-------
Akala ko ay okay na…
Unti-unti na nga kitang nakikilala…
Pero bakit parang kahit anong gawin ko,
‘Di ko pa rin maarok ang laman ng isip mo?
--------
Laiza felt a bit disoriented when she woke up lying on a soft bed. She knew she was in her room inside Liam’s house when she recognized the intricate design of the ceiling.
Ang naalala niya sumandal lang siya sa couch at nanood ng movie habang ang mga lalaki ay nag-uusap ng seryoso habang umiinom.
Sobrang himbing ba ng tulog niya at hindi namalayang inuwi siya ni Liam?
Inabot niya ang phone sa side table at tiningnan ang oras. Agad siyang napabalikwas nang makitang alas onse na ng umaga. This is supposed to be her first day at the VLF Empire building.
Napatingin siya sa pintuan nang bigla itong bumukas. She thought it was Liam but it was one of the maids.
“Ma’am, huwag na daw po muna kayong pumasok sa VLF ngayon sabi ni sir Liam.” Saad ng maid. Napakunot-noo siya pero gayon pa man ay napatango.
“Nasaan si Liam?” Tanong niya rito.
“Umalis din po pagkahatid sa inyo.” Magalang naman nitong tugon.
“Sige salamat.” Tugon na lamang niya.
“Maghahanda na po ba ako ng pagkain niyo?” Tanong naman ng maid. Hindi agad siya nakasagot. Sandali pa siyang napatanga. Parang hindi siya sanay na may nagsisilbi sa kanya. Hindi niya magawang umoo kaya tumango na lamang siya.
***
Nilapitan siya ng guwardiya pagkatapos niyang kumain at may ibinigay na envelope. Ito pala ang head security ng bahay. Nagpakilala itong Samuel. Ang maid naman na pumasok sa kuwarto kanina ay si Emilia.
Hindi pa niya nabubuksan ang envelope nang makatanggap ng mensahe mula kay Liam.
From: VL
Use the card and go shopping today. There’s also an ID which you can use along with it.
Her heart raced. She didn’t remember saving VL’s number.
Ito ba ang nagsave ng sariling number? How? May password ang phone niya, paano nito nabuksan?
She shook her head. He may have ways. Nagkaroon nga ng CCTV camera sa bahay nila agad-agad ng gabing iyon.
Napahawak siya sa pisngi nang makita ang pangalan sa atm card at ID mula sa VLF Empire na pirmado ni Liam bilang employer.
Christine Laiza C. Filan
Sh!t! Why did the name sound good?
She shook her head. She may need another cold bath. Parang nag-iinit ang pisngi niya.
***
Hindi rin niya nagawang gamitin ang card. Nahihiya siya. Nagtake out na lang siya ng pagkain saka pinuntahan ang mommy niya sa bahay nila.
Her mom made a lot of inquiries. Nagtampo pala ito sa ginawa niyang pagpapakasal ng hindi siya inaabisuhan. Hindi lang daw nagsalita noon dahil kasama niya si Liam. Ayaw siyang hiyain ng ina sa harap ng asawa.
Asawa?
She felt like blushing everytime she’d think of regarding Von Liam as husband.
Kung anu-anong kuwento ang hinabi niya para lang hindi magduda ang mommy niya sa dahilan ng pagpapakasal niya ng ora-orada. Inisip pa nitong buntis siya na mariin niyang tinanggihan. They had a long conversation. In the end, her mother said she’s happy that she finally settled down. Masaya daw ito na may makakasama na siya pagtanda. If only her mother knows.
Dumating si Ethan nang bandang gabi. Iyon ang isa sa pinakatatakutan niyang mangyari. She knows how exactly he would feel about all these.
Iniwanan pa sila ng ina para makapag-usap na dalawa.
She could feel the tension when they were left alone in the living room. Pero pinilit pa rin niyang magkuwento para lang punan ang katahimikan. Alam din niyang iyon ang hinihintay ng binata.
She had to repeat everything she said to her mom. Hindi niya alam kung consistent pa ba ang mga sinasabi niya.
“Hindi ba galit ka sa kanya noong nakaraang araw kasi hindi tinanggap ang application mo?” tanong ni Ethan.
Napalunok siya. Ethan knows everything about her activities. Sobrang imposible siyang makakapagsinungaling sa kaibigan.
“Gawa-gawa ko lang ‘yon. Ang totoo niyan, may LQ kami no’ng araw na ‘yon.” She lied.
What the heck is that alibi?
Ethan stared at her trying to gauge her sincerity.
“We play tennis almost everynight. Hindi kayo nag-dinner date ni minsan?”
Huminga siya ng malalim. She’s contemplating whether or not to admit the truth. Kaya lang nakapagsinungaling na siya sa ina kanina. Ang dami na niyang kasalanan sa araw na ito.
“Nakapagtataka lang. Sobrang bilis. You’re not that kind who’d jumped into marriage right away.” Nailing nitong dagdag. He even brushed his face with his palm. Mukhang nag-iisip ito ng malalim. His breathing is heavy.
“It’s not. I just wanted my relationship with him private. Kaya hindi ko ipinagsabi. Iyon din kasi ang gusto niya.” She tried hard not to stammer.
“AT hindi mo talaga sinabi sa akin?” Tanong nito. Alam niyang may bahid ng tampo ang tono nito. She can’t think straight.
“Kailangan ba sabihin ko sa ‘yo lahat ng ginagawa ko?” Her heartbeats are racing as she said it.
Ethan smiled bitterly. She wanted to scold herself. Parang mali yata ang nasabi niya dahil nakita niya sa mga mata nito ang pagguhit ng sakit.
“Sabagay, sino ba naman ako?” Saad nito. Huminga ito ng malalim bago tumayo. Hindi pa siya nakaimik.
Nasaktan yata talaga ito dahil tuluyan na nitong tinungo ang pinto nang walang lingon-likod.
Nang makalabas ang kaibigan saka lang siya nagkaroon ng lakas na sundan ito.
“Ethan, galit ka ba?” Agad niyang habol sa binata.
Sumulyap naman ito sa kanya pero nagtuloy-tuloy ito sa paglalakad patungo sa may gate.
Ethan has always been a good friend to her. Ayaw niyang galit ito sa kanya. Humabol pa rin siya rito at yumakap sa likod nito. Next to her mother, he’s the last person she wanted to get angry at her.
“Hey, sorry na. Huwag ka ng magalit.” Yumakap siya ng mahigpit sa binata.
She could feel his heavy breathing. Ilang Segundo itong humigit ng malalim na paghinga bago dahan-dahang humarap sa kanya.
Hinawakan siya nito ng mahigpit sa balikat. He looked at her and smiled bitterly.
“I am not mad, CL. I am hurt.” Sambit nito. She could feel his pain.
“I thought it could be me in the end.” Malungkot nitong dagdag.
Hindi niya alam kung paano ito aaluin. Hindi naman siya tanga para hindi maramdamang mahal siya nito sa tagal ng ipinagsama nila. May mga oras pa na iniisip niya noon na baka nga naghihintayan lang silang dalawa.
She wanted so much to tell him that her marriage is null but she chose to keep quiet. Kailangan pa niyang kausapin si Liam kung puwede niyang sabihin sa kaibigan ang totoo.
“Sorry,” she muttered.
Ethan nodded. Napayuko siya nang makitang nasaktan ito sa paghingi niya ng tawad. They were like that for few seconds before she felt his lips on her forehead.
Yumakap ito sa kanya ng mahigpit matapos siyang hinalikan sa noo.
Ethan sighed heavily.
“I guess there are really some people who’d walk with you but meant to tread the other direction on the next road intersection.” He muttered before releasing her.
Hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Maybe yes or maybe not.
Napatango na lang siya.
“BUT I will always be your bestfriend, CL. Kapag sinaktan ka niya, ako pa rin ang unang bubugbog sa kanya.” Nakangiti nitong saad.
She only smiled with what he said. Niyakap niya rin ito ng mahigpit. Good thing that made the situation a little lighter because he guided her back inside their house.
***
Pagkatapos ng hapunan saka siya nagpasyang umuwi na sa bahay ni Liam. Nagulat pa siya nang madatnan si Liam na umiinom mag-isa sa bar counter ng bahay.
Napalunok siya nang tumingin ito sa kanya ng matiim. The last time she saw him, his aura was light. Bumigat na naman yata ngayon.
Nahihiya siyang nagbaba ng tingin at tinungo na lamang ang hagdan.
“Walking in and out of my house without any word?” Liam’s voice echoed around. Napatigil siya sa pag-akyat.
She swallowed hard.
“Dinalaw ko lang si Mommy.” Lakas-loob niyang saad.
“Siya lang?” tanong nito pero ni hindi tumingin sa kanya. Naglagay ito ng alak baso. Hindi niya alam kung bakit pinanginginigan siya kapag mabigat ang tono ng boses ni Liam.
“Oo.” Tipid niyang sagot.
“Really?” Liam smirked as he glanced at her.
Napakunot-noo siya dahil parang may langkap ng sarkasmo ang tono nito. Hindi niya alam kung si Ethan ang tinutumbok ni Liam o baka gano’n lang talaga ang kaswal nitong reaksyon kaya hindi na lamang niya binigyang pinansin.
“Akyat na ako.” Paalam niya rito. She started walking upstairs. She was half-way through when she heard a glass breaking. Nagulat pa siya at napatigil sa pag-akyat. She followed the direction of the sound.
Nakita niya ang basag na baso sa sahig. Liam stood up from the bar counter and immediately walked towards the door.
What happened?