Habang yakap ako ni Michael ay ramdam ko ang pag-tulo ng kanyang luha sa aking balikat. Alam at ramdam ko ang pag sisisi niya sa kanyang nagawa, pero hindi ko pa mahanap sa aking puso ang kapatawaran para sa kanya. Aaminin ko minahal ko siya noon dahil sa kabutihan niya sa akin, pero mas mabilis na napalitan ito ng pag-ibig ko para kay Leo. Nagawa man ako saktan si Leo, ay hindi ko parin maiwasan na mahalin siya ng lubusan. At isa pa, masakit parin sakin ang ginawa niya noon sa akin, lalo na at pinagkatiwalaan ko siya ng lubusan. Hanggang ngayon puno parin ako ng takot sa aking dibdib. Agad ko tinanggal ang kamay niya sa baywang ko para makalayo ako sa kanya, pero lumapit parin ito sa akin at muli akong niyakap ng mahigpit. Bagay na mas ikinatakot ko sa kanya, pinilit ko itulak siya

