Chapter 12

4366 Words
"Thunder! sabihin mo na kung nasaan si Florian. Alam ko na alam mo kung saan nag tatago ang lalaking iyon!" Mariing wika ni Styles sa anak na lalaki. Narito siya ngayon sa restuarant ni Thunder. "Yes Dad, alam ko kung nasaan siya. Pero hindi ko sasabihin. Kilala mo ako Dad mahal ko ang mga kaibigan ko, at isa pa bestfriend ko si Florian. I'm sorry Dad wala kang mapapala sa akin. Kaya huwag mo akong pilitin mag aaway lang tayong dalawa." Litaniya ni Thunder at ibinalik ang atensiyon sa laptop na kaharap niya. Umismid ang labi ni Styles. Si Thunder na yata ang anak niyang napaka tigas. Hindi mo ito mapilit, kahit dikdikin mo ito, wala kang mapapala. Masayahin si Thunder, mabait na anak, masipag at bukod doon matured mag isip kahit noon pa mang nag aaral ito. Kaya proud na proud si Styles sa anak niyang ito. Pero talaga hindi niya ito napapa-amo ni hindi nga ito natatakot sa kanya. Isa lang ang kinatatakutan nito si Eve ang ina nito. Paano ba naman hindi ito matatakot sa ina. Kapag pasaway at matigas ang ulo ni Thunder ay kinakarate ito ng ina, ganoon din ang iba pang kapatid ni Thunder. Umalis na lang si Styles sa opisina ng anak, wala naman siyang mapapala. "Ang galing mo naman Florian!" Bulalas ni Sadia, habang naka tingala sa kalangitan. Narito sila ngayon sa burol at nag papalipad ng saranggola si Florian. Malayo na narating ng saraggola kaya itinali ni Florian ang tali nito sa sanga ng mangga. Alas kuwatro na ng hapon hindi narin naman ganon kainit. Medyo madilim nga ang kalangitan parang nag babadya itong umulan. Hinawakan ni Florian ang kaliwang kamay ng babae at hinalikan ang likod ng palad nito. Napangiti si Sadia dahil sa halik na iyon. May dinukot si Florian na isang bagay sa bulsa na kanyang maong na pantalon. Inilabas niya ang isang pulang maliit na box mula roon. Nag tatakang tiningnan ito ni Sadia. Binuksan ni Florian ang maliit na parisukat at kinuha ang kumikinang nag sing-sing mula roon. Ang sing-sing ay may malaking diamond sa gitna nito. Kaya naman kapag tinatamaan ng sinag ng araw ay kumikinang ito. "Ano ang bagay na iyan?" Turo ni Sadia sa hawak ni Florian. "Isa itong sing-sing," sagot ni Florian. "Sing-sing?" Muling hinawakan ni Florian ang kaliwang kamay ni Sadia at isinuot ito sa babae. "Huwag mong tatanggalin ito, tanda ito ng pag mamahal ko sa'yo Sadia." Wika ni Florian, at masuyong hinalikan si Sadia sa malambot na labi nito. Unti-unti pumikit ang mga mata ni Sadia at ninamnam ang nakaka-lunod na halik ni Florian. "Mahal na mahal kita Sadia!" Sambit ni Florian ng humiwalay ang mga labi nila. Mahigpit na yakap ang tinugon ni Sadia kay Florian. Bahagyang dumagongdong ang kalangitan at mas lalo pang dumilim ang ulap. Parang nag babadya ito ng malakas na pag ulan. "Let's go, bumalik na tayo sa mansion baka abutan pa tayo ng malakas na ulan." Wika ni Florian. Wala silang dalang kabayo dahil mas gusto nilang mag lakad kanina. Hindi pa sila humakbang ng pumatak ang butil ng ulan. Tuwang-tuwa si Sadia." Ligo nalang tayo sa ulan." Magiliw na sabi ni Sadia. Naligo nga ang dalawa sa ulan at nag habulan pa na parang mga bata. Lalo naman lumakas ang buhos ng ulan parang hindi na ito normal. Lumalaks narin ang ihip ng hangin. Medyo malayo pa naman ang mansion kailangan na nilang sumilong lalo na si Sadia, baka mag kasakit ito. Naalala ni Florian ang maliit na bahay sa gitna ng kakahuyan. Pinagawa ito ng kanyang lolo Robert noong bata pa siya, dahil madalas ay nasa kakahuyan siy noon nag lalaro. "Halikana Sadia." Hinila niya ang babae patungo sa madilim na nakakahuyan. "Saan tayo pupunta Florian?" "Kailangan natin sumilong." Pasigaw na saad nito. Nang makarating sila sa maliit na bahau ay pumasok sila roon. Patuloy naman ang pag buhos ng malakas na ulan. Mukhang matatagalan bago ito humupa. Medyo madilim sa loob. "Sobrang dilim naman dito Florian." Anang ng babae at niyakap ang sarili. Mag aalas singko palang ng hapon pero madilim na ang paligid. Binuksan ni Florian ang maliit na kabinet kinapa niya ang loob nito. Buti nalang ay may lampara at posporo siyang nakuha. Halatang matagal na ito rito, dahil ma-alikabok na. Sinindihan ni Florian ang lampara ng lumiwanag na ito ay tinapunan niya ng tingin si Sadia. Isang puting t-shirt ang suot ni Sadia at manipis lang ito. Kaya naman bumakat ang ang dalawang umbok ng dibdib nito. Napayuko si Sadia dahil sa ka-kaibang titig sa kanya ni Florian. Nag lakad papalapit si Florian sa babae at kinabig ito papalapit sa kanya. Napasinghap sa gulat ang babae. "Florian!" Usal nito. "Sadia may itatanong ako sa'yo. Kung yayayain ba kitang mag pakasal sa akin, papayag kaba?" "Kasal? Ano yun?" Nag tatakang tanong ni Sadia. "Kasal, para maging mag asawa na tayo. Mahal kita Sadia kaya kita pakakasalan. Handa ka bang mag pakasal sa akin Sadia?" Yumuko si Sadia at nilaro-laro ang kanyang mga daliri. Matagal siya bago sumagot kaya naman napa buntong hininga si Florian. Lumuwag ang pag kakahawak ni Florian sa baywang ng babae. Muling tumingala si Sadia at ngumiti kay Florian. "Oo, mag papakasal ako sa'yo Florian." Sumilay ang ngiti sa labi ni Florian, sa sobrang saya niya ay hinalikan niya ang labi ng babae. Mainit at mapusok na halik ang pinalasap ni Florian kay Sadia. Dumaosdos ng bahagya ang kamay ng lalaki at hinawakan ang laylayan ng damit ng babae at unti-unting inangat ito. Dahan-dahan niya itong hinubad sa babae. Nag tanggal narin ng damit si Florian. Marahang hinaplos ni Sadia ang dibdib ng lalaki kung saan ang mga tattoo nito. "Ang ganda ng mga bagay na itong naka-ukit sa balat mo." Wika ni Sadia at marahan muling hinaplos ang dibdib ni Florian. "Sadia, kissed me." Usal ni Florian. "Ha?" "Halikan mo ako." Ulit ni Florian. Tumingkayad si Sadia at inabot ang labi ni Florian. "Uhmmn,,!" Ungol ni Florian. Palalim ng palalim ang pag hahalikan ng dalawa. Binuhat ni Florian si Sadia at pina-upo sa mahabang lamesa na gawa sa kawayan. Habang nag hahalikan ang dalawa. Ay kumikilos ang kamay ni Florian upang kalasin ang pag kaka-hock ng bra ni Sadia. Dumapo ang labi ni Florian sa leeg ng dalaga masuyo niya itong hinahalikan habang ang isang kamay niya ay marahang minamasahe ang kaliwang dibdib ni Sadia. Sa bawat piga at pisil ni Florian sa dibdib ni Sadia ay napapa-kapit ito ng mahigpit sa batok ng lalaki. "Florian!" Bigkas ni Sadia sa pangalan ng lalaki. "What?" Tanong ni Florian at tumitig sa mga mata ng babae. Namumungay ang mga mata ni Florian. "M-mahal din kita!" Tumigil ang pag pintig ng puso ni Florian. Para siyang nakarinig ng pag sabog fireworks sa kalangitan dahil sa sinabi ni Sadia. Totoo ba ang kanyang narinig? Mahal din siya ng babae. "A-anong sabi mo?" Paniniguro ng lalaki. "Bingi kana rin ba Florian? Ang sabi ko mahal kita." "Really?" Hindi maka paniwalang saad ng lalaki. Hinalikan muli ni Florian ang babae at dahan-dahan pinahiga sa mahabang lamesang gawa sa kawayan. Kinubabawan ni Florian ang babae dumapo ang kanyang labi sa leeg, at sa dibdib ni Sadia. Umalis siya sa ibabaw ni Sadia at umuklo upang patakan ng halik ang tiyan ni Sadia. Hinubad ni Florian ang suot ni Sadia na leggings kasama na ang panty ng babae. Hinagod ni Florian ng mainit na tingin ang kabuuan ni Sadia. Ngumisi ang lalaki habang ina-unbuckle ang sinturon ng pantalon niya habang nakatitig kay Sadia. Umiwas ng tingin ang babae dahil nakaramdam ito ng pag kahiya. Kukubabawan muli sana ni Florian si Sadia ng may malakas na kumatok sa labas ng pinto ng bahay. "Florian iho, nariyan ba kayo ni Sadia?" Boses ng isang matandang babae. Mariing napa pikit si Florian. At mabilis na nag bihis si ganoon din ang ginawa ni Sadia. Mabilis nag lakad si Florian patungo sa pinto ng bahay. Pag bukas niya si nanay Mercing ang naroon kasama ang ilang tauhan may dala din itong payong. Nakasimangot ang mukha ni Florian, kung kailan nag iinit na siya saka naman may nang istorbo sa kanila. "Jusko akala ko kung saan na kayo napadpad, si Saida?" Saad ng matanda. Mula sa likod ni Florian sumilip si Sadia. "Nanay Mercing." Bigkas ng babae. Napatingin si nanay Mercing kay Florian naka simangot parin ang lalaki. "Doon niyo nalang sa mansion ipag patuloy kung ano man yang ginagawa niyo. Madilim at malamok dito, iho baliktad pa ang damit mo, bukas pa yung zipper mo." Wika ng matanda at umiiling-iling. Agad naman sinirado ni Florian ang zipper ng pantalon niya. Napahagod nalang ng kanyang batok si Florian. "Sadia iha, yung damit mo rin baliktad." Dagdag ng matanda at tumalikod na. Ngayon lang din nila napansin na tumila na pala ang ulan. Napangiwi si Sadia at sinuri ang damit niya. "Let's go, hayaan mo nayan." Sambit ni Florian at hinawakan ang kamay ng babae. ___ Palabas ng gate ng mansion si Phillix sakay ng kotse niya ng mapahinto siya. Naroon kasi si Angelecca nakatayo sa labas ng pinto ng sasakyan kasama ang dalawang bodyguard nito. Nag tatakang hininto ni phillix ang sasakyan sa gilid ng gate at lumabas. "Hi tita Angelecca good morning, bakit hindi ka nag pasabi na pupunta ka pala rito?" Wika ng binata sa babae. "Phillix saan ka pupunta? Hahanapin mo ba si Sadia?" "Yes tita, kagaya ng pangako ko sa'yo hahanapin ko si Sadia. Sa patuloy na pag susubaybay ko kay Thunder napag alaman ko na nasa Hacienda Deogracia si Florian." Nanlaki ang mata ni Angelecca at ngumiti. "So you mean alam mo na kung nasaan ang anak ko? Pupuntahan mo ba siya ngayon." Bakas sa boses ni Angelecca ang kasabikan para sa anak. "Yes tita," "Sasama ako, gusto ko makita ang anak ko." "Pero tita, baka magalit si tito Ellie." "Matakot ka kapag ako ang nagalit Phillix." Anang ni Angelecca. Ngumiti si Phillix at napa kamot na lang ng batok. "Sige na nga po, baka kasi habang panahon mo na ako hindi pansinin." Birong turan ni Phillix. "Good let's go, susundan kana lang namin." Mahimbing pa ang tulog ni Sadia ng lumabas sa kuwarto si Florian. Napagod ang dalaga kagabi naka ilan ba naman sila. Hindi tinantanan ng binata si Sadia hanggat hindi sila parehong makaramdam ng pagod. Hindi naman nag rereklamo si Sadia, lahat ng ginagawa ni Florian sa katawan niya ay malugod niya itong pinapayagan. Sa hagdan palang ay naka salubong niya si Layla. "Magandang umaga señorito!" Masiglang bati ni Layla sa lalaki. Tiningnan niya lang si Layla at nilagpasan niya na ito. "Tsk, ang sungit talaga! Pero pag dating kay Sadia napaka bait." Bubulong-bulong na wika ni Layla. "Señorito may tao po sa labas ng gate at hinahanap ka." Bungad ng isang matandang lalaki. Bahagyang kumunot ang noo ni Florian wala naman siyang inaasahan na bisita. Kakagaling lang din dito kahapon ni Thunder kaya imposoble. At bukod doon walang ibang nakaka-alam na naririto sila maliban sa lolo niya at kay Thunder. "Sino?" Tanong niya sa matanda. "Hindi ko ho kilala señorito mga bagong mukha hindi pamilyar sa akin. Tumango si Florian at lumabas nalang ng pinto ng mansion. Habang papalit siya sa malaking gate ng mansion ay pabagal ng pabagal naman ang kanyang pag hakbang. Anong ginagawa ng isang Angelecca Del Falco sa hacienda nila. Paano nito natunton kung nasaan sila ni Sadia. Napakuyom ang kamao ni Florian ng mapa-sino nito ang kasama ng babae. Si Phillix Sandoval. "Damn this man!" Mariing wika ni Florian. Ngayon palang ay binubogbog niya na sa kanyang isipan si Thunder siguradong nasundan ito ng pinsan nitong pulis. Nang nasa tapat na siya ng gate ay agad nitong binuksan ang gate. "Mrs. Del Falco anong maitutulong ko sa'yo?" Kalmadong boses ni Florian. Pero ang puso niya ay doble na ang kabang nararamdaman. Naroon na ang takot at pangamba na baka, isang araw mawala na sa kanya si Sadia. Tumulo agad ang butil na luha sa mata ni Anglecca. Nabigla nalamang si Florian ng lumuhod ito sa kanyang harapan. "Pakiusap iho, ibalik mo sa akin ang anak ko. Matagal ko siyang hindi nakasama, ilang taon ako nag dusa at umiyak. Please huwag mo naman ipag kait sa akin ang anak ko. Miss na miss ko na siya. Ibalik mo sa akin ang anak ko, hindi ito nagawa ng iyong ama noon, sana gawin mo ito ngayon. Ituwid mo ang pag kakamali ni Diego. Gusto ko siya makasama at iparamdam kung gaano ko siya kamahal. Gusto ko maramasan niya ang pag mamahal ng isang ina, ang pag mamahal naming pamilya niya." Umiiyak na pakiusap ni Angelecca. Mariin naikuyom ni Florian ang kanyang kamao. Ano ang gagawin ni Florian? Gusto niya itakas ngayon si Sadia, itago at ilayo. Pero sa nakikita niya sa mga mata ni Angelecca ay para siyang pinukpok ng partilyo sa kanyang puso. Wala siyang kinalakihan na ina, hindi niya alam kung paano ba mag mahal ang isang ina sa kanyang anak. Biglang sumagi sa kanyang isip ang maamong mukha ni Sadia. Ang ka- inosentehan ng dalaga. Kung hindi siguro ito nalayo sa kanyang pamilya baka mas maganda ang buhay ni Sadia. At baka hindi niya rin nakilala ang babae. "Mahal ko po ang anak niyo Mrs. Del Falco. Mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko." Ani Florian. "Kung totoong mahal mo si Sadia ibalik mo siya sa totoo niyang pamilya. Hayaan mong makilala ni Sadia ang mga magulang at kapatid niya. Huwag mo ipag kait kay Sadia na makilala ang tunay niyang pamilya." Sabat ni Phillix. May punto naman si Phillix, pero sa mga oras na ito at pinapatay niya na si Phillix sa kanyang isipan. Nahuli niya kasi itong naka ngisi, may araw din talaga sa kanya ang lalaking ito. "Iho, hindi ko ilalayo sa'yo ang anak ko. Kung mahal mo siya nag papasalamat ako dahil kahit ganoon ang kalagayan ng anak ko ay may lalaking nag mamahal sa kanya." Turan ni Angelecca. Aaminin ni Florian sa kanyang sarili na natatakot siya. Oo hindi ilalayo sa kanya si Sadia ni Angelecca. Paano naman si Mr. Del Falco ang ama ni Sadia siguradong ilalayo sa kanya ang dalaga. Naala niya pa ang mga salitang binitawan ni Ellieoth noon doon sa opsina niya ng mag punta ito kasama ang anak na panganay na si Leo Del Falco. "Flashback" "Mahal ko po ang anak niyo Mr. Del Falco. Kaya kong makipag p*****n para sa kanya huwag lang siyang mawala sa akin." Ani ni Florian. "Mahal mo siya?" Hindi makapaniwalang saad ni Ellieoth at ngumisi. "Hindi ko hahayaan mapunta lang ang anak ko sa isang katulad mo na isnag kriminal. Akala niyo ba hindi ko alam ang maduduming negosyo niyo. Sa oras na hindi mo ibalik ang anak ko, ang negosyo niyo, ng lolo mo ang pababagsakin ko. Gagamitin ko lahat ng koneksiyon ko para lang magawa iyon." Dagdag pa ni Ellieoth. "Gawin mo ang lahat ng gusto mo Mr. Del Falco, wala akong pakialam sa negosyo ng lolo ko at ng ama ko. Si Sadia lang ang importante sa akin." Bahagyang nabigla si Ellieoth dahil sa tinuran ni Florian. "Darating ang panahon kapag nasa puder ko na Sadia ay makakalimutan ka rin niya. May lalaki ng nakalaan para sa kanya, yun ay walang iba si Phillix Sandoval. Siya ang gusto ko para sa anak ko, ipapakasal ko si Sadia kay Phillix. At ikaw matutulad ka sa ama mo na tatandang mag isa. Kaya yung sinasabi mo na mahal mo si Sadia. I don't believe you! Dahil kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Sasaktan mo rin ang anak ko, katulad ng ginawang pananakit at pag papahirap ng amo sa amin, noong kunin niya si Sadia." Biglang uminit ang ulo ni Florian dahil sa mga sinabi ni Ellieoth. Oo alam niya ang mga kagaguhan ng kanyang ama. Pero ang hindi niya matanggap ang sinabi ni Ellieoth na ipapakasal nito si Sadia kay Phillix. Sa sobrang inis niya ay malakas na sinuntok ni Florian ang mababasaging center table sa kanyang harapan. Nabasag ito kaya naman napa-atras si Ellieoth at Leo. Ngumisi si Leo at tumitig kay Florian. "Iyan ba ipag mamalaki mo sa amin ang pagiging bayolente mo. Paano namin ipag kakatiwala sa'yo ang kapatid ko kung ang sarili mo ay hindi mo kayang kontrolin." Mariing wika ni Leo. Bahagyang tumawa si Florian at pinulot ang matulis na bagay na piraso ng salaming nabasag. Tumingin siya sa mag ama at ngumisi. "Tama ka bayolente at hindi ko kayang kontrolin ang sarili ko kapag nagagalit. Pero ito ang tatandaan mo kaya kong saktan ang sarili ko, pero hindi ko kayang saktan si Sadia." Garagal na boses ni Florian at dahan-dahan hiniwa ang isang palad niya, at pag katapos ang isa pa. Hindi niya iniinda ang sakit na dulot nito. "Si Sadia ang lakas ko. Pero siya din ang kahinaan ko. Mamatay ako kapag nawala siya sa akin, kaya pakiusap huwag niyong ilayo sa akin si Sadia!" Umiiyak na usal ni Florian at lumuhod sa harapan ni Ellieoth at Leo. Nabigla naman ang mag ama, nakaramdam ng kaunting awa si Leo para sa lalaki. "Huwag mo rin sanang ipag kait sa amin ang kapatid ko." Huling sinabi ni Leo at tumalikod na. "Let's go Dad." "End Of The Flashback" "Mr. Deogracia nakikinig ka pa ba?" Boses ni Phillix. "Bigyan niyo ako ng isang araw para mag isip. Ako nalang ang tatawag sainyo." Bigkas ni Florian at pumasok na sa loob ng mansion. "Aasahan ko yan Mr. Deogracia." Pahabol ni Angelecca. Bumalik si Florian sa kuwarto kung saan sila tumutuloy ni Sadia. Tulog parin ang dalaga, naupo si Florian sa isang single couch bitbit ang isang bote ng alak ay tinungga niya ito habang nakatitig sa mukha ni Sadia. "Mahal na mahal kita Sadia, sana kung ano ang maging disisyon ko huwag kang magagalit sa akin. Gagawin ko ito dahil mahal na mahal kita." Mahinang usal ni Florian at muling tumungga ng alak sa bote. Kinahapunan ay bumalik na si Florian at Sadia sa mansion ng kanyang lolo. Nag tataka naman ang matanda kung bakit naririto na ito. Ang usapan ay bago bumalik si Sadia at Florian ay dapat kasal na ang dalawa. Matagal nag usap si Florian at Don Robert sa opisina nito. "Sigurado kana ba sa disisyon mo apo? Pag isipan mo ng mabuti ito. Sa oras na gawin mo ito may masasaktan ka. Ang lapis kapag nag kamali ka ay puwede mo pang burahin. Pero ang ballpen kapag ito'y ginuhit mo sa isang papel at nag kamali ka ay hindi mo na ito mabubura pa." Sambit ng matanda "Ano man ang magiging disisyon mo apo naririto lang ako para sa'yo." Umuwi na sila sa mansion ni Diego nabigla pa nga si Diego dahil sa pag dating nila. Gusto niyang tanungin ang anak o kausapin pero hindi niya magawa. Simula ng umalis sila sa hacienda Deogracia ay hindi masyado pinapansin ni Florian si Sadia. Naiki- nag taka naman ng dalaga, masyado kasing tahimik ang lalaki. "Layla, ayusin mo ang lahat ng damit ni Sadia." Utos ni Florian sa babae. Tumango na lamang si Layla ayaw niya ng mag usisa pa. Kinagabihan ay umalis si Florian at nag tungo sa isang club na pag mamay-ari din ni Thunder. Nag inom si Florian nag paka lango sa alak. Inaawat na ito ni Thunder pero ayaw mag paawat ang lalaki. "Haist, problema sa pag-ibig! Kaya ayokong sumubok sa pag mamahal na yan. Dahil minsan kung saan kapa naging masaya sa isang tao, sa kanya mo rin mararanasan ang sobrang sakit!" Wika ni Thunder at uminom nalang din at sinamahan si Florian. Pag patak ng alos dos ng hapon kinabukasan ay nilagay ang ilang maleta sa likod ng sasakyan. Ang malaking teddy bear na binigay ni Florian kay Sadia ay nasa backseat. Bihis na bihis si Sadia at ganoon din si Florian. "Florian saan tayo pupunta?" Tanong ng dalaga kay Florian. "Aalis tayo." Tipid na sagot ng binata. "Dante paandarin mo na ang sasakyan aalis na tayo. Alam mo naman na kung saan tayo pupunta." Saad ni Florian sa driver. "Yea boss," "Mahaba-mahaba rin ang binyahe nila sa isang liblib na lugar sila nag punta. Nasa kalsada parin naman sila pero pulos kakahuyan ang naka paligid rito. Bumaba si Florian sa kotse at pinababa niya si Sadia. Kumunot ang noo ni Sadia at inikot ang buong paningin sa paligid. "Anong ginagawa natin dito Florian?" Takang tanong ni Sadia. Maya-maya pa ay may dumating na dalawang itim na sasakyan ang isa ay van at ang isa ay sports car. Lumabas mula roon sa sports car si Leo. Bumukas naman ang pinto ng van at lumabas si Ellieoth at Angelecca. "Dante ibaba mo ang mga gamit ni Sadia." Utos ng lalaki sa tauhan. Ibinaba naman ni Dante ang dalawang maleta. "Florian?" Tawag ni Sadia sa lalaki. Humarap si Florian sa babae at hinawakan ang mag kabilang braso ni Sadia. "Sumama ka na sa kanila Sadia." "Bakit? Bakit ako sasama sa kanila?" "Dahil sila ang totoong pamilya mo, sila ang mga magulang mo Sadia." Napalingon si Sadia sa dereksiyon nila Ellieoth at Angelecca. Muling humarap ito sa lalaki at umiling-iling. "Ayoko!" Matigas na turan ni Sadia at hahakbang na sana papasok sa loob ng sasakyan pero agad siyang hinawakan ni Florian sa isang braso ni Sadia. "Sadia sumama kana sa kanila huwag ng matigas ang ulo." Mariing wika ni Florian. "Ayoko nga e, hindi ko naman sila kilala. Bakit mo ba ako binibigay sa kanila ayaw mo na ba sa akin? Ayaw mo na ba akong kasama? Nasasawa kana ba sa'kin. Nakukulitan kana ba sakin kaya pinamimigay mo na ako. Pabigat na ba ako sa'yo Florian? Ang sabi mo mahal mo ako bakit, bakit mo ako ibinibigay sa kanila." Patuloy ang pagsak ng luha sa mga mata ni Sadia. Kita sa mata ng babae na nasasaktan ito ng husto. Tumiim ang bagang ni Florian at matapang tinitigan si Sadia. "Umalis kana! Sumama kana sa kanila! Sila ang totoong pamilya mo!" Sigaw ni Florian at pinag tulakan si Sadia. "Pero ikaw ang pamilya ko, si tatay Diego at lolo Robert." "Pwede ba huwag mo na akong pahirapan pa! Oo ayaw ko na sa'yo pabigat ka lang sa akin. Ang kulit-kulit mo. Sagabal ka lang sa buhay ko, simula ng dumating ka nag kanda-letche-letche ang buhay ko. Hindi kita mahal Sadia kasinungalinagan lang ang lahat ng iyon! Pinag sisihan ko na nakilala kita! Napaka isip bata mo, ayoko sa'yo naiintindihan mo ba!" Parang may kung anong kumirot sa puso ni Sadia. Parang pinipiga ang puso niya nasasaktan siya sa mga sinasabi ni Florian. Muling nag tubig ang mga mata ni Sadia. "Nag sisinungaling ka, hindi ako naniniwala sa'yo Florian." Sambit ng babae. "Sadia anak ko, ako ang mama mo. Hindi mo ba ako naalala, diba nag birthday kapa noon. Ang sabi mo nga ang wish mo sana ay lagi tayong masaya. Bumalik kana sa amin anak miss na miss na kita." Umiiyak na saad ni Angelecca. "Ayoko po, ayoko pong sumama sainyo." Bakas sa mukha ni Angelecca ang sakit ng marinig ang salitang ayaw sumama ni Sadia sa kanila. Mahigpit na yumakap si Sadia kay Florian. "Florian ayoko! Huwag mo akong ibigay sa kanila. Malulungkot ako kapag iniwan mo ako. Gagawin ko lahat ng gusto mo hindi na ako magiging makulit, hindi na ako magiging pasaway pa sa'yo pangako mag papaka-bait na ako. Huwag mo lang ako ibibigay sa kanila, gusto ko ikaw lang ang kasama ko. Mas masaya ako kapag kasama kita." Hindi na napigilan pa ni Florian ang maluha. Ayaw niyang umiiyak ang babae, lalo na ng dahil sa kanya. Sininyasan niya si Leo na hawakan na si Sadia. Hinila ni Leo si Sadia papalayo kay Florian. Mabilis na tumalikod si Florian upang itago ang luhang muling bubuhos sa kanyang mga mata. Pinunasan ni Florian gamit ng likod ng palad niya ang luhang dumaloy sa kanyang pisngi. Tinapik ni Dante ang balikat ni Florian. "Pag subok lang yan boss kaya mo yan, mag kikita pa kayo ni Sadia." Wika ng lalaki. "Florian!" Sigaw ni Sadia sa pangalan ng lalaki. "Florian huwag mo akong iwan, huwag mo akong ibigay sa kanila." Hinawakan ni Florian ang malaking teddy bear at mahigpit na niyakap ito. "Bantayan mo ng mommy mo, ikaw muna ang dumamay sa kanya. Iparamdam mo sa kanya na mahal na mahal ko siya." Bigkas ng lalaki sa teddy para siyang tanga na kinakausap ang isang teddy bear. Inabot niya ito kay Dante at itinabi sa maleta ni Sadia. Sumakay na siya sa sasakyan na hindi tinitingnan si Sadia. "Aalis na ba tayo boss?" "Oo." "Patawarin mo ako mahal ko, kung hindi kita kayang ipag laban sa pamilya mo. Mga magulang mo sila may karapatan sila sa'yo, karapatan nilang makasama ka. Mahal na mahal kita Sadia, kaya ko ginawa ito. Ayaw ko maging maka-sarili." Wika niya sa kanyang isipan. "Bitawan niyo po ako kailangan ko habulin si Florian!" Nag pupumiglas si Sadia kaya nabitawan siya ni Leo. Tumakabo si Sadia patungo sa sasakyan papa-alis na. Nang tumapat siya sa bintana ng sasakyan ay malakas niya ito kinakatok. "Florian huwag mo akong iiwan sasama ako sa'yo! Buksan mo ang pinto papasukin mo ako." Umiiyak na sambit ni Sadia. Patuloy sa pag takbo ng sasakyan patuloy din ang pag hahabol ni Sadia. "Bilisan mo ang pag papatakbo ng sasakyan Dante!" Matigas na utos ni Florian sa driver. "Pero boss baka maipit e," "Basta bilisan mo!" "Ito na nga ako bibilisan na." Binilisan nga ni Dante ang pag papatakbo ng kotse. Hanggang sa malagpasan nila si Sadia sa side mirror ng sasakyan naka silip si Florian nakita niya pang nadapa ang babae sa gitna ng kalsada habang umiiyak. Gusto niya sanang pahintuin si Dante upang daluhan ang babae. Pero pinigilan niya ang kanyang sarili. "Kawawa naman si Sadia boss, dapat kasi dinala mo nalang siya sa america." Wika ni Dante. "Florian huwag mo akong iwan! Mahal kita! Mahal din kita Florian!" Sigaw ni Sadia habang tanaw ang kotseng unti-unting nag lalaho sa kanyang paningin. "Anak tama na, sumama kana sa amin. Nandito kami mahal na mahal ka namin. Ayaw mo bang makilala ang mga kapatid mo? Miss na miss kana rin nila." Umiiyak na usal ni Angelecca at niyakap ang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD