Nang makaalis si Leo, ay agad ko inasikaso ang anak namin si Lea para ipacheck up sa isang hospital. Nang masiguro ko na ayos na ang lagay nito, ay umalis na kami kasama ang ilang bodyguard ko. Matiwasay na nakarating kami sa ospital at hanggang ngayon ay mahimbing parin natutulog ang aking anak na habang tumatagal ay nagiging kamukhang kamuha ni Leo. Plano ko na sumaglit sa isang mall bago ako umuwi mamaya dahil kaylangan ko mamili ng ilang gamit ni baby. Matapos nga ng kanyang check-up ay agad kami nag-tungo sa isang mall para mamili nga ng kailangan namin. Ibinigay ko muna sa kanyang yaya ang anak kong si Lea habang abala ako sa pamimili ng gamit namin. Hanggang sa makarinig ako ng isang boses na siyang tumatawag sa akin, at laking tuwa ko nang makita ko si David. “Stephanie.“ “

