CHAPTER 35 - Misteryo at hiwaga

1501 Words

MULA SA gilid ng bintana ng classroom ng mga kinder, nakatayo ang magandang guro. Bagaman kasing taas, bahagya namang nakayuko ang wooden louvres kung kaya malaya niyang natatanaw ang nasa ibaba nang hindi napapansin agad. Nakakatulong pa ang manipis na kurtinang kakulay ng unipormeng suot upang maitago ang sarili. Pinagmamasdan niya ang lalaking naglalakad palabas kasabay ng naghatid na mga magulang. Malinaw niyang nakikita ang pagsulyap-sulyap nito sa ikalawang palapag ng kanyang kinaroroonan. Nanungaw ang tusong ngiti sa isang sulok ng kanyang labi at mga mata ay naging matalim. Mistulang sibat na nais itudla sa lalaking minamarkahan sa loob ng isip. "Sa gate pa lang ay napansin ko na ang kilos mo. Hindi ka mapakali at malikot ang mga mata. May ibig sabihin ang paghagod mo ng tingin sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD