7: Ease

1792 Words
---------- Hindi ko sigurado kung nagkita na tayo dati, Kasi parang hindi na ako nagugulat sa mga nangyayari… PERO sigurado naman akong hindi pa tayo nagkakilala, Baka naman kasama na kita noong nakaraang buhay pa… -------- Liam held Laiza’s hand as he guide her to an abandoned-looking building. Ramdam niya ang pag-aalangan ng dalaga na pumasok nang tadyakan niya ang halos sira-sira nang pintuan ng gusali. He even heard her gasped. Napatigil ito nang buksan niya ang ilaw at makitang maraming sira-sirang plywood at putol-putol na kahoy sa paligid. The place is also swimming in dust. He felt like Laiza wanted to run away so he held her hand tighter. Ipinamulsa niya ang kamay kasama ng hawak-hawak nitong kamay ng dalaga sa bulsa ng coat niya. Nginitian niya ito ng tipid. He guided her towards a steel cabinet at the corner. Sumulyap siya sa dalaga. Mukha naman itong takot dahil lumilinga-linga pa ito sa makalat na paligid. “You will die inside this cabinet.” He told her seriously. He wanted to laugh when he saw how terrified she was. *** Gustong hilahin ni Laiza ang kamay nang marinig ang sinabi ni Von Liam pero mas lalong humigpit ang hawak nito sa kamay niya. Fear crept inside her when she saw him smirk. The creepiness of the place adds to her apprehension. “Let me in.” Liam muttered. A green pen light blinked. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang steel cabinet na parang isang elevator. The inside is dustless. Napahakbang din siya nang pumasok ang lalaking kasama. The door automatically shut when they are inside. She saw a green arrow down blinking. Hindi binitawan ni Liam ang kamay niya na nakapamulsa sa coat nito. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman sa pagkakahawak nito sa kamay niya. It already felt warm. Her forehead creased when she felt his shoulder shaking. Napatingala siya sa binata. “Are you laughing?” She asked when she saw his facial expression. Sumeryoso naman ito at itinikom lang ang bibig. He even cleared his throat. Binitawan nito ang kamay niya nang bumukas ang elevator at nagsimula nang baybayin ang hallway. The hallway is well-lighted. Napakalinis at napakaaliwalas din. Wala man lang ni isang kalat o alikabok ang puting tiled floor at kremang pader. Napayakap siya sa sarili nang maramdaman ang lamig sa loob ng lugar. Long sleeves ang partner ng pajama pants niya pero hindi naman ito masyadong makapal. Liam stopped walking. Napalunok siya nang tumingin ito sa kanya. Kitang-kita niya ang baril na nakasukbit sa belt nito nang tanggalin nito ang suot na coat. Nahigit niya ang paghinga. Akala niya ay tinatakot siya nito kaya ipinapakita ang baril pero bumilis ang t***k ng puso niya nang ipatong nito ang coat sa balikat niya bago nagpatuloy sa paglalakad. She felt like her cheeks blushed at his gesture. Kanina lang natatakot siya. Bakit ngayon parang nag-iba na ang nararamdaman niya? She inhaled deeply to gather her sanity. Nakakabaliw talaga ang isang ‘to. Mabilis siyang sumunod sa binata para hindi maiwan. She made sure not to stare at his butt as he walks. Baka hiyain na naman siya nito. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nang lumiko sila at bumungad sa kanya ang isang malawak at maaliwalas na lounge area. May black sofa set sa gitna na nakaharap sa malaking TV monitor sa pader. It is very conspicuous because of the white tiled floor and cream walls. “Nandito na si Ulan!” Anunsyo ng isang lalaking nakatayo sa gilid ng mahabang itim na mesa at may mga itim rin na upuan sa pinakadulong bahagi. Namumukhaan niya ang lalaki, isa ito sa mga kasama ni Liam sa abandonadong bahay. She inhaled deeply when she was able to scrutinized his face. Ang guwapo pala. Nakaputing t-shirt kasi ito na medyo hapit at black pants kaya guwapong-guwapo ito tingnan. “Hey man!” / “Rain!” / “Dude!” Napatingin siya sa kinaroroonan ng tatlong lalaking sabay-sabay na nagsalita. May mahaba pa lang bar counter sa bandang kaliwa ng mahabang mesa. ‘Yong sala set kasi ang una niyang napansin pagliko nila. Her heart leaped when she saw how equally handsome the men are. Ang tikas pa ng katawan dahil sa suot na semi-fit white shirt at black pants. Are they really goons? Parang mga male models. Napatingala siya kay Liam na nakatingin din pala sa kanya. She stared at his green eyes. Walang duda, ito pa rin ang pinakaguwapo sa lima. “Welcome to our hidey-hole.” He whispered. Ngumiti ito ng tipid bago bumaling sa mga naguguwapuhang lalaki. “May maganda tayong bisita. Pagpiyestahan na natin!” Tawang-tawang saad ng lalaking nakatayo kanina sa mesa. Bahagya pa siyang nagtago sa likod ni Liam. Para kasing nakakaloko ang pagkakasabi nito. “Watch your mouth, @sshole!” Liam warned the man. Mukhang mas bata ito kay Liam ng ilang taon. “You may sit on the couch,” baling nito sa kanya at hinawakan ang likod niya para igiya roon. “Hi CL! I’m Wind!” Nakangiting lumapit ang lalaki sa kinaroonan niya. “Don’t call her CL.” Liam said gritting his teeth. “Grabe naman ‘tong ulan na ‘to.” Parang batang sambit ng nagpakilalang Wind. Parang gusto niyang matawa. Gone is the dark aura she saw in that abandoned house that night. “Sige, Tintoy na lang.” Sambit ulit ng lalaki. Nagulat pa siya nang bumunot ng baril si Liam itinutok sa lalaki. “That, too. Kung gusto mo pang mabuhay.” He muttered seriously. The man only smirked and shook his head. Natawa lang ang tatlong nasa bar counter sa ginawa ni Liam. How did the man know her name? “Gusto mo bang pulbusin ni ulan ang pamilya mo?” Natatawang sambit ng isang lalaki na nasa bar counter. Ito ang mukhang kaedad ni Liam. “Hi! Laiza, welcome to our cocoon.” Ngumiti ito sa kanya. Itinaas pa nito ang hawak na baso. She can’t help but smile back. Bukod sa guwapo, hindi naman ito mukhang mamamatay-tao. “Kilala ninyo ako?” Nahihiya niyang tanong. The men laughed. Why do they have to look freakin' hot? “You are Rain’s wife. We should know, right?” One of the men answered with a grin. Pinamulahan pa siya sa sinabi nito. “That’s Fire.” Liam whispered in her ear. Bahagya pa siyang napapiksi sa init ng hininga nitong tumama sa balat niya. It sent shivers inside her. “He’s Sky.” Turo nito sa nagwelcome sa kanya kanina. Rain? Wind? Fire? Sky? Are those code names? “And that’s Moon.” Turo nito sa isa pa. Lumapit ang mga ito sa kinaroroonan nila para makipagkamay pero agad na iniharang ni Liam ang hawak na baril. “Shakehand or bullet?” Liam said in a serious tone. Natatawa pang napaatras ang tatlo. “I prefer bullet.” The man named Wind smiled and extended his hand. Agad naman itong hinila ng tatlong lalaki kasabay ng pagputok ng baril. She screamed aloud and covered her ears. Naghalo ang sigaw niya at alingawngaw ng baril. Napatingin pa ang limang lalaki dahil sa naging reaksyon niya. “Hala! Tinakot mo si Laiza,” natatawang sambit ni Sky. Lumapit ito sa kinaroonan niya pero bago pa siya mayakap ay hinila na siya ni Liam at inakbayan. Mas napalukso pa yata ang t***k ng puso niya sa akbay nito kaysa sa pagputok ng baril kanina. “Don’t mind these @ssholes. Wala lang silang magawa sa buhay.” Bulong nito at iginiya na siya paupo sa long couch. Her heartbeats are racing. Naguguluhan siya sa nangyayari. Hindi naman mukhang mga goons ang mga ito pero bakit gano’n na lang kung magbiruan sa baril? What are they? She looked at Liam. She was about to ask him that question when he turned away and went to the men who are already seated at the bar counter. Nagtatawanan ang mga ito ng mahina habang umiinom. Huminga siya ng malalim habang sinusundan ito ng tingin. Liam stopped and held Wind’s arm when the man walked towards her direction. “Bubuksan ko lang ‘yong TV, bother-in-law. Para hindi maboring si Laiza.” Natatawa nitong paliwanag. The three men on the bar counter also laughed. “Beware.” Banta ni Liam bago binitawan ang lalaki. “’Yung si Ulap ba bantay-sarado pa rin ba ang kapatid ko?” tanong nito. Natawa ang mga lalaki sa tanong nito. “Babarilin ko rin ang gago kapag nagkamali!” Inis nitong sambit bago umupo sa stool. “Huwag kang mag-alala bayaw ako ang bahala kay Tala.” Saad ni Wind bago nag-swipe sa monitor. A movie started to play. “Tawagan niyo nga si Chimera Blythe para manahimik ‘yang gagong ‘yan. Kanina pa ako naaalibadbaran.” Hayag ni Liam. Napatunganga pa siya sa paraan ng pagsasalita ni Liam. “Apoy!” Sigaw ni Wind nang makitang naglabas ng phone ang lalaki. Tumawa naman ang isa. They heard a woman’s sweet voice answering with a “Hello, Fire!” over the speaker phone. “Chime, pinagnanasaan na naman ni Hangin si Tala.” Fire uttered over the phone. Nagtawanan ang mga lalaki maliban kay Liam na nagsasalin ng alak sa baso. “’Tang ina.” Sambit ni Wind. Napasinghap pa siya nang bigla itong tumakbo at tumalon at iniapak ang paa sa pader para makakuha ng puwersa at naglanding mismo sa harap ni Fire. Wind immediately took the phone from Fire’s hand. Parang nanuod ng live action movie. “Babe, he’s kidding. Ikaw lang ang pinagnanasaan ko.” He said with heavy breathing. Napatawa ang apat sa ginawa nito. Parang gusto niya ring matawa. Lumayo na ito at kunot ang noong nakipag-usap sa telepono. Sinenyasan pa nito ang mga kasamang gigilitan ng leeg dahil nagtatawanan ang mga ito. “The best love team talaga ang WindChime.” She heard Sky saying with a chuckle. For a moment, she haven’t seen the men really scary. They are like typical friends who have their own share of naughtiness and soft sides rolled in one. Hindi niya maintindihan kung bakit isang iglap naging sobrang at ease siya sa mga ito. Napatuwid siya ng upo nang sumulyap sa kanya si Liam at ngumiti. She had to avert her gaze because she felt her cheeks burning with his smile. Nang hindi mapakali ay sumulyap siyang muli rito. Her heart leaped when she saw him still gazing at her. Itinaas nito ang hawak na baso at kumindat pa. Good God!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD