Cintha Anak ng tinapang salinas! Ako pa ngayon ang prankster. “P-Po?” usal ko at lumingon kay Pogi at sa asawa ni Madam Eleonor. Walang balak ang mga ito na sawayin man lang o itama si Madam Eleonor. ‘Di man lang ba pipigilan ng mga ito ang kalokohang iyon? O kasabwat ba ang mga ito sa pampa-prank sa akin? Naiinip na ako pero ‘di pa rin nagsasabi ng “It’s a prank!” ang mga ito. Namaywang si Madam Eleonor. “Kailan ka pa natuto sa ganyang kalokohan. Is this for the vlog content of your cousin? Stop it.” Mangiyak-ngiyak akong umiling at niyakap ko ang sarili. “H-Hindi po talaga, Ma’am. Wala po akong kinalaman diyan.” Lumapit kay Madam si Pogi at hinawakan sa balikat. “Tita, she’s not Dara. They look alike but she’s a different…” Ito ang hinarap ni Madam Eleonor. “Pati ba naman ikaw, k

