"HAYAN NA SI Teacher Marga! Yehey! Dumating na si Teacher Marga!" masayang-masayang sigaw ng isang bata sabay takbo palapit sa magandang guro. Gumaya ang ibang bata, sa halip na ituloy ang pagpasok, nagtakbuhan pa palabas. Dahil sa paghabol ng mga kasamang magulang, nahawi siya palayo; napahakbang paurong. "Teacher Marga? S-siya ang teacher na sinasabi ni Mang Oscar?" Nakatagilid ito sa gawi niya at nahaharangan ng mga babaeng naglapitan. Idagdag pa ang mga trayk at bisikletang umo-over take sa kinatatayuan nito at nagbababa ng mga pasahero sa tapat ng gate. Kasabay na nitong naglakad ang ilang bata at mga magulang papasok sa pintuan ng paaralan. Natigilan siya nang gumawi ang paningin nito sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin, at ipinaling ang mukha sa kabila. Bah

