-------- Kahit imposible pinilit kitang makilala, Alam ko kasing may nakatago sa lahat ng ‘yong pinapakita. Akala ko nga nababaliw na ako, Pero nag-iba ang lahat nang ikaw ay magbago. -------- Abala si Laiza sa pag-intindi sa sistema ng cashflow ng bawat department ng VLF Empire nang tawagin ang atensyon ng lahat kaya lumabas muna siya sa office room. Nag-umpisa agad ang training niya kanina. Hindi naman siya tinanong ng head kung bakit hindi siya sumipot sa training kahapon. May isang accountant na nagtuturo sa kanya ng lahat. Ang buong floor ay okupado ng accounting department. Centralized kasi ang Accounting ng VLF Empire. May halos limampung accounting clerks na may kani-kaniyang cubicle pagpasok ng glass door mula sa hallway paglabas ng elevator. May dalawang long couch lang s

