CHAPTER 41 - Lihim ng pagkatao

1490 Words

INILILIPAT ng binata ang pahina ng diyaryong hawak, at kunwaring binabasa upang hindi maging kapansin-pansin ang pasimpleng tinging ipinupukol sa apartment sa tapat. Nakita niyang itinapon ng dalaga ang nakabuhol na plastik sa basurahan. Sandali pa itong nagpalakad-lakad sa harapan ng pintuan habang kinakausap ang laruan. Nang mapagawi ang tingin nito sa kinaroroonan niya ay bahagya siyang yumuko. Iniangat nang kaunti ang hawak na diyaryo upang maikubli ang mukha. Ilang sandali rin siyang nagkunwaring nakatutok sa binabasa at nang ilipat uli ang pahina ng diyaryo ay pasimpleng sinilip ang nasa tapat. Napabuga siya ng hangin nang makitang walang nagbago sa ekspresyon nito. Hindi siya napansin. Naglalaro pa rin ito hawak ang teddy bear na kulay pink. Nang itaas nito ang hawak at tumingala a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD