CHAPTER 44 - Tungkulin VS Damdamin

1342 Words

KINABUKASAN. Handa na si Sarhento Wenceslao. Magdamag niyang pinag-isipan ang dapat gawin hanggang makabuo ng matatag na pasya. Isang pasyang magdulot man ng malalim na sugat at magpapahapdi sa kanyang damdamin, kailangan niya pa ring tiisin. "Hindi na 'to dapat patagalin para maiwasan ang paglala ng sitwasyon. Kailangan nang malaman ni Kabo Magat na ang wanted na hinahanap niya ay natagpuan ko na, kasama ang kapatid na suspek naman sa kasong hawak ko. Kailangang ipagtapat ko na sa kanila ang lahat. Kung ano man ang magiging kaparusahan sa nagawa kong pagkakamali ay nakahanda akong tanggapin at pagdusahan." Pagkasabi ay lumabas na siya sa inuupahang apartment. Sakay ng kanyang owner na mas gusto niyang gamitin kaysa kotse na nakaparada lang sa garahe, maingat na siyang nagmaneho papunta s

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD