KINABUKASAN. MAAGA pa lang ay nagtungo na sa tapat ng simbahan si Sarhento Wenceslao, at kumausap ng tatlong drayber. "Pumwesto agad kayo oras na maglabasan ang mga mag-aaral at mga teacher sa eskwelahang 'yan. Abangan niyo ang pinaka magandang teacher na lalabas sa gate. Kailangang isa sa inyo ang masakyan niya para malaman ko kung saan siya nakatira. Huwag na huwag kayong magpapabaya. Sa inyo nakasalalay ang kapalaran ko. Kapag naunsyami ang pag-aasawa ko, kayo ang may kasalanan. Kaya dapat slowly but surely ang diskarte. Maliwanag na ba sa inyo ang gagawin?" paglilinaw niya sa tatlong kausap. Pare-parehong may violation ang mga ito, at sinadya niyang takutin upang humingi ng areglo- na siya ngang nangyari. Upang hindi magkaproblema, pumayag agad ang mga ito sa kundisyong hiningi niya-

