Lumipas ang ilang araw namin ni Leo sa mansion at nanatiling tahimik ang buhay namin. Masayang inaalagaan kami ng maayos ni Leo, at hindi siya nagkulang sa amin. Tulad nga ng sinabi niya ay babawi siya sa amin at iyon nga ang ginagawa niya ngayon. Sa katunayan ay ngayon lang siya bumalik sa opisina niya, at pinahigpitan na rin nito ang security sa buong bahay upang hindi na makapasok pa si Mona dito. Samantalang ako ay naiwan naman sa bahay para mag-alaga sa aming anak na si Lea na isinunod ko mismo sa pangalan ni Leo. Matapos ko ayusin ang mga gamit namin ng anak ko ay iniwan ko muna ito saglit sa kanyang crib dahil balak ko maligo muna. Nanlalagkit na kasi ako dahil sa maghapon pag-aalaga ko dito. Isa pa, ayoko rin naman abutan ako ni Leo na hindi ako naliligo dahil baka maghanap

