Kabanata 2

1208 Words
AIRA Hindi nawala sa isipan ang lalaking si Victor. Hindi ko alam kung bakit pero bigla-bigla na lang siyang pumapasok sa isipan ko. Naiisip ko pa ang maganda niyang ngiti at ang malaki niyang katawan. "Hoy, Aira! Saan ka nakautang ha? Ang dami mo yatang nabiling ulam at bigas? Nakapag-grocery ka pa?" tanong sa akin ni mama. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. Alas otso pa lang ng umaga pero parang mauubusan na ako ng lakas dahil sa bunganga ni mama. "Sa kaibigan po ni papa. Si Victor daw. Aksidenteng nagkita kami tapos hindi niya alam na wala na si papa. Nabanggit ko sa kanya na manghihiram ako ng bigas kaya nagbigay siya ng pera." "Ah! Si Victor? Nagkita kayo? Nasaan siya? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin kagabi! Bruha ka rin eh! Magkano ang binigay niyang pera ha? Nasaan ang tira sa binigay niya? Ikaw! Letse ka gahaman ka! Hindi mo man lang ako binigyan! Tarantada ka!" galit na sigaw ni mama sa akin. Bumuntong-hininga ako at saka kumuha ng pera sa kuwarto. "Limang libo ang binigay niya. Iyang dalawang libo na lang ang natira. Iba-budget ko sana para sa susunod na araw." Inabot ko sa kanya ang pera. Parang nagningning ang mga mata niya nang mahawakan ang pera. Sampung libo ang binigay ni Victor pero limang libo lang ang sinabi ko. Dahil alam kong sa bisyo niya lang gagastusin ang pera. "Mabuti naman at nagbigay ka pa! Akala ko sinolo mo na lang! Nasaan na pala si Victor?" "Umalis din siya kaagad pagkabigay niya ng pera. Nagbigay nga siya ng calling card. Magtatanong ako sa kanya kung may alam ba siyang puwedeng pasukang trabaho." Nanlaki ang mata niya at saka nilapitan ako. "Aba maganda iyan! Para naman malaki-laki ang sasahurin mo! Bigyan mo ako, ha? Huwag kang madamot! Tandaan mo, masama ang magdamot sa magulang! Nanay mo ako! May asawa na ba raw ba siya?" Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Hindi naman ako nagtanong." Tiningnan ako ni mama mula ulo hanggang paa. Base sa pagkakatitig niya sa akin, alam kong may hindi magandang ibig sabihin iyon. "Alam mo, anak... maganda ka at sexy. Ang laki-laki nga ng dibdib mo! Pati iyang pukingkay mo, mataba! Matambok! Kaya mapagkakakitaan mo iyan! Magagamit mo para umangat tayo sa buhay!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ni mama. "Ano ba ang pinagsasabi mo, mama? Gusto mo bang magpokpok ako?" Natawa siya at saka mabilis na umiling. "Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang na malaman mong may alindog kang hindi tatanggihan ng lalaki! Eh iyang si Victor, playboy iyan. Magaling bumakbak ng mga babae kaya maraming nababaliw diyan! Naisip ko kasi na baka matipuhan ka niya. Kaya dapat huwag ka ng mag-inarte pa! Sunggab agad dahil malaki magbigay iyan!" Napailing na lang ako sa sinabi ni mama. Simula nang malulong siya sa bisyo niya, parang gusto na niya akong ibenta sa mayamanang matanda. O kung sino mang mayaman na magugustuhan ako. "Hindi ko pinangarap ang maging bayarang babae, mama. Bakit ba kayo ganiyan?" "Hindi ka naman magiging bayaring babae! Hindi mo naman iaalok ang sarili mo. Kumbaga, hayaan mo siyang kusang maakit sa iyo. At kapag nagbigay ng pera tanggapin mo! Hindi ka na talo diyan kay Victor. Malaki oten niyan! Guwapo pa! Mayaman! Bagets na bagets ang itsura kahit na matanda pa siya sa akin ng limang taon. Sa pagkakatanda ko, forty five years old na iyang si Victor." Napakurap ako nang malaman ang edad niya. Hindi ko akalaing nasa ganoon edad na pala siya. Para kasing nasa edad thirty plus pa lang siya. "Oh siya! Alis na muna ako! Magpapakasaya muna ako! Ikaw, galingan mo sa paghahanap ng trabaho kung ayaw mong gawin ang sinasabi ko sa iyo!" sigaw ni mama bago lumabas ng bahay. Bumuntong-hininga ako at saka napahawak sa ulo. Bumalik ako sa kuwarto ko at saka kinuha ang calling card na binigay ni Victor. Tinitigan ko muna iyon ng ilang beses bago ko kinuha ang cellphone ko at saka tinawagan ang numerong binigay niya. Makalipas ang ilang minuto, sinagot niya ang tawag. "Ahm.. hello po sir Victor. Ako po ito si Aira.. iyong anak po ni Ramon." Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Oh, Aira! Napatawag ka? May kailangan ka ba?" sagot niya sa kabilang linya. "Mayroon po sana akong hihinging pabor. Kung may alam po ba kayong papasukan na trabaho? Need ko po kasi sir ng trabaho na mayroon malaki-laking pasahod." Narinig ko ang mahinang pagtawa niya kaya nagtaka ako. "Don't call me sir. Medyo hindi ko gustong pakinggan. Just call me uncle Victor. Sounds good kaysa sir. Tutal magkaibigan naman kami ng tatay mo, mas okay. At oo, matutulungan kita diyan kung iyan ang kailangan mo. Puwede tayong magkita bukas." Nanlaki ang mata ko kasabay ng mahigpit na paghawak ko sa cellphone. Hindi pa man ako nagkakaroon ng trabaho pero nagdidiwang na ang kalooban ko. "Talaga po, sir? Este uncle Victor? Sobrang saya ko po kung ganoon!" "Of course. Just text me kung saan kita susunduin. Para hindi ka na mag-commute." "Naku po! Nakakahiya naman po sa inyo uncle Victor." "It's okay. May kailangan din naman akong sabihin sa iyo tungkol sa napag-usapan namin ng papa mo. Basta, mag-text ka na lang sa number kong ito. Okay? See you tomorrow, Aira." Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib dahil sa sinabi niyang iyon. Napakurap ako ng ibaba niya ang tawag at napatingin sa cellphone ko. Ano kaya ang pinag-usapan nila ni papa? KINABUKASAN, para akong sabog dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Basta, buong araw kong naiisip kung ano ang magiging trabaho ko. "Oh saan ka pupunta?" tanong sa akin ni mama. "Maghahanap po ako ng trabaho. Para kahit papaano malaki-laki ang sasahurin ko. Magpapatulong po ako kay uncle Victor." "Oh sige maganda iyan! Basta bigyan mo ako ng pera, ha? Huwag kang madamot!" Tipid na ngiti lang ang sinagot ko kay mama. Lumabas na ako ng bahay at nagsimulang maglakad. Nag-text ako kay uncle Victor na sa tabing kalsada na lang niya ako sunduin. Wala pa siya sa sinabi kong lugar kaya naupo muna ako sa waiting shed. Habang naghihintay, patingin-tingin ako sa mga sasakyang dumadaan. Minsan, naiisip ko kung kailan ba ako yayaman. O kung yayaman pa ba ako. Makalipas ang ilang minuto, isang magarang sasakyan ang huminto sa harapan ko. Ibang sasakyan ito. Hindi iyong sasakyang una kong nakita. Mula doon bumaba si uncle Victor. Suot niya ang isang mamahaling suit na perpektong bumabagay sa kanyang matikas na pangangatawan. Habang ang itim na slacks ay eksaktong humuhulma sa kanyang mahahabang binti at ang puting polo sa ilalim ng kanyang coat ay bahagyang nakaangat sa leeg na lalo pang nagpapatingkad sa kanyang malinis at elegante niyang aura. "Hi, Aira..." Napatitig ako sa guwapo niyang mukha. Sa mukha lang dapat ako napatitig ngunit hindi ko alam kung ano ang nangyari sa mata ko. Bigla na lang kasing dumako iyon sa pagitan ng kanyang hita kung saan makikita ang malaking umbok doon. As in malaki. Na para bang may nakatagong dambuhalang ahas sa loob no'n. "Aira? Let's go?" Napitlag ako at saka alanganing ngumiti. Hinawi ko ang buhok ko at saka tumango. "Ah... opo, uncle," tanging nasabi ko bago pumasok sa loob ng kanyang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD