----------
Nababaliw na ba ako?
Dahil sa kabila ng pananahimik mo,
Nagwawala ang aking puso…
Nasanay na yata itong walang naririnig mula sa ‘yo.
---------
Palaisipan kay Laiza ang pagkausap sa kanya ni Vanna Lei ng ganoon. Kahit noong nasa HR na siya at kung anu-ano ang pinapa-fill up na form ay hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari. Sana hinintay na lang niyang matapos mag-usap ang magkapatid baka sakaling makausap niya ulit ang dalaga. Ang kaso inaya agad siya ng sekretarya na bumaba sa HR floor paglabas nito sa opisina ni Liam. Utos daw ng boss nito.
Pinilit niyang alalahanin ang lahat memorya niya pero hindi niya talaga maalalang nagkita na sila ng personal ni Vanna Lei. Imposible namang nagka-amnesia siya dahil hindi naman siya nadisgrasya o naospital ng matagal sa tanang buhay niya.
She tried to remember her childhood days. Baka sakaling maalalang kalaro niya ito noong bata siya pero wala siyang maalala. She was a loner after her father died at the age of four nagkaroon lang naman siya ng kaibigan noong lumipat sila sa subdivision at nakilala si Ethan na naging kaibigan na niya mula noon.
Nang magkaroon siya ng oras ay tinawagan niya si Ethan para itanong kung may kakilala itong Vanna Lei pero itinanggi naman nito. She has a hunch Ethan doesn’t know about the marriage thing yet. Wala kasi itong binabanggit. Panigurado kasing ito ang unang magagalit kung sakali kaya binilisan na lamang niya ang naging pag-uusap nila nang tanungin nito kung saan siya nagpunta ng nagdaang gabi.
Gustong-gusto niyang bumalik sa office ni Liam pero dumating na ulit ang sekretarya nito. Inihatid siya nito sa Accounting Floor at iniwanan na doon. Nag-umpisa na rin siyang i-brief ng head accountant nang umalis ang sekretarya. Tumatango siya sa mga sinasabi nito pero parang hindi rumerehistro sa utak niya ang lahat. Ilang beses na rin siyang pumikit ng mariin.
***
Bandang alas singko nang makareceive siya ng mensahe mula sa isang unregistered number.
From 0915*******
The driver is waiting for you at the basement parking. He’ll bring you home.
Kahit walang nakalagay na pangalan alam niyang si Von Liam ang nagtext.
Itinago niya ang cellphone nang biglang tumikhim ang head accountant. Alanganin siyang tumingin rito. Nakatunghay din pala ito sa sariling phone.
“You may go, Ms. Laiza. Basta bukas ang umpisa ng formal training mo.” Saad ng babae. Napatango na lang siya at napangiti. Akala niya ay pagagalitan siya nito, pauuwiin lang pala.
***
Pinilit niyang tanggalin ang kaba sa dibdib habang pababa ang elevator at isinasaisip na ito na ang magiging buhay niya araw-araw. Kung hanggang kailan, hindi niya sigurado basta ang importante walang masamang mangyayari sa kanya at sa mommy niya.
Hindi niya alam kung bakit hindi siya tuluyang natatakot kay Liam sa kabila ng mga nakita niyang ginawa nito. Iniisip niyang marahil ay lehitimo ang dahilan nito.
Napailing siya. Kailan pa nagkaroon ng lehitimong dahilan ang pagpatay?
Pumikit siya ng mariin bago lumabas ng elevator.
“Good afternoon Ma’am Laiza. Ako po ‘yong magiging driver niyo araw-araw.” Pakilala ng lalaking naghihintay sa kanya sa basement parking. Napatango na lang siya at sumunod sa lalaki.
Tahimik itong naglakad papunta sa isang itim na sasakyan.
Sasakay na sana siya sa passenger’s side nang makitang natigilan ang driver.
“Rick, mauna ka na sa bahay. Sa akin na sasabay ang Ma’am Laiza mo.”
Her heart leaped when she heard Liam’s deep voice. Dahan-dahan pa siyang napalingon. Mas lalo namang nag-unahan ang pintig ng puso niya nang makita itong nakatayo at nakatingin sa direksyon niya. His expression is unreadable.
“CL this way,” saad lang nito bago tumalikod at naglakad na patungo sa kabilang parking space.
Why does his back need to be that handsome, too?
Alam na niya kung bakit sa kabila ng lahat ng nasaksihan ay hindi niya magawang matakot rito.
Agad siyang sumunod kay Liam.
Even his way of walking speaks authority. Napalunok siya nang bumaba ang tingin niya sa pang-upo nito.
Do all men have nice butts? O si Liam lang?
“What are you looking at?”
Pinamulahan siya nang biglang humarap ang binata. Agad niyang iniangat ang paningin sa mukha nito.
Liam stared at her for a moment. Then, he smirked and shook his head. Binuksan nito ang pintuan ng sasakyan at hinintay siyang makapasok.
Pigil ang paghinga niya habang papalapit rito. Hindi niya ito tiningna dahil sa hiya.
“I don’t like women staring at my butt.” Liam muttered as he closed the door. Pakiramdam niya ay pinamulahan siya ng bonggang-bongga sa sinabi nito.
Pumikit siya ng mariin para pakalmahin ang sarili.
Good God! How could she stand this car ride, now?
Liam didn’t say anything as he drives. Mabuti na lang.
Nahiya siyang magtanong kung saan sila pupunta kaya pinagsawa na lamang niya ang paningin sa daan.
Nakahinga siya ng maluwag nang makitang papunta ang daan sa subdivision nila. Saka lang niya naalala na kukunin nga pala nila ang luggage niya.
***
Niyaya sila ng mommy niya na doon na magdinner sa bahay nila pero tinanggihan ito ni Liam. Kinuha lang nila ang luggage. He said they already have plans for the night. Hindi na lamang siya kumontra. Maybe it’s for her safety.
***
Sumikdo ang puso niya nang makitang inihimpil ni Liam ang sasakyan sa isang restaurant.
“We’ll have dinner first.” He said as he opened the car door. Mas lalo namang bumilis ang t***k ng puso niya.
Ito ba ang dahilan kaya tinanggihan nito ang alok ng mommy niya na doon na mag-dinner? They will have dinner together.
Sh!t. This is not the part where romance starts. She reminded herself.
Nahihiya siyang bumaba nang pagbuksan siya nito ng sasakyan. Pinauna siya nitong maglakad. Somebody ushered them to a table for two at the corner where everything is already served.
Pinaghandaan ba nito ang dinner?
She shook her head. She must stop herself from thinking things like that. It’s just dinner. Kailangan nilang kumain. Isa pa nagugutom na rin siya dahil hindi pa siya kumakain maliban sa light snack kanina noong ino-orient siya.
She looked at the table. The T-bone steak looks appetizing even the shrimp and grapefruit salad. The seared fish with mushroom dipped in sauce is also salivating.
Kahit hindi nito sinabi ay kumuha na siya ng pagkain isang minuto lang pagkaupo nila. Hindi naman ito nagsalita.
Nakailang subo na siya nang mapansing hindi pa nito nilalagyan ang sariling plato. Nahihiya niyang nilunok ang natitirang pagkain sa bibig at ngumiti ng tipid rito.
“Where did you eat your lunch?” tanong nito. For a fraction of second, she saw Liam smiled. PERO agad ding nawala ang ngiti nito.
“Hindi ako nag-lunch.” Nahihiya niyang pag-amin.
“What?” Kunot-noo nitong tanong.
“Mag-aala una na kasi ako natapos sa HR tapos dumiretso na ako sa Accounting no’ng binalikan ako ng sekretarya mo.” She explained.
“You didn’t ask for a lunch break?”
Bahagya pa siyang ninerbiyos sa madiing bigkas nito.
“Hindi pa naman kasi ako gutom kanina.”
Liam pursed his lips. Huminga ito ng malalim.
“The HR didn’t let you go out for lunch at 12:00?” Tanong ulit nito. Napailing siya. Nakita niyang humigit ulit ito ng malalim na paghinga pero hindi na muling nagsalita.
Itinuloy niyang kumain nang hindi na talag ito nagsalita pa. Nagsimula na din itong kumain. Tahimik lang sila hanggang matapos ang dinner. Nag-serve pa ang waiter ng dessert na chocolate cake pero hindi na niya kinain. Hindi naman nagsalita ang lalaking kaharap.
Itinago niya ang ngiti nang makitang kumain ito ng chocolate cake. He’s the first the man she ever saw eating a chocolate cake. At least something is refreshing about him.
Niyaya na siya nitong umalis ng restaurant matapos ang ilang minuto.
Tahimik sila hanggang sa makarating ng bahay nito. Ipinabuhat nito sa mga guwardiya ang mga luggage niya papunta sa kuwarto. Umakyat na lang din siya.
***
She inhaled deeply as she laid on the bed.
So this will be her life? Magtatago sa apat na sulok ng bahay na ito pagdating gabi.
Ilang minuto siyang nakatunganga sa kisame bago nagpasyang ayusin ang mga gamit.
Malawak ang silid at may walk-in closet pa sa loob ng bathroom. Everything shouts luxury. Light bulb pa lang halata nang mamahalin pati ang glass panels na tumatakip sa Jacuzzi at shower area.
Nag-shower na siya at nagsuot ng pajamas bago nagpasyang bumaba para kumuha ng tubig. Lagi kasing may tubig sa side table niya kapag natutulog dahil nakararamdam siya ng uhaw kapag nagigising ng hatinggabi.
Nag-alangan siyang bumaba nang makitang nasa living room pa pala si Liam at prenteng nakaupo. Babalik sana siya pero tumingala na ito sa kinaroroonan niya.
The stairs is situated at the far end beside the wall. Clear glass ang railings kaya hindi rin makapagtatago. Huminga na lamang siya ng malalim saka itinuloy ang pagbaba.
“Ahm,” Napatikhim siya nang makatapat sa kinauupuan ng binata.
“Kukuha--”
“Have a seat.” Liam uttered. Sasabihin pa lang sana niya na pupunta siya ng kitchen pero pinutol nito ang pangungusap niya.
Napalunok siya.
Mukhang hinihintay naman nitong umupo siya kaya dahan-dahan na lamang siyang umupo sa single couch. He’s slouching at the long couch. Umayos ito ng upo nang makitang nakaupo na siya.
“Do you drink?” Tanong nito habang nagsasalin ng alak sa kopita.
“A little,” she answered honestly.
Nagtawag ito ng maid para kumuha ng isa pang wine glass. Sinalinan nito ng white wine ang baso bago iniabot sa kanya.
Nahihiya naman niyang kinuha ang baso.
Tiningnan niya kung ano’ng alak iyon. It’s vodka. Parang ayaw niyang inumin dahil baka malasing siya pero nahihiya siyang tumanggi kaya itinungga na lamang niya ang alak.
Liam also drank from his glass before pouring another shot on their glasses. Hindi ito nagsalita.
“Bakit nandito ka pa? Akala ko ba hindi ka dito tutuloy kapag gabi?” tanong niya sa binata nang hindi matiis ang katahimikan. Sinimsim na lamang niya ang laman ng kopita dahil baka salinan ulit nito.
Tumitig ito sa kanya ng matiim. Napalunok pa siya. His next remark made her speechless.
“Ayaw mo ba?”
Hindi pa niya namalayang nainom na pala niya ulit ang laman ng baso.
“You didn’t answer my question.” Saad nito nang maibaba niya ang kopita.
Ano bang isasagot niya?
Ang totoo kasi niyan parang mas panatag siya na nandito ang lalaki.
Would she be honest enough to admit that?
She inhaled deeply.
Sasagot na sana siya nang mag-ring ang phone nito. Tumingin ito sa kanya bago sinagot ang tawag.
“Hey,” He uttered as he put the phone near his ear. Hindi ito umalis mula sa kinauupuan.
Pinagmasdan na lamang niya ito. Mabuti na lang nakayuko ito kaya hindi siya nakikita.
“Now?” he said after a few seconds.
“Hindi ba puwedeng bukas?” Saad ulit nito. Tahimik lang siya at hindi gumalaw sa kinauupuan.
“CL, I have to go somewhere. Will you be okay here?” Baling nito sa kanya nang maibaba ang telepono. Ngumiti lang siya ng tipid at tumango.
Gusto na niya ang ideyang nasa loob lang ito ng bahay pero ayaw naman niyang sabihing huwag na lang itong pumunta.
Ano’ng karapatan niya ‘di ba? He’s only doing her a favor for letting her stay in his house.
She sighed when he stood up and walked towards the door. Napatitig na lang siya sa iniwanan nitong baso sa center table.
He was about to walk to the maindoor when she glibly called out his name.
“Von Liam!”
Kasabay no’n ang paglingon nito at pagsabi rin ng, “Sumama ka na lang sa akin.”
Saglit pa silang natigilan pareho sa pagsabay nilang pagsasalita.
Her heart raced when Liam went back to her side. Tiningala niya ang binatang nakatitig sa kanya.
“Call me, VL.” He muttered.
“Let’s go.” Inilahad nito ang kamay sa kanya. He smiled for a moment. Unang beses siya nitong nginitian. ‘Yong sinserong ngiti.
Pakiramdam niya ay humulagpos ang puso niya mula sa dibdib.
She wasn’t able to move.
Her heart jumped when he held her hand. Nakapatong ang kamay niya sa kandungan nang hawakan nito. Pakiramdam niya ay may kuryenteng dumaloy sa katawan niya. His hand wasn’t even warm. Parang nanlalamig din ito kagaya ng kamay niya. BUT it warmed her heart and her cheeks fushed.
Tuluyan na siyang ipinagkanulo ng puso niya nang ngumiti ulit ito at hinila na siya patayo. She felt like his every movements slowed down. Her heartbeats are racing fast.