PUPUNGAS-PUNGAS na ang police asset dahil sa nararamdamang antok at pagkainip. Naroong paulit-ulit na hilamusan ng sariling palad ang namumutlang mukha matapos maghikab. Pikit-dilat ang ginagawa nito sa mga matang namumula habang sinisipat ang binabantayang eskinita. "Pambihira, daig ko pa ang naka-hits sa itsura ko. Mukha na kong tsonggong puyat pero hangga ngayon wala pa rin akong nakikitang tsiks na matangkad at seksi. Kundi pandak na mataba, matangkad na mataba ang sumusulpot sa lugar na 'to. Kung may seksi man, hindi naman matangkad. Kung may matangkad man, puro masel naman ang katawan! Mabuti na lang at hindi nawawalan ng player ang dalawang mesa ng madyungan ni Manang, saka may nagkakara-krus lagi. Kung wala itong mga 'to, malamang nakatulog ako kahit nakatayo," reklamo nito. "Mak

