Leo POV Nakarinig ako ng malakas na sigawan mula sa likod namin, kaya agad ako lumingon sa likod namin ni Mona. Mabilis na kumalabog ang dibdib ko dahil sa matinding kaba. Agad akong lumapit doon ng may maramdaman ako na para hinihila ako palapit doon. Halos takasan ako ng kaluluwa ng makita ko nakahandusay sa sahig si Step, kasama ang mga kaibigan niya, habang si David ay masama ang tingin sa akin. Narinig ko ang malalakas na pag-iyak ng mga kaibigan niya habang may umaagos na dugo sa hita ni Step. Nangatog ang buong kong katawan ng lumapit ako kay Step para sana dalhin ito sa ospital. Pero tinulak ako ni David palayo kay Step. "Wag mo siya hahawakan!" Galit na wika ni David sa akin. "Asawa ko siya!" Galit na wika ko rito. "Asawa mo siya pero iba ang kasama mo? Para sabihin k

