Step POV: Halos madurog ang puso ko ng makita ko ang kalagayan ng aking munting anghel. Napuno ng labis na galit ang puso ko para kay Leo, dahil sa panloloko niya sa akin. Mahal ko siya, pero dahil sa nangyari sa anak ko, hindi ko na mahanap sa puso ko ang kapatawaran para sa kanya. Ang tanging nais ko na lang ngayon ay kalimutan siya at ang lumayo sa kanya kasama ang aming anak. Umiiyak na bumalik ako sa aking silid, at tanging yakap lang ng aking ina ang nakapagpakalma sa akin. "Anak, alam ko na hihirapan ka ngayon at dahil sa amin kung bakit ka nagdurusa. Kung hindi lang sana namin pinilit ipakasal sa kanya ay hindi ka masasaktan ng ganito." "Wala kayo kasalanan ma, isa pa kung hindi ninyo ginawa iyon, hindi ko maisisilang ang aking munting anghel, hindi ko sana siya magiging an

