ito ni ate Tress pero nakiusap ako sa kanya na huwag ipapaalam sa iba ang tungkol sa sakit ko. Maasahan ba kita Sixto? Please."
Huminga ng malalim si Sixto bago dahan-dahang tumango.
"Thank you Sixto,"
"Hindi ko ito ipapaalam sa magulang niyo, pero ipangako mo naiinom ka ng gamot iha." Anang ng Doctor.
Kinabukasan ng hapon. Ipinag paalam ni Sixto si Calev kay Sadia na ipapasyal niya ang bata sa mall. Masyado kasing nag alala ang bata sa kalagayan ng kanyang ina. Kaya naisipan ni Sixto na ipasyal ang bata sa mall.
"Tito Sixto doon po tayo, " Hilahila ni Calev ang isang kamay ni Sixto patungo sa arcade.
"Gusto mo ba sumakay doon? Ok, wait for me here bibili lang ako ng ticket. Huwag kang aalis dito."
Tumango ang bata habang kumakain ng ice cream sa apa.
Medyo mahaba ang pila sa ticketing booth. Kaya panay tingin si Sixto sa pwesto ni Calev nakatayo parin ang bata at abala sa kinakain nitong ice cream.
Nawala ang kanyang atensiyon kay Calev ng may babaeng sumingit sa unahan niya. Ang haba-haba pa naman ng pila tapos siningitan lang siya.
Sa inis ni Sixto ay hinila niya ang ilang hibla ng dulo ng buhok ng babae.
"Aray! Ano ba! Bakit ka ba nanabunot bakla ka no?" Iritang sabi ng babaeng nasa unahan niya.
Maganda ang babae pero mukhang maangas ang dating nito. Yung tipong kahit anong oras ay mananapok ito ng tao.
Mukhang natulala pa si Sixto sa pag kakatitig sa magandang uri ng mukha ng babae.
Pinitik ng babae ang noo ni Sixto kaya naman natauhan ang lalaki.
"Hoy,, bakit mo hinila ang buhok ko?!"
Matapang na tanong ng babae.
Habang abala si Sixto sa pakikipag talo sa babae. Si Calev naman ay umalis sa pwesto nito. Nag lakad lakad ang bata hanggang sa makalayo ito sa arcade.
Napadpad ang bata sa isang toy store. Pumasok siya roon at nag tingin tingin. Hindi naman maiwasan na pag tinginan ang batang paslit dahil ang dungis ng pisngi nito dahil sa ice cream na kinain.
Pero kahit ganun ay naaliw sa kanya ang mga sales lady ang gwapo daw kasi ng bata.
"Naririto na ako sa loob ng toy store, ano ba ipapabili mong laruan Thunder."
Pag katapos mag usap ni Florian at Thunder sa cellphone ay pinatay na ito ni Florian at nag umpisang mamili ng laruan na pinabibili sa kanya ni Thunder.
Ano ba itong kaibigan niya napapadalas yata ang pag bili ng mga laruang panlalaki. At talaga siya pa ang ginawang utusan. Kung sabagay malaki rin naman ang utang na loob niya kay Thunder.
"Pwede po bang akin nalang ito?" Boses ng batang lalaki. Hindi sana ito papansinin ni Florian pero, ng marinig niya ang boses ng sales lady ay napatitig siya sa bata.
"Naku bubwit oo, gwapo ka pero naku naman hindi ko pwede ibigay sa'yo ang laruan na ito. Baka ako naman ang mamulubi nito kapag nag kataon." Saad ng Sales lady.
"But i like this toy." Pag pupumilit ni Calev.
"Kung gusto mong mapa sa'yo ito bilihin mo. Puntahan mo ang mommy at daddy mo ipabili mo ito." Turan muli ng Sales lady.
Ngumuso ang batang lalaki at tumitig sa babae.
"Sige ganito nalang ikikiss kita pero ibibigay mo sa akin ang laruang ito." Matamis na ngumiti si Calev sa babae.
"Aba't lokong batang ito. Naku huwag kang mag pa-cute sa akin hindi uubra. Hindi mabibili ng kiss mo ang laruang ito." Natatawang sambit ng babae.
Napangiti si Florian dahil sa binigkas ng bata. Naalala niya tuloy si Sadia. Yung mga panahong inosente pa ang babae at wala lang alam sa lahat ng bagay. Yung hahalikan siya ng babae kapalit ng bagay na binili niya para dito.
"Ako na ang bibili ng laruan na yan para sa kanya."
"Sir?" Nag tatakang tanong ng babaeng sales lady.
"Sige na ibigay mo na sa kanya ako na mag babayad."
Bumaling ang batang lalaki kay Florian.
"Bakit mo po bibilihin hindi mo naman po ako kilala?" Wika ni Calev.
Kinuha ni Florian ang kanyang panyo sa bulsa ng pantalon at nag lakad papalapit sa bata.
Umuklo ito upang mag pantay sila ni Calev.
Pinunasan niya ang bibig at pisngi ni Calev na puno ng ice cream.
"What is your name? And where is your mother?" Tanong ni Florian sa bata.
"My name is Florian Calev, but you can call me Calev." Saad ng bata.
Natuwa naman si Florian dahil mag kapangalan pala sila ng bata.
"Sir, anak mo po? Kamukhang- kamukha mo, ang gwapo." Wika ng babaeng sales lady.
Napatitig si Florian sa mukha ng bata sa totoo lang ay may kahawig ang bata. Lalo na ang mapupungay na mata ng batang lalaki.
"Calev where are you!" Sigaw ni Sixto. Napatingin si Sixto sa loob ng toy store. Mula sa labas ng store nakita niya si Florian at Calev na nag uusap.
Hawak ng bata ang laruan na bigay ni Florian.
Plano niya sana pumasok sa loob pero naiisip ni Sixto na kailangan makasama ni Florian ang anak. Bibigyan niya ng oras ang mag ama. Susundan niya nalamang ito kung saan pupunta.