Nagising ako ng may tumama liwanag mula sa bintana ng aming silid. Napangiti ako ng makita ko si Leo na mahimbing na natutulog sa aking tabi habang yakap-yakap ako nito. Hinaploshaplos ko ang napakagwapong mukha nito at saka ko pinatakan ng halik ang labi nito. Dahan-dahan naman nitong iminulat ang kanyang mata, dahilan para mapangiti ito sa akin. “Good morning love, “ nakangiting wika nito sa akin. “Good morning, din love.“ “Kanina ka pa gising? “ “Hindi naman kagigising ko lang. May pasok ka, hindi ba? Hindi ka ba papasok sa opisina? “ “Nope, hindi ba ngayon ang check-up ni baby. Sasamahan ko kayo.“ “Hindi naman kaylangan. Isa pa, marami kang trabaho sa opisina. At ikaw na rin ang humahawak sa company ni Daddy. “ “Ok lang naman ako, kaya ko pag sabayin ang trabaho at ang pag-aa

