CHAPTER 33 - Unang Pagkikita

1624 Words

SINULYAPAN NI Sarhento Wenceslao ang diver's watch na suot. "Mag-aala una na. Nando'n pa kaya si Kristal? Late na late na 'ko sa usapan namin. Pero mas nakakahiya naman kung hindi ako sisipot. Baka naghihintay pa siya. Kung hindi na, tatawagan ko na lang, at aayaing lumabas sa ibang araw. Alam naman niyang hindi ko hawak ang oras sa trabahong 'to. Siguro naman maiintindihan niya." Tumuloy siya sa Max's Restaurant na napag-usapan nila ng dating kaklase at dating crush. Nadatnan niya ang dalaga, naghihintay sa kanya. Agad itong ngumiti pagkakita sa kanya. Hindi pa man tuluyang nakalalapit ay sinisimulan na niya ang pagpapaliwanag. "No need to explain, Benj. I understand," anito. Nangiti siya. "Sweet pa rin siya at understanding." Habang hinihintay ang mga pagkaing inorder ay nagkamustaha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD