CHAPTER 49 - Mga kasong nahalungkat

1475 Words

NAPATINGIN si Kabo Duarte sa ka-partner. Ang buntong-hiningang narinig ay katumbas ng paghihirap ng loob na hindi masabi. Tinapik ni Sarhento Wenceslao ang balikat ng Kabo bilang pahiwatig na ayos lang siya. Umayos siya sa pagkakaupo at ipinagpatuloy ang dapat gawin. Kailangan niyang harapin ang masakit na katotohanang ang dalagang iniibig ay hindi nga niya tunay na kilala. Pinagdugtong-dugtong niya ang mga pangyayari. Nakalatag sa ibabaw ng kanyang mesa ang mga mahahalagang report tungkol sa mga patayang kay Teacher Marga nakaturo. "Unang biktima, Remedios Marcelo, guro. Natagpuang patay sa loob ng sariling bahay. Basag ang ilong at nguso sa tindi ng suntok na tinamo. Pinaniniwalaang isang lalaki ang salarin dahil sa matigas na kamaong dumapo sa mukha nito. Isa pa sa mga dahilan ay a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD