NAMASAHE ni Sarhento Wenceslao ang sintido dahil sa bagong impormasyong hatid ni Kabo Duarte. Pumipintig ang ugat sa kanyang noo dahil sa labis na pag-iisip. "Ayos ka lang ba, Sarhento?" nag-aalala nitong tanong. Tumango siya, at nanghihinang sumandal sa inuupuan. "Sa eskwelahang 'yon nag-aaral ang batang sinasabi ni Duarte. Hindi kaya... Kung pupil niya ang bata, maaaring nalaman niya ang pagmamaltratong ginagawa ng ina nito, at ang dahilan kung bakit nabundol at namatay. Nagalit siya kaya pinuntahan si Rosauro sa burol, at walang awang pinatay. Kinder ang tinuturuan niya. Five to six years old ang mga ito. Kung tama ang kalkula ko, limang ulit niyang sinaksak ang lalamunan ni Rosauro gaya ng edad ng bata!" pag-aanalisa niya. "Sarhento? P-partner... partner!" mahinang sigaw ni Kabo Dua

