CHAPTER 42 - Mga krimeng nahantad

1532 Words

MAG-AALA-UNA na ay subsob pa rin sa ginagawa si Sarhento Wenceslao. Hindi na namamalayan pa ang paglipas ng oras at maging ang pagkalam ng sikmura ay hindi rin binibigyang pansin. Nakatuon ang buong isip niya sa pag-aanalisa ng report hinggil sa kasong hawak ni Kabo Magat. Patong-patong na ang filter at upos ng sigarilyo sa ashtray na nakapatong sa ibabaw ng kanyang mesa. "Sarhento, mas makakapag-isip tayo kung may laman ang sikmura natin. Kumain muna tayo," sabi ni Kabo Duarte na bagong dating. May dala itong mga pagkain na nakalagay sa styro at dalawang lata ng soda. "Salamat, partner. Mauna ka nang kumain, busog pa naman ako. Ipatong mo na lang muna diyan sa mesa ang para sa akin." "Kung makakapagsalita lang ang tiyan mo e, tiyak na nagmura na 'yan. Baka nga naglilingkisan na ang mga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD