PAGKALIPAS NG MGA TAON... "GOOD MORNING, Teacher Marga!" Sabay-sabay na pagbati ng mga estudyanteng kinder sa kanilang napakagandang guro. "Good morning, Angels! Kamusta kayo today? Kumain ba kayo ng breakfast before going to school?" nakangiti nitong tanong. "Opo!" Sabay-sabay pa ring pagsagot ng mga bata. Natutuwa naman ang mga magulang na nakatayo sa may bintana ng silid-aralan. Unang linggo pa lamang ng pasukan sa eskuwela kaya pinapayagan pa ng prinsipal ang mga magulang na nakabantay sa kani-kanilang mga anak. Karamihan kasi sa mga bata ay nag iiyakan pa. Ang iba naman ay ayaw pumasok sa loob kung hindi natatanaw ang mga kasama. Siyang-siya sa panunuod ang mga nanay sa mahusay at epektibong istilo sa pagtuturo ng magandang guro. Matiyaga ito at palaging mahinahon sa kanilang mg

