"Kumpadre, noong birthday mo pa gusto ko itanong ito sa'yo. Kung bakit wala kanang kilay. What happened to your eyebrows?" Wika ng isang matandang kausap ni Don Robert.
Tumawa si Don Robert bago mag salita. "Ito ba? Kagagawan ito ni Sadia, pulos uban na daw kasi ang kilay ko kaya inahit niya nalang."
"Oh,, Sadia that girl i like her masayahin at magiliw kausap, and she's so funny too. There was something different about that girl." Sambit ng kausap ni Don Robert.
"Kilala mo na siya?" Tanong ni Don Robert.
"Yes, doon ko siya unang nakilala sa kompaniya ni Diego, isang beses dinalaw niya roon si Florian. She's so sweet at napaka bait. Maswerte ang apo mo sa dalagang iyon." Anang ng lalaki.
"Yeah, you are right, that's why i like her, para ko na siyang apo." Turan ni Don Robert.
Nasa sasakyan sila ngayon at papunta sa mansion nila Diego.
Palabas ng dining are si Sadia bitbit ang isang baso ng juice. Nang maka bangga niya si Diego. Naka white polo long sleeve ang lalaki. Lahat ng laman ng juice ay natapon sa damit ng lalaki.
Masamang tingin ang pinukol nito kay Sadia.
"Ano ba! Tatanga-tanga ka talaga! Tingnan mo ang ginawa mo sa Damit ko!"
Singhal ni Diego sa dalaga. Napatalon sa gulat si Sadia dahil sa sigaw ni Diego.
"Pasensya na po tatay Diego hindi ko po sinasadya!" Nakayukong wika ni Sadia.
"Aalis ako ngayon, nag mamadali ako tapos dinumihan mo lang ang damit ko. Bakit kasi pakalat-kalat ka dito!" Muling sigaw ni Diego.
Sumimangot ang mukha ni Sadia at sabay kunot noo na tumingin kay Diego.
"Bakit po ba lagi kang naka sigaw, hindi naman ako bingi naririnig ko naman po ang sinasabi mo. Teka lang kukuha lang po ako ng pang tanggal sa mantsa."
Sambit ni Sadia at nag tungo sa kitchen. May kinuha siyang bagay roon at muling bumalik sa dining area. Naroon parin si Diego kausap na nito si Raul, bakas parin sa mukha ng lalaki ang pag ka-inis.
Lumapit siya lalaki at sabay gupit ng longsleeve kung saan natapon ang juice na kaninang dala ni Sadia.
Nabigla si Raul sa ginawa ni Sadia, at mas lalo namang uminit ang ulo ni Diego.
"Anong ginawa mo?!" Bulyaw ni Diego nag aapoy sa galit ang mata nito.
"Ginupit po? Mas maganda nga po wala na yung mantya. Hindi narin mahihirapan mag laba si nanay Elizabeth." Naka ngiting wika ni Sadia relax na relax lang ang dalaga habang nag sasalita. Hindi niya alintana ang galit ni Diego.
Si Raul ay yumuko nalamang habang pinipigilan na huwag matawa. Pulang-pula kasi ang buong mukha ni Diego.
"Mag pasalamat ka at babae ka! At hindi ako pumapatol sa babae, kundi titirisin kita na parang kuto!"
"Diego!"
Napalingon si Diego sa kanyang ama.
Medyo nabigla siya kung ano ginagawa nito dito. Ang akala niya ba ay mag kikita nalang sila sa isang restaurant, bakit nag punta pa ito rito.
"Pa'pa?"
"Bakit mo naman sinisigawan si Sadia. Hindi kita tinuruan mang bastos ng babae o manakit." Anang ng matanda.
Patakbong lumapit si Sadia sa matanda at mahigpit na yumakap.
"Lolo Robert huwag na po kayo magalit, may kasalanan naman po kasi ako." Wika ni Sadia.
"Kahit na!" Pasigaw na saad ni Don Robert.
Napailing nalang si Diego. Ano ba ginawa ng dalagang ito sa kanyang ama. Pati si Florian ay baliw na baliw sa babaeng ito.
"Tingnan mo ang ginawa ng makulit na yan sa damit ko. Pag katapos niyang buhusan ng juice ginupit niya."
Turan ni Diego. "Marami kang pera mayaman bumili kana lang ng bago. Damit lang yan puwedeng palitan. Makasigaw ka riyan daig mo pa yung nag miminoposal na babae." Sambit ng matanda.
"Bukas nalang natin pag usapan ang tungkol sa lupang nabili ko sa tagaytay." Saad ng matanda kay Diego.
"Sadia iha, gusto mo bang mamasyal?" Tanong ng matanda sa dalaga.
"Mamasyal po tayo? Hmmm, puwede po ba natin puntahan si Florian sa opsina niya?"
"Oo naman tapos isasama natin siya." Nakangiting wika ni Don Robert.
"Halikana huwag mo iniintindi ang mga taong kulang sa romansa kaya masungit." Dagdag pa ni Don Robert at tinapunan ng tingin si Diego.
Napataas ang isang kilay ni Diego sa huling sinabi ng kanyang ama.
"Don Robert sama ho, ako. PA po ako ni Sadia." Anang ni Layla at patakbong lumabas ng pinto ng mansion.
"Boss, kulang ka raw sa romansa wika ng iyong ama." Natatawang saad ni Raul.
"Ikaw tumanda karin naman na walang asawa, kaya kulang karin sa romansa. Masyado kang chesmoso kaya hindi kana tinubuan ng buhok sa ulo." Bigkas ni Diego sa tauhan at iniwan ito.
Mabalis na sumakay si Layla sa backseat nagulat pa ito dahil may ibang tao pala sa loob nito hindi lang si Sadia at Don Robert naroon din ang kasusyo sa negosyo ni Don Robert at ni Diego na si Mr. Rumaldez.
"Layla doon kana lang sa passenger seat maupo." Don Robert said at tinuro ang upuan sa unahan ng sasakyan.
Dumaan nga sa kompanya sila Don Robert. Lahat ng tao sa pasilyo ng lobby ay nag yuyukuan.
"Kamusta, kamusta kayo!" Sambit ni si Sadia at panay ang yuko nito sa mga empleyado.
"Pssst, baka matangal na ang ulo mo kakayuko." Saway ni Layla sa dalaga.
Nang makarating sila sa palapag kung saan ang opisina ni Florian ay nauunang mag lakad si Sadia patungo sa opisina.
Malapit na siya sa pinto ng may lumabas na lalaki mula roon. Gwapo ang lalaki pero halatang may edad narin ito. Sa totoo lang ay pamilyar ito sa kanya.
May kasama pa itong isang lalaki, nakita niya narin ito sa birthday party ni Florian.
Nag kasalubungan silang tatlo si Sadia ay nakatingala at nakatitig sa lalaki, ganoon din ang lalaki sa kanya.
Ngumiti ito sa kanya kaya ginantihan niya ito ng isang matamis na ngiti.
Nang malagpasan niya ito ay narinig niya pang kinausap ito ni Don Robert.
"Mr Del Falco, nice to seeing you again!" Bati ng matanda kay Ellieoth.
Tipid na ngumiti si Ellieoth sa matanda. "What are you doing here?" Tanong ni Don Robert.
"May pinag usapan lang kami ng apo mo na isang importanteng paksa." Sagot ni Ellieoth.
Yun lang ang mga narinig ni Sadia at tuluyan ng pumasok sa loob.
Napakunot ang noo ni Sadia sa kanyang nakita magulo sa loob ng opisina ni Florian may mga basag na gamit rin doon. Hinanap ng kanyang mata si Florian.
Nag lakad-lakad siya sa loob ng malawak na opisina ng lalaki. Nang mahagip ng kanyang paningin si Florian nakatayo ito sa harap ng glass wall may mga dugo ang mag kabilang palad nito.
Tumutulo ang pulang likido sa kamay nito.
Agad tumakbo si Sadia patungo kay Florian.
"Florian!" Tawag niya sa pangalan ng lalaki.
Humarap ang lalaki sa kanya, namumugto ang mga mata nito na halatang kakagaling sa pag iyak.
"Anong nagyari sa mga kamay mo? Atsaka umiiyak ka ba?" May pag aaalala sa boses ng dalaga at lumapit sa kanya. Hinawakan ni Sadia ang kamay ng lalaki at hinila niya ito patungo sa banyo.
Tahimik lang si Florian pero si Sadia ay tumutulo ang luha nito habang hinuhugasan ang kamay ng lalaki.
"Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" Garagal ang boses ng dalaga habang sinasabunan ang kamay ni Florian.
Tumingala ang babae basang-basa na ang pisngi nito dahil sa luhang patuloy na pag agos mula sa kanyang mga mata.
"Bakit hindi ka nag sasalita Florian, may problema ka ba? Sinaktan ka ba ng mga lakaking iyon?" Umiiyak na wika ni Sadia.
Hindi nag salita si Florian at mahigpit na niyakap si Sadia.
"Hindi kita ibibigay sa kanila, ilalaban kita hanggang sa kamatayan ko!" Usal ni Florian.
"Mahal na mahal kita Sadia! Ayaw kong mawala ka sa akin."
Umalog ang balikat ni Florian umiiyak ang lalaki. Hinalikan nito ang tuktok ng ulo ni Sadia.
Dahil naka bukas ang pinto ng banyo ay nakita ni Don Robert kung gaano nasasaktan ang kanyang apo ngayon.
Si Layla ay na-iyak narin dahil sa nasaksihan.
"Hindi naman kita iiwan Florian, ano ba ang sinasabi mo? Hindi naman ako aalis." Anang ng dalaga at mahigpit din niyang niyakap sa baywang si Florian.
Kumalas si Sadia sa pag kakayakap kay Florian at tumingala.
"Hindi kita iiwan, hindi ako aalis kahit anong mangyari. Pakiusap huwag kanang umiyak." Pinunasan ni Sadia ang pisngi ni Florian gamit ang palad niya.
Tumingkayad si Sadia at inabot ang labi ng lalaki. Dinampian niya ng halik ang labi ni Florian.
"Huwag kanang umiyak, nasasaktan kasi ako kapag nakikita kitang umiiyak." Dagdag ng dalaga.
Ngayon lang umiyak si Florian sa tanang buhay nito ay wala pa itong iniiyakan na ibang babae. Kay Sadia lang siya nag kaka-ganito, dahil mahal niya ito.
Ginagamot ni Sadia ang sugat ni Florian. Nilinisan ni Sadia ang sugat ni Florian gamit ang alcohol, pag katapos niyang lagyan ng betadine ang sugat ni Florian ay binalot niya ito ng malinis na benda.
Natutuwang pinag masdan ni Don Robert si Sadia kung paano alagaan nito si Florian.
"Lolo Robert diba mamasyal tayo? Puwede po bang isama natin si Florian."
"Oo naman iha," sagot ng matanda.
Nang matapos mag linis ni Layla sa loob ng opisina ni Florian ay umalis na sila.
Sa hacienda ng mga Deogracia sila nag punta. Ang lugar na ito ay pag mamay-ari ni Don Roberto, na pinamana pa sa kanya ng kanyang ama.
Manghang-mangha si Sadia ng makita ang maraming kabayo sa loob ng mga koral.
"Sa iyo po itong lahat lolo Robert?" Manghang saad ni Sadia.
"Oo iha, gusto mo bang sumakay sa kabayong iyon." Turo ng matanda sa isang puting kabayo na nasa loob ng Koral.
"Talaga po! Pero hindi po ko marunong sumakay sa kabayo baka mahulog lang po ako."
"Nariyan naman si Florian iha," Sambit ni Don Robert.
Inutusan ni Don Robert ang isa sa mga trabahador ng hacienda niya na kunin ang kabayo.
Tinulungan ni Florian sumakay si Sadia at sumunod siyang sumakay sa sa kabayo. Hinawakan ng isang kamay ni Florian ang taling naka konekta sa leather halter ng kabayo. Habang ang isang kamay niya ay nasa baywang ng babae.
"Teka, kaya mo ba? May sugat ang kamay mo Florian." Wika ni Sadia.
"Basta para sa'yo kakayanin ko ang lahat Sadia, maging masaya ka lang."
Napangiti si Sadia na hindi niya alam kung anong dahilan. Parang may kung anong kumikiliti sa puso niya.
"Oyyy! Kinikilig si Sadia, namumula ka baby girl." Manunukso ni Layla sa dalaga.
Sinilip ni Florian ang pisngi ni Sadia namumula nga ito. Daig pa ni Sadia ang naka blush-on dahil sa pamumula nito.
"You are beautiful when you are blush!" Bulong ni Florian sa tainga ni Sadia.
Lalong uminit ang mag kabilang pisngi ni Sadia. Yumuko nalang ito upang maitago ang pamumula ng kanyang mukha.
"Saan tayo pupunta Florian?"
"Doon sa borol, maganda ang tanawin roon. Atsaka doon unang nag kakilala si Lolo Robert at si Lola Amelia.
Katamtaman lang ang takbo ng kabayo, hindi ito gaano kabilis dahil paminsan-minsa'y natatakot si Sadia.
Nang makarating sila sa borol ay inalalayan ni Florian si Sadia pag baba ng kabayo.
Itinali ni Florian ang pisi ng kabayo sa puno ng mangga.
Pumikit si Sadia at ninam-nam ang malamig na hangin.
Medyo mataas ang borol na ito, may dagat siyang natatanaw mula sa kanyang kinatatayuan.
Dahil medyo mainit ay nasa ilalim sila ng lilim ng puno ng mangga buti nalang at malaki ang manggang ito.
"Nagustuhan mo ba?"
Tanong ni Florian sa dalaga. "Oo Florian salamat at dinala mo ako rito. Napaka ganda ng tanawin, ang presko pa ng hangin."
Naupo si Florian sa malaking ugat ng mangga. Habang si Sadia ay sa damuhan naupo, ang ulo ng babae ay naka hilig sa dibdib ng lalaki.
"Florian, bakit mo ba sinaktan ang sarili mo? Alam mo bang labis akong nag alala sa'yo." Tanong ni Sadia.
Katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago mag salita si Florian.
"Wag mo ng isipin yun Sadia, aksedente lang ang nangyari." Habang nag ke-kwentuhan ang dalawa ay naka tulog si Sadia. Kaya naman hinubad niya ang suot niyang na coat at nilatag sa damuhan. Pinahiga niya doon si Sadia, tumabi siya sa babae ang kaliwang braso niya ang mag sisilbing unan ni Sadia.
Matagal niyang pinag masdan ang mukha ng babae.
"Makasarili na kung makasarili, pero ipag dadamot kita sa pamilya mo Sadia. Sorry hindi kita kayang ibalik sa kanila." Mahinang turan ni Florian.
Nang magising Sadia ay bumalik na sila sa koral kung saan naka kulong ang kabayong dala nila.
Nag tungo sila sa lumang mansion ng mga Dieogracia.
Tanghaling tapat na at baka nagugutom narin si Sadia. "Magandang tanghali señorito!" Bati ng isang dalagang katulong. Apo ito ng mayordomang nag babantay sa mansion na ito.
Hindi pinansin ni Florian ang katulong pero si Sadia ay pinansin ito.
"Magandang tanghali din sa'yo!" Bati ni Sadia at ngumiti. Ngumiti naman sa kanya ang dalaga.
Tumuloy sila sa bulwagan naroon si Layla tumutulong sa pag hain ng mga pagkain.
"Sadia, señorito ma-upo na kayo at kumain." Pag yayaya ni Layla sa dalawa.
Si lolo Robert nasaan siya?"
"Ay, kanina pa po siya umalis señorito. Ang sabi po ng lolo mo dito muna daw kayo, mag bakasiyon at mag pahinga."
Kumunot ang noo ni Florian. Mula sa bulsa ng kanyang pants ay kinuha niya ang cellphone.
Tinawagan niya ang kanyang lolo.
"Oh, iho diyan muna kayo ni Sadia sulitin niyo ang oras at bawat panahon na mag kasama kayo. Ako muna ang mag aasikaso ng mga negosiyo natin. Alagaan mo siyang mabuti, atsaka buntisin mo na para hindi na mabawi ng pamilya niya. Sa susunod na linggo mag pakasal na kayo. Ako na ang mag aasikaso ng lahat may naka-usap narin akong isang judge na puwedeng mag kasal sainyo ni Sadia."
"Thank you lolo!"
"Gusto ko maging masaya ka apo, ayaw ko na matulad ka sa ama mo na sawi sa pag-ibig. Gumawa kayo ng masasayang ala-ala ni Sadia."
Nang matapos ang pag uusap ng dalawa ay bumaling si Floriam kay Sadia. Kumakain na ito at puno ng pakain ang plato nito. Alam niyang malakas kumain si Sadia, payat lang na babae pero ang lakas kumain.
"Ang sarap naman po ng luto niyo lola Mercing." Ani ni Sadia habang ngumunguya.
"Salamat iha, kumain ka lang ng kumain upang mabusog ka."
Tumabi si Florian kay Sadia at nag umpisang mag sandok ng kanin.
"Huwag kanang mag sandok, ako na ang mag papakain sa'yo. May sugat ang dakawang kamay mo kaya ako muna ang mag papa-kain sa'yo." Pigil ni Sadia sa kamay ni Florian.
Napataas ang kilay ni Layla. "May ganon, naku mag ready kayo mukhang lalanggamin tayo dito." Wika ni Layla.
Sinubuan nga ni Sadia si Florian napapa-ngiti naman ang lalaki dahil parang bata siya kung asikasuhin ni Sadia.
"Ah," wika ni Sadia. Ngumanga naman si Florian.
"Yawa, dapat pala nag lagay ako ng asin sa harapan ko para hindi masyadong sweet." Nakasimangot na sabi ni Layla. Tumawa ang matandang babae at ang dalagang apo nito.
"Sadia baka masanay ako niyan," naka ngiting sabi ni Florian.
"Edi, susubuan kita araw-araw problema ba yun." Ani ng dalaga at muling sinubuan si Florian.
Pag katapos nilang kumain ay nag lakad-lakad muna sila Florian at Sadia sa labas ng mansion.
"Florian hindi paba tayo uuwi? Bakit iniwan tayo dito ni lolo Robert?"
"Dito muna tayo Sadia mag babakasiyon, ayaw mo ba dito?"
"Hindi naman sa ganun nag tataka lang kasi ako."
Kinahapunan ay dumating si Thunder sa hacienda ng mga Deogracia. Tumawag kasi si Thunder kay Florian mukhang may ibabalita ito na importante. Inutusan niya din si Thunder na bilihan ng mga damit si Sadia at pati narin siya.
"Walanghiya ka ginawa mo pa akong utusan. At ano ito? Bakit naririto kayong dalawa ni Sadia sa liblib ng hacienda niyo. Ano tinanan mo na siya? Alam mo bang alam na ng lahat ng mga kaibigan ni tito Ellieoth na si Sadia ang anak na matagal na nilang hinahanap. Kalat na kalat sa angkan ng mga Del Falco ang balitang ito."
Mahabang litaniya ni Thunder. "At pati si Daddy ay handang tumulong para mabawi lang si Sadia sainyo." Dagdag pa ng lalaki.
"Pakakasalan ko si Sadia at sisiguraduihin ko na hindi nila mababawi si Sadia sa akin. Ilalaban ko ng p*****n si Sadia." Seryusong wika ni Florian.
"Pare, malaking gulo itong papasukin mo, hindi ito simpleng gulo lang. At ano kamo pakakasalan mo si Sadia? Pare alam mo naman ang kalagayan niya may pa ka-isip bata si Sadia, hindi niya alam ang ibig sabihin ng pag mamahal o pag papakasal."
Masamang tinitigan ni Florian si Thunder. Hindi niya nagustuhan ang ibang sinabi ng kaibigan tungkol kay Sadia.
"Minamaliit mo ba ang pag iisip at kakayahan ni Sadia. Iniinsulto mo ba ang girlfriend ko! Sinasabi mo bang mahina si Sadia!"
Sigaw ni Florian sa kaibigan. "A-ah, hindi naman sa ganun ang ibig kung sabihin ay hindi pa masyado naiintindihan ni Sadia ang ibig sabihin ng pag papakasal." Bahagyang natakot si Thunder kay Florian dumilim kasi ang awra ng mukha ni Florian.
Natauhan lang si Florian ng batukan siya ni Sadia.
"Aray!" Malakas na daing ni Florian at sabay himas ng batok niya.
"Puwede ba huwag mong sinisigawan ang kaibigan mo. At hinaan mo rin ang boses mo kasi nagugulat si nanay Mercing." Kastigo ni Sadia kay Florian.
"Bakit mo ako binatukan ang sakit baby." Naka simangot na turan ni Florian.
"Ang ingay mo po kasi hindi mo ba kaya mag salita na hindi sumisigaw. Pati si nanay Mercing ay nene-nerbyos sa'yo."
"Fine i'm sorry ok," wika ni Florian.
"Sige pagalitan mo yan Sadia, kanina sinipa ako n'yan." Sumbong ni Thunder.
"Sinaktan mo siya?"
"Ano, hindi no. Sinungaling ka halika rito sasakalin kitang hinayupak ka."
Tumayo si Florian at akma sanang susugurin si Thunder pero agad tumakbo ito sa likuran ni Sadia.
"Sadia, inaaway ako ni Florian."
"Hoy! Tarantado bitawan mo si Sadia huwag mo siyang hinahawakan." Sambit ni Florian at tumakbo papalapit kay Sadia.
Umalis si Thunder sa likod ni Sadia at nanakbo patungo sa dining area.
"Hoy! Bumalik ka rito tarantado!" Sigaw ni Florian at tumakbo din papunta sa dining area.
Masaya lang pinag mamasdan ni Sadia ang dalawang mag kaibigan kabang nag hahabulan.
"Naku, kayong mga bata kayo kung kailan kayo tumanda saka kayo nag laro at nag hahabulan." Anang ng matandang babae.
__
"Ilabas niyo ang anak namin!" Sigaw ni Ellieoth sa labas ng mansion ng mga Deogracia.
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng mag punta si Florian at Sadia sa Hacienda Deogracia. Hindi pa sila bumabalik.
"Boss! Nariyan si Mr Del Falco ang daming kasamang mga tauhan. Kasama din ang kanyang mga kaibigan." Humahangos na usal ni Dante.
"Ang lakas ng loob mag punta rito ano akala niya matatakot ako sa mga tauhan na kasama niya at mga kaibigan niya." Inis na saad ni Diego.
Nag mamadaling lumabas si Diego sa at nag tungo sa malaking gate ng kanilang mansion.
"Ano bang problema mo! At dito ka pa nag iiskandalo." Simula ni Diego.
Sa huling pag kakataon ay nag kaharap muli ang dating mag kaibigan.
"Ilabas mo ang anak ko!" Mariing wika ni Ellieoth.
"Sinong anak? Wala kang anak dito, mukhang naliligaw ka yata."
"Huwag ka ng mag maang-maanga pa diyan. Alam na ng anak mo at ng pa'pa mo na anak ko si Sadia."
Napa ngisi si Diego, kaya naman pala hindi na inuuwi ng magaling niyang anak si Sadia dito. At mukhang alam ng kanyang ama kung nasaan si Florian at Sadia, mga lintik mukhang nag kuntiyabahan pa ang mag lolo.
"Alam mo bang puwede kitang kasuhan dahil sa pag papa-kidnap mo sa anak ko." Dagdag ni Ellieoth.
"Wala na dito si Sadia, kung gusto mong makita ang anak mo. Hanapin mo si Florian, yun ay kung mahanap mo."
Napakuyom ang kamao ni Ellieoth.
"Umalis na kayo wala kayong mapapala dito sa mansion. Kung gusto mo mag sampa ng kaso, go! Hindi kita pipigilan at mas lalong hindi kita uurungan. Ito lang tatandaan mo, ninyo itatak niyo sa kokote niyo. Huwag na huwag niyong sasaktan ang anak ko. Kilala mo ako Ellieoth!" May pag babanta sa boses ni Diego.
"Kilala mo rin ako Diego, hindi mo naman siguro gugustuhin dumanak ang mga dugo natin sa lupang kakain mismo ng katawang lupa natin. Pag sabihan mo ang anak mo. Ibalik niya si Sadia, kundi kakalimutan ko na naging mag kaibigan tayo!"
"It's nice to seeing you again pare, gwapo parin kahit nag kaka-edad na. Ano sekreto mo? Droga ba?" Wika ni Kole na may halong pang aasar.
Masamang tinitigan ni Diego si Kole.
"E, kung barilin kaya kita ngayon, para bangkay kana lang i-uwi ng mga kaibigan mo!" Inis na usal ni Diego.
"Ang yabang naman nito, sige nga barilin mo hindi ako natatakot sa'yo. Dahil tatakbo ako!" Sambit ni Kole at tumawa ng malakas.
"Tarantadado ang yabang mo tatakbo ka rin naman pala." Usal ni Luke at binatukan si Kole.
___
"Pa'pa, nasaan si Florian?" Tanong ni Diego sa ama."
"At bakit mo naman hinahanap si Florian?" Balik tanong ni Don Robert sa anak.
"Dahil binabawi na ng mga Del Falco si Sadia."
"Ibabalik mo ba si Sadia sa pamilya niya?" Tanong ni Don Robert.
"Oo, mas maigi kung ibabalik ko nalang si Sadia para walang gulo, at baka makasagabal pa sa mga negosyo natin si Ellieoth."
"Na-isip mo yan ngayon? Pero noon hindi mo manlang inisip kung ano ang maidudulot ng pag papakindnap mo sa anak ni Ellieoth. Ngayon tingnan mo ang anak mo, nahihirapan, umiiyak ng dahil sa isang babae. Kasalanan mo ito kung bakit nagulo ang buhay ni Florian. Kung hindi mo sana pinakidnap si Sadia wala tayong problema ngayon, at lalo na hindi sana masasaktan si Florian!"
Sigaw ni Don Robert sa anak. Nanginginig ang kamay ng matanda habang hawak ang tungkod nito.
"Mahal ko ang apo ko, lahat gagawin ko para maging masaya siya. Susuportahan ko ang lahat ng plano niya huwag lang siyang matulad sa'yo na durog pag dating sa pag-ibig. Ipapakasala ko silang dalawa ni Sadia, para hindi na siya mabawi ng mga Del Falco."
"What? No! Hindi ako papayag nahihibang kana ba pa'pa. Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ni Sadia. Wala siyang alam pag dating sa pag papakasal. Lalo mo lang ilulubog si Florian sa kumunoy, baka sa gagawin mo mapahamak lalo ang anak ko. Walang alam ang babaeng yun, hindi nga natin alam kung mahal niya rin ba si Florian."
"May tiwala ako kay Sadia, nakikita ko mahal niya rin si Florian. Alam ko darating ang panahon kaya niyang ipag laban si Florian sa pamilya niya."
Napahilamos nalamang ng mukha si Diego.
"Suportahan mo naman ang anak mo Diego, ikaw ang ama niya dapat ikaw ang kakampi niya. Hindi kana man siguro manhid para hindi mo makita ang pag-iibigan ni Florian at Sadia. Mahal ko na si Sadia na parang apo, ayaw kong makitang masaktan siya sa oras na mag kalayo sila ni Florian. Kaya pakiusap gawin natin ang lahat para hindi sila mag kahiway."
Dagdag pa ni Don Robert. Napayuko si Diego at malalim nag isip. Mahal na mahal niya ang kanyang anak hindi niya gugustihin na makitang nasasaktan si Florian, nag iisang anak niya ito.
Wala siyang magagawa kundi sumang-ayon sa gusto ng kanyang ama.
"Kamusta nakuha niyo naba ang anak ko?" Naluluhang tanong ni Angelecca sa asawa.
Yumuko si Ellieoth at marahanag umiling.
Pinilit itinago ni Ellieoth na huwag muna malaman ni Angelecca ang totoo, na anak nila si Sadia. Pero nalaman parin ito ng babae. Nakita kasi ni Angelecca ang DNA test na pinagawa niya. Nag usisa ang babae, mag sisinungaling pa sana siya kaso nakita ni Angelecca ang pangalan ni Sadia.
Umiyak si Angelecca at naupo sa sofa.
"Bakit ganito, pinag kakait nila na maging masaya tayo. Gusto ko ng makasama ang anak ko, bakit tayo ginaganito ni Diego. Matagal natin hindi nakasama si Sadia, hanggang ngayon ba naman ayaw nilang ibalik ang anak ko."
Umiiyak na turan ni Angelecca. "Mama makakasama rin natin si Sadia huwag kanang umiyak." Pag aalo ni Leo sa ina.
"Don't worry sweetie babawiin ko ang anak natin." Wika ni Ellieoth.
"Styles, matalik na kaibigan ni Thunder si Florian Deogracia. Baka naman may alam ang anak mo kung nasaan si Florian." Usal ni Ellieoth.
"Hindi ko pinangingialaman ang buhay ni Thunder kilala mo naman ang anak ko na iyon. May sariling mundo yun ayaw nun ang pinangingialaman siya. At sa palagay mo ba ilalaglag niya ang sarili niyang best friend. Kinakalaban nga ako nun pag dating sa mga kaibigan niya. Kahit i-block mail ko pa yun hindi ko yun mapapa-amin." Wika ni Styles.
Simula kasi ng tumungtong ng koleheyo si Thunder ay hindi na ito umaasa sa pera ng kanyang mga magulang. Nag trabaho ito at nag umpisang bumuo ng sariling negosyo. Ayaw kasi talaga ni Thunder na dinidiktahan siya ng kahit sino o pangialaman siya.
"Ako na po ang mag hahanap kay Florian at Sadia."
Lumingon sila sa lalaking kakarating lang nasa pinto ito nakatayo.
"Phillix," tawag ni Angelecca sa lalaki lumapit ito kay Angelecca at nag beso sa pisngi ni Angelecca.
"Huwag kana po umiyak tita ako na ang bahala. Hahanapin ko si Sadia at ibabalik ko siya sa'nyo." Wika ni Phillix.
"Salamat iho."