CHAPTER 28 - Nawawalang hairpin

1574 Words

PRESINTO. DALAWANG pulis ang nagtatalo tungkol sa patayang naganap sa Purok Singko, ang kaso ni Julie Rosauro. "Paano mo naman mapanghahawakan ang testimonya ng isang lasing, pare? Unang rason 'yan, ha. Isa pa, ang sabi ng testigo mo nakasuot ng itim 'yung suspek at nakatakip ng bonet ang buong ulo at mukha. Ni hindi nga niya nakita kahit 'yong mga mata. Kahit saang anggulo ko tignan, malabo talaga. Sino ang dadamputin natin kung hindi naman nagawang i-identify ng testigo 'yung nakita niya? Paano natin malalaman kung siya na nga, kung hindi natin alam kung ano ang itsura. Sasabit tayo niyan kay Hepe. Baka imbis na promotion, sa sementeryo tayo idestino at pagbantayin na lang ng mga nitso," reklamo ni Corporal Duarte. "Pare, sanay sa alak ang bodega ng nakausap ko. Minamane lang ang isang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD