Cintha Hindi makapaniwala ang anyo ni Kirby nang yumuko para makitang wala na ang mga bola sa paanan niya at nilingon si Timothy. “Hoy!” sigaw ni Kirby at sinubukang habulin si Timothy na mabils ang takbo. Pasugod na rin si Ken para harangan si Timothy pero pumuwesto ang binata malapit sa kalahati ng field at sinipa ang bola sa direksyon ng goal. Nasapo ko ang noo dahil sa gilid ng goal papunta ang bola. Sinubukan iyon na habulin ng goal keeper na nasa kabilang poste ng goal pero mahihirapan siyang habulin iyon sa bilis ng bola. Subalit dahil nasa gilid ang pagkakatira ng bola ni Timothy. “Wala ‘yan!" sigaw ni Kirby. Gumalaw ang net ng goal at nakita ko kung paanong bumaba ang bola sa sulok ng goal post at bumagsak sa mismong loob ng goal. “Pasok ‘yung bola! Naka-goal tayo!” sigaw ni E

