Halos masiraan siya ng bait ng malaman mula sa mga magulang niya na plano na nila ipakasal ang kapatid niya sa isang mayamang dalaga.
at nang tanungin niya kung sino ito, ay doon niya nalaman na ang babae nagugustuhan niya pala ang ipapakasal sa kapatid niya.
halos kainin siya ng labis na inggit at nais na lang niya patayin ang kapatid niya para wala na siyang maging problema pa.
Naisip niya ang mga magulang na nagpalaki sa kanya.
Masakit man para sa kanya, kailangan niyang tanggapin ng katotohanan na hindi sila ng babae na nais niya.
natigil lang ang pag-inom niya ng kumatok ang ina niya sa pinto ng kwarto niya.
Saglit siya napatigil at naglakad patungo sa pinto.
At nang buksan niya iyon, ay ang nakangiting ina niya ang tumambad sa kanyang harapan.
"Anak, bakit ganyan pa rin ang ayos mo? Ngayon ang kasal ng kapatid mo, bakit hindi ka pa nakabihis?"
"Kaylangan pa ba ako doon?"
"Uo naman, anak. Sige na, magbihis ka na. Gawin mo ito para sakin. Alam ko, una pa lang, ay hindi na kayo magkasundo, pero sana naman ay gawin mo ito para sakin."
nakangiting wika nito.
Ayaw man sana ni Michael dahil masakit para sa kanya makita ang babaeng minamahal na ikinasal sa iba, ay wala na siya nagawa kaya agad siya naligo at nagbihis para pumunta sa hotel kung saan gaganapin ang kanilang kasal.
Samantalang si Leo naman ay naghihintay sa unahan para hintayin ang babae papakasalan niya.
Dahan-dahan nagbukas ang pinto ng hotel at pumasok doon ang pinakamagandang babae nakasuot ng puting gown.
kinakabahan man ay hindi na niya nagawa ialis ang tingin sa babae unti-unting lumalapit sa kanya.
Hindi pa man tuluyan ito makakalapit sa kanya, ngunit bigla na lang bumilis ang t***k ng puso niya na hindi niya mawari ang dahilan.
Malayo pa lang ito, pero natatanaw na niya ang kakaibang ganda ng babae iyon.
Agad siya napaayos ng tayo ng lumapit na ito sa kanya.
Inagaw niya ang kamay ng babae at nilagay sa braso niya. Saka sila naglakad papalapit sa altar at doon na nag-simula ang seremonyas ng kasal.
Mabilis lang ang naging misa, at agad rin sila nagpalitan ng singsing.
Maya, maya lang ay narinig na nila na nag salita ang pare.
"Now you may kiss your bride," wika ng pare, kaya agad niyang itinaas ang belo ng babae pinakasalan niya.
Hindi sila nagkaroon ng oras para magkakilala, kaya ngayon lang niya nakita ang babae pinakasalan niya. Hindi niya inaasahan na ganito ito kaganda.
malayo sa larawan na nakita niya sa cellphone ng kaibigan niya. dahil mas maganda siya sa personal kesa sa litrato.
Inilapit niya sa labi ng babae ang labi niya at hinalikan ito.
Nang maglapat ang mga labi nila, ay doon niya naramdaman ang kakaibang lambot at tamis ng mga labi nito.
Stephanie POV
matapos ng kasal namin ay sumakay kami sa isang sports car na pagmamay-ari mismo ni Leon.
Siya na rin ang nagmaneho noon pauwi sa mansyon kung saan kami mamalagi.
Labis ang kaba ko at takot ko sa mga oras na ito dahil para sa akin, estranghero pa rin siya dahil hindi ko pa siya nakikilala.
Wala kami imikan sa loob ng sasakyan dahil nanatiling seryoso lang ito.
Naririnig ko pa ang bahagyang pagmumura nito habang nasa sasakyan.
napatingin ako sa salamin at doon ko tinitigan ang mukha niya.
doon ko napansin ang kakaibang kulay ng mata niya na nagustuhan ko sa kanya.
kulay gray ang mata nito. may matangos na ilong, makapal na kilay na parang ginuhit, makinis na mukha na kahit tigyawat at blackheads ay mahihiya dumapo sa mukha nito. may makipot at mapupulang labi na akala mo ay nagmumog ng dugo sa pula.
balbas sarado din ito kaya makikita mo ang pagkamaangas na mukha nito .
naaamoy ko rin ang mabango sent ng pabango nito na parang kumakapit na ang amoy sa katawan ko.
Agad ito tumingin sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.
napatingin ako sa cellphone ko ng bigla tumunog ito.
Nakita ko ang pangalan ni Michael na rumihistro doon.
Nakatanggap ako ng isang mensahe, kaya binuksan ko iyon.
Michael: I'm sorry, step, I love you. Always remember that.
Ipapaliwanag ko rin sa iyo ang lahat pag may pagkakataon.
agad nang gilid ang mga luha ko ng mabasa ang mensahe nito.
Hindi ko lubos akalain na kapatid pala nito ang lalaki pinakasalan ko.
Ito pala ang kapatid niya na sinasabi niyang hindi niya kasundo, at ang mga magulang na nag-aruga sa kanya ay ang magulang mismo ng lalaki na ito.
Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit hindi niya ako nagawa pigilan ng magdesisyon ako sundin ang magulang ko ay dahil sa utang na loob niya sa magulang ng lalaking ito.
*********(flashback)*******
Matapos ng kasal, ay nag-simula na ang party. Agad lumapit sa amin ni Leo ang mga magulang niya, maging ang mga magulang ko, para batiin kami.
Nakita ko ang labis na tuwa nila ng makita kami kasal na ni Leo.
"Iha, Hindi nga ako nagkamali, napakaganda mo, bagay na bagay kayo ng anak ko si Leo," wika ng ina ni Leo.
"Salamat po, Tita."
"Iha! Don't call me tita. Hindi na tayo magkaiba.
Dahil asawa ka na ngayon ng anak namin. Pwede mo akong tawagin mommy, or you can call me mama, ok!"
"Okay, poh tita, Este mo-mmy." Utal na wika ko.
"Teka, ipapakilala kita sa isa ko pang anak para magkakilala kayo."
Agad nito tinawag ang isang lalaki. Pero bigla ako nanigas nang marinig ko ang isang pangalan na pamilyar sa akin.
"Michael!"
"Michael!"
Agad lumapit ang isang lalaki at humalik ito sa kanyang ina.
Nabigla ako ng makita ito.
"lha, siya si Michael, ang bunso kong anak,Hindi ba at ang gwapo niya,"
Hindi agad ako nakapag salita ng makita siya. Pilit naman ang ngiti na ibinato niya sakin, pero nakikita ko ang sakit sa mga mata nito.
"Iho, siya ang asawa ng kapatid mo. Hindi ba at ang ganda niya?" masayang wika ng ina nito.
"Yes, Mom, maganda siya at walang hihigit sa kanya dito."
"Iho, huh, Mukha crush mo pa yata ang asawa ng kapatid mo. Wag ganyan, huh? Asawa na siya ngayon ng kapatid mo."
" I know mom, may iba poh ako nagugustuhan at mahal na mahal ko parin siya kahit na may iba na nag mamayari sa kanya,"
"At sino naman iyan, anak, huh... ayoko ng kung sino-sino lang, huh..."
" Hindi siya basta-basta, Mom. Magugustuhan mo siya.
ang kaso, kasal narin siya sa iba at mag-aantay parin ako sa kanya kahit pagmamayari na siya ng iba."
Pakiramdam ko, habang sinasabi iyon ni Michael, ay sa akin niya direkta sinasabi iyon dahil hindi niya winawaglit ang tingin nito sa akin.
napalunok ako ng tatlong beses bago ako nag-iwas ng tingin dito.
"Sa tingin ko, dapat kalimutan mo na ang babae sinasabi mo dahil kasal na siya sa iba, at isa pa, marami diyang babae na magkakandarapa sa iyo dahil sa gwapo ka." Ngumiti lang ito sa kanyang ina. At muli ibinaling ang tingin sa akin.
*********END of FLASHBACK*********
Nabigla ako sa pag-iisip ko nang bigla bumukas ang pinto ng kotse kung saan ako naroroon.
Nakita ko ang isang lalaki na naka-puti at inaalayan akong makababa. Tumingin ako sa tabi ko, pero wala na doon si Leo.
Nakita ko ito na naglakad na papasok sa mansyon habang sabay-sabay na yumuko sa kanya ang mga katulong at guwardiya na nakahilera papasok sa mansyon.
Sumunod na lang ako sa kanya at dinaanan ang daan na dinaanan din nito.
katulad ng paggalang na ginawa nila kay Leon ay iyon rin ang ginawa nila sa akin.
Agad ko iniikot ang tingin ko sa buong mansyon nila, at doon ako humanga sa laki at ganda ng mansyon nito. Higit na triple ang laki noon sa bahay namin.
Isang malaking chandelier ang nasa pinakagitna pagpasok mo pa lang ng bahay. ang sahig nito ay gawa sa isang marmol at may magkasalubong na mataas na hagdan na may nakalagay na red carpet.