PANAY ANG SULYAP ni Kabo Duarte sa binatang opisyal na nakasandal sa upuan. Nahihirapan siyang makita ang pagkabalisa sa itsura ng kaibigan. Ang gusto niya'y makatulong hindi lamang sa responsibilidad na nakaatang sa kanilang mga balikat lalo't higit sa mabigat nitong dalahing nais magawan ng paraan; sa problemang sinusubukang solusyunan. Alam niyang gulong-gulo ang isipan nito at ang damdami'y nagtatalo kung ano ang tama sa kung ano ang magpapasaya. "Para akong engot kung tatanungin kita kung okey ka lang kahit nakikita ko namang hindi. Para na rin akong timang kung ipapaalala ko pa sa iyo na isa kang alagad ng batas na may sinumpaang tungkulin sa lahat ng mamamayang nasasakop ng watawat na ating sinasaluduhan at pinagsisilbihan, dahil nasisiguro ko namang hindi mo 'yan nalilimutan. Ala

