"Walang kapatawaran ang mga pagkakasala ko sa kanya, hindi ko alam kung karapat-dapat pa ba ako manatili sa tabi niya." Seryoso wika ko dito. "Sir, sa pag ibig poh marami nababaliw, pero sir hindi poh ba dapat maging proud kayo dahil marunong kayo mag mahal? Sabihin na natin na nagkamali kayo, Sir, pero tao lang tayo at nagkakamali. Ang pagmamahal po ay napakaraming pagsubok, Sir, at lahat din po ng pag-ibig ay nakakabulag at nakakasakit. Natural lang yan dahil nagmamahal ka! Hindi lahat ng pagsasama ay perpekto. Hindi po natin alam kung kelan tayo magmamahal at kung kelan tayo masasaktan. Sir, minsan iyong akala natin ok na ay hindi pa pala, tanging ang panginoon lang poh ang maka pag sasabi kung kelan tayo masasaktan at kung kelan hindi. Nagkamali man kayo, alam ko maitatama parin

