ALAS ONSE Y MEDIA pa lang ng tanghali ay nakatambay na si Sarhento Wenceslao sa terminal ng mga traysikel. "Mas mainam ang lugar na ito. Puro barako ang narito kaya hindi takaw pansin. Kung pi-picture na naman sa loob ng school ay baka may makakilala na sa akin. Sa dami ng mga magulang sa loob, at mga batang sabay-sabay na maglalabasan ay baka malingat ako at makalabas siya nang 'di ko napapansin. Dito ay matatanaw ko siyang maigi, at hindi na niya mamamalayang may sumusunod sa kanya." Pumasok muna siya sa drug store at bumili ng tubig na maiinom. Pagkatapos ay lumabas agad, at bumalik sa gilid ng paradahan na pinu-pwestuhan. Hindi pa nauubos ang inumin ay natanaw na niya ang mga naglalabasang bata at mga magulang. Nagkukumpulan na ang mga trayk sa tapat ng eskuwelahan at sa gilid ng daan

