Kabanata 3

1148 Words
AIRA Walang umiimik sa amin sa byahe. Parang nagpapanisan nga kaming dalawa ng laway. Hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kaya nanatili lang akong tahimik. Makalipas ang ilang minuto, huminto kami sa isang mamahaling restaurant. Isang kainang nakikita ko lang online at napapanuod sa T.V. "Let's go. Kumain na muna tayo. Puwede naman tayong mag-usap habang kumakain," aniya bago naunang naglakad. Agad naman akong sumunod sa kanya. Pagkapasok pa lang namin sa loob, inasikaso na kaagad kami ng waiter doon. Tahimik lang ako sa isang tabi at nakasunod lang sa kanya kung saan siya pupunta. Ayoko kasing magkamali dahil nakakahiya. Malalaman agad na hindi ako sanay sa ganoong lugar. "Anong gusto mo?" Napatingin ako sa menu at saka napangiwi. Kakaiba ang mga pangalan na naroon. Parang wala akong kilalang putahe doon. "Ah... puwede po bang kayo na lang ang mag-order sa akin? Iyong sa tingin niyo magugustuhan ko. Medyo kakaiba ang mga pangalan ng pagkain dito. Pati ba pagkain dito may lahi?" Mahina siyang natawa. "Bakit mo naman nasabing may lahi?" "Kasi kakaiba ang mga pangalan nila. Parang foreigner. Mga hindi ko pa naririnig." Napailing siya bago humawak sa kanyang sintido. "Hindi ka nga pala sanay sa ganito. Pero masasanay ka rin. Sasanayin kita sa mga ganitong lugar para hindi ka ignorante." Um-order na siya ng pagkain namin. Habang ako ay nakatitig lang sa kanya at paminsan-minsang nililibot ang tingin sa paligid. "So... ang gusto ko lang sabihin sa iyo... may napag-usapan na kami dati ng papa mo." Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Naging seryoso na bigla ang mukha niya. "Matapos ang ginawa sa akin ng papa mo, hindi siya humingi ng kahit ano. Sinubukan ko pa siyang pilitin pero ayaw talaga niya. Napakabuti ng papa mo. Hindi siya marunong manamantala. Kaya naging magkaibigan kami kahit na magkaiba ang mundong ginagalawan namin. Bago ako umalis ng bansa, may sinabi siya sa akin. At iyon nga ang tungkol sa sakit niya. Sinabi niya sa akin na ang hiling niya o ang sukli na lang sa ginawa niya para sa akin, ang bantayan kayong magkapatid kapag nawala na siya. Natawa pa nga ako no'n kasi akala ko nagbibiro lang siya." Parang may kung anong tumama sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa mga oras na iyon. "Pero iyon na nga, hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya. Kaya bilang kaibigan niya, tutuparin ko pa rin ang pangako niya. At sa iyo ko na iyon gagawin dahil nag-asawa na rin ang kapatid mo. At ikaw na lang ang nangangailangan ng tulong ko. Kaya tama lang na sa akin ka lumapit. Ano bang trabaho ang gusto mo?" "Kahit ano po basta kumikita ng malaki-laki." Sandali siyang napaisip habang nakatitig sa akin. Hinawakan niya ang kanyang baba bago tumango-tango. "Okay sige. Doon na lang kita ilalagay sa medyo madaling trabaho. My coffee shop ako. Doon ka na lang tutal kulang ng isang staff doon." Napangiti ako ng malawak at saka tumango. "Talaga po? Maraming salamat." "Walang anuman. Kaya lang ang problema, medyo malayo ang branch kong iyon." "Ayos lang po! Sanay naman po akong bumiyahe." "Okay good. 'Di bale, iba naman ang pasahod sa iyo. Kaya dapat huwag kang maingay sa kanila. Syempre, unfair iyon. At sana lang ay pagbutihin mo sa trabaho mo at maging tapat ka lang." Agad akong ngumiti at saka mabilis na tumango. "Opo, uncle. Ni minsan hindi ko po nagawang kumupit o magnakaw. Pagiging tapat po ang ugaling pinagmamalaki ko." "Mabuti naman kung ganoon. Iyon lang naman ang gusto ko. At mukhang nakuha mo ang ugali ni Ramon. Tapat ang papa mo. Ni minsan hindi siya nangupit ng kahit magkano sa akin. Kahit may mga pagkakataon na siya." Napangiti ako nang marinig ko iyon. Talaga namang mabuting tao si papa. Kung nabubuhay lang siguro siya ngayon, masaya siguro kami. Hindi sana nalulong si mama sa bisyo niya ngayon. Nang dumating ang order namin, magana akong kumain. Sobrang sarap ng mga pagkain. Hindi ko ma-explain basta masarap. Nang matapos kaming kumain, tinanong niya kung gusto kong gumala-gala pa. Para ma-enjoy ko ang araw na iyon. "Anong gusto mo? Bibilhan kita ng damit. Para may bago kang damit na susuotin." "Ah... nakakahiya naman po, uncle." "Sinabi ko sa iyong huwag kang mahihiya, 'di ba? Ituring mo akong parang tunay mong tito. Iyong parang naglalambing ka sa tito mo at may gusto kang ipabili." Napangiti ako at saka tumango. Dumako ang tingin ko sa matipuno niyang dibdib. Hanggang sa bumaba sa kanyang abs at tumungo na naman sa umbok doon. Ano ba naman ang umbok na iyon? Masyadong malaki! Ano kaya ang malaki sa kanya? Ang itlog ba niya o sadyang malaki talaga ang oten niya? Bakit parang nakakatakot naman? Teka, bakit ba ganito ang naiisip ko? Masyado na akong pasaway! "Aira...ayos ka lang ba?" Muntik na akong mapasigaw sa gulat. Napatitig ako sa kanya sabay ngiti ng alanganin. "Ah...o-opo. Medyo distracted lang po ako," kagat-labi kong sabi. "Distracted? Saan naman?" "Sa... sa o-oten niyo po," pabulong kong sabi. Nagsalubong ang kilay niya. "Ha? Anong sinabi mo? Hindi ko narinig." Mabilis akong umiling sabay tawa. "Ah wala po! Wala po! Sabi ko, ang guwapo niyo po. Tiningnan niyo ang babaeng iyon, kanina pa tingin nang tingin sa inyo. Kulang na lang lamunin kayo ng buhay." Napatingin siya sa babae na agad nagpa-cute sa kanya. Napailing na lang siya bago tumingin sa akin. "Well...wala na akong magagawa diyan. Sadyang guwapo ang uncle mo eh. Bahala silang maglaway sa akin. Hindi naman sa pagmamayabang, marami na silang dumaan sa buhay ko. Kaya nga lang, pang kama lang talaga sila. Hindi ko pa nakikita ang babaeng mamahalin ko." "Puwede bang ako na lang?" mahinang usal ko. "Ha? Anong sinabi mo? Hindi ko naririnig. Puwede bang lakasan mo? Nahihiya ka na naman sa akin." "Ah wala po! Ang sabi ko... hayaan niyo po silang maglaway sa inyo, uncle. For sure, pera lang ang habol sa iyo ng mga iyan. Saka halata namang malalandi sila." Tumango-tango siya. "Ikaw ba? Siguro maraming nanliligaw sa iyo. Maganda ka, Aira. Maganda rin ang hubog ng katawan mo. Puwedeng-puwede ka ngang maging modelo kung may confidence ka." Agad na nag-init ang pisngi ko. Sa daminng nagsabi na maganda ako at sexy, sa kanya lang ako nakaramdam ng kakaibang init. "Ah... eh...ano po... wala po akong confidence pagdating sa ganiyan. Mag-aasawa na lang po siguro ako ng mayaman. Tapos siya na bahala sa akin. Kainin niya kung ano ang gusto niyang kainin. Go lang." Bigla siyang natawa ng malakas bago hinaplos ang buhok ko. "Palabiro ka pa lang bata ka. Halika na. Bumili na tayo ng mga damit mo." Tumalikod na siya at sumunod naman ako. Napatitig ako sa puwetan niyang maumbok. Napakagat-labi ako. Bakit ba ang hot ng uncle na ito? Bakit parang ayoko siyang maging uncle? Ngayon lang ako naging ganito. At hindi ko alam kung bakit parang gusto ko siyang pagnasaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD