Palihim na pinupuntahan ko si Step sa loob ng condo sa tuwing mahimbing na ang tulog nito at wala si Leo. Nang sa ganoon ay makasama ko man lang ito kahit saglit lang. Alam ko na magagalit ito sa oras na makita niya ako, kaya palihim ko na lang siya binibisita doon. Ako rin ang tao na malimit magpadala ng regalo kay Step sa condo niya na hindi niya alam. Ginagawa ko iyon dahil sa labis na labis kong pagmamahal sa kanya. Agad akong lumuhod at hinaplos ko ang ulo ng aking alaga, saka ko hinalikan ang ibabaw ng ulo nito. "I'm sorry, alam ko excited ka makita ang mommy mo pero hindi pa kasi siya nagigising. Pero alam ko na magigising rin siya at babalik siya sa atin." Nakangiti wika ko sa alaga kong pusa. *********** Herbert Cordova Nasa loob ako ng aking opisina habang gumagawa ng

