chapter 4 mahirap na decition

1724 Words
Pagdating namin sa Manila, si Michael na ang nagpresinta na samahan ako pag uwi ko sa bahay. Hinatid lang niya ako sa tapat ng bahay namin, at agad narin ito namaalam na uuwi na. Tulad ng aking inaasahan, wala ang mga magulang ko sa bahay dahil nasa opisina na naman sila. Marahil ay mamaya pa ang uwi ng mga ito. Sinalubong naman ako ng mga katulong, at sila na mismo ang nagdala ng gamit ko paakyat sa aking silid. Sumunod naman ako sa kanila, at ng nasa tapat na ako ng aking kwarto ay agad tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko na iyon sa aking bulsa at sinilip kung sino ang nagpadala ng mensahe. ganun na lamang ang ngiti ko ng makita ang pangalan ni Michael na rumihistro doon. Michael: Hi, beautiful. See you tomorrow. I love you. Agad lumawak ang ngiti ko ng mabasa ang mensahe nito. Nang mabasa ko iyon, ay nagtuloy na ako sa aking kwarto at pabagsak na nahiga sa aking kama. Hindi pa man nagtatagal ang pagkakahiga ko, ay pumasok na ang isang katulong at sinabi pinatatawag ako nina Daddy sa opisina dahil kararating lang ng mga ito. "Sige, susunod na ako." Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto. Binabay ko ang mahabang pasilyo papunta sa opisina ni Daddy, at ng buksan ko ito, ay nakaupo na sila sa sofa na naroon mismo sa loob ng opisina. Nakita ko si Dad na seryoso lang na nakatingin sa akin. Kaya lumapit ako sa mga ito at humalik pa ako sa pisngi nila bago naupo sa sofa. "Dad pinatatawag raw ninyo ako." "Yes, may importante tayong pag-uusapan tungkol sa negosyo." "Anong tungkol sa negosyo, Dad?" "Unti-unti, nalulugi ang company natin na matagal na namin pinaghirapan ng mommy mo at ng mga lolo at lola mo. At dahil ikaw rin naman ang magmamana noon, ay kailangan mo magsakripisyo para sa company." "Ano po ba ibig ninyo sabihin?" "Nais namin pakasalan mo ang isang anak ng mga Ramirez. para isalba ang company natin." "what?"agad ako napatayo sa aking kinauupuan at gulat na humarap sa kanila. Halos hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Matagal ko na hindi nararamdaman ang presensya nila bilang magulang ko, pero hindi ko inaasahan na maririnig ko pa ito sa kanila. Hindi ko lubos maisip na kaya nila isugal ang buhay ng anak nila para sa negosyo. At ang masakit pa nito ay parang pinamukha nila sa akin na hindi ako importante sa kanila. Nang bumuhos ang mga luha ko sa labis na sakit sa aking narinig. halos umecho na iyon sa aking tenga ng paulit-ulit at parang sinaksak ako ng 10 beses. Ayoko makasal sa tao. Hindi ko naman mahal at tuluyan masira ang buhay. Tiningnan ko ng matalim ang mga magulang ko. at hindi ko na napigilan magsalita. "Hindi ako makapaniwala na mang gagaling mismo ang mga salitang iyan sa sarili kong mga magulang. Bakit kayo ganyan sakin? Alam ba ninyo na mahirap ang hinihiling ninyo iyan sakin? 19 years, Mom and Dad, 19 years na inantay ko na mapansin at maramdaman ko ang pagmamahal ninyo. Ni kaarawan ko ay hindi man lang ninyo maalala, at hindi ko naramdaman ang pagmamahal ninyo bilang magulang ko. kahit message man lang sa mismo kaarawan ko ay hindi man lang ninyo maisip. Lumaki ako na hindi ko naramdaman ang mga halik at yakap ninyo. Nasaan kayo ng mga panahon na kaylangan ko ang pagmamahal ng isang magulang? ni isang b-day ko at kahit magkasakit ako ay wala kayo. Tapos gusto ninyo pagbigyan ko kayo? Hindi po ako magpapakasal sa tao na hindi ko mahal." Isang malakas na hampas ang narinig ko sa lamesa mula sa harapan namin. Nakatayo si Dad sa kanyang kinauupuan at tiningnan ako ng matalim. "Uo, anak, inaamin namin nagkulang kami sa pag-aalaga sa iyo, pero sana maisip mo rin na ginagawa namin ito para sa iyo. Hindi lang para sa iyo, anak, kundi para sa mga tao na umaasa dito. Hindi lang libo kundi milyon pamilya ang umaasa sa company natin. Anak, 19 yrs. ka nabuhay sa karangyaan samantalang ang ibang tao ay umaasa lang sa isang kahig, isang tuka. Nag-sakripisyo kami sa loob ng maraming taon na hindi ka namin kasama para lang sa million tao umaasa lang sa kumpanya natin para iraos ang pamilya nila. matitiis mo ba ang million tao possible mawalan ng hanap buhay para lang masunod ang nais mo? Matiis mo ba na makita silang naghihirap dahil lang sa iyo? May paraan, pero hindi mo ginawa? Ikaw, anak, 19 na taon ka nabuhay sa karangyaan, pero sila, Ngayon pa lang sila nakakatikim ng kaunti ginhawa, pero lahat ng iyon ay maglalaho dahil wala ka ginawa para sa kanila. Sorry anak, kung kailangan namin ibuhos ang lahat sa trabaho para sa ika-gaganda ng buhay mo at sa ikaayos ng buhay ng napakaraming tao." "Pero, Dad, buhay ko ito. Ayoko magpakasal sa iba, lalo na at hindi ko mahal ang tao na iyon." "Anak, bibigyan kita ng tatlong araw para makapag-decide. Sa ngayon, hindi ka muna namin pipilitin." Agad tumalikod si Dad sa akin at naglakad palabas ng office, samantalang si Mom naman ay umiiyak na lumapit sa akin. Matapos namin mag-usap, ay nag-tuloy na ako sa kwarto ko at doon muli ibinuhos ang mga luha at hinanakit ko. Kinaumagahan ay maaga ako naligo dahil balak ko lumabas para makapagpahangin. Tinawagan ko si Michael dahil may plano kaming magkita. Sinabi niya na susunduin niya ako kaya mabilis ang naging pag-kilos ko. Nagsuot lang ako ng tube dress na fitted sa aking katawan at may mahabang high heels. At nang lagay lang ako ng konting liptint at polbo, saka ko sinuklay ang itim at mahabang buhok ko. Nang masiguro ok na ako, ay saka ako lumabas, bitbit ang aking handbag. Napangiti ako ng sakto dumating si Michael na nakangiti sa akin. "Wow... you look great." "Thank you…" agad ako humalik sa pisngi niya, saka niya inabot ang bulaklak na bitbit niya. Napangiti ako ng mapansin ko iyon. inamoy ko iyon at agad ko na amoy ang mabango amoy na nagmumula sa bulaklak. "Thank you," wika ko kay Michael. Nag-ask ako ng tulong sa katulong at Pinay; payan ito para iabot sa kanya ang bulaklak na dala ko. agad naman ako hinawakan ni Michael sa manipis kong baywang para alalayan sa paglalakad papunta sa kanyang sasakyan. Nang makita ko si Michael, ay hindi ko na maalis-alis ang ngiti ko sa kanya. Tumigil kami sa isang mall para maglakad-lakad at mamili na rin ng mga damit. At nang mapagod, ay kumain muna kami sa isang restaurant. Doon ay sinabi ko sa kanya lahat ng pinag-uusapan namin, Nina Dad. Agad nagbago ang expression ng mukha nito ng sabihin ko sa kanya ang mga sinabi nina Dad sa akin. napansin ko agad na tumamlay at lumungkot ang mukha nito. Kaya pati ako ay naguluhan. Agad nito hinawakan ang kamay ko at marahan pinisil ito. Ngumiti siya ng pilit sa akin at pinahid ang mga luha ko na nag-uumpisa na tumulo. "Anuman ang maging desisyon mo, narito lang ako. Sa totoo lang, nasasaktan ako dahil hindi ko magawa tulungan ka sa problema mo. Pero narito lang ako bilang kaibigan mo. Mahal kita, Step, at kung ano ang maging desisyon mo, ay tatanggapin ko. "Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol sa aking narinig. Siguro ay dahil may nararamdaman na ako para sa kanya. Pero paano ko magagawa ipagpatuloy pa ito kung. Nakatakda na akong ikasal sa tao na hindi ko naman mahal. Dahil sa sama ng loob namin pareho, ay nag-decide na lang kami umuwi dalawa. Naging naipit kami sa napakatinding traffic kaya naisipan namin mag-shortcut na lang. napadaan kami sa isang squatter area. At napapatingin ako sa mga bahay na sira-sira. Hanggang sa may nakita akong bata na kumatok sa bintana ng kotse, kaya napatitig ako doon. agad ko binaba ang bintana at inabutan ng limangdaan Piso ang bata. Hindi ko maiwasan mapaiyak ng makita ang napakagandang mukha nito ngunit may mga bahid na ng uling. matapos ko maiabot iyon ay muli ko itinaas ang bintana ng kotse. At nang makarating sa bahay, ay pagod na binagsak ko ang aking katawan sa kama para mag-isip-isip. halos hindi mawala sa isipan ko ang bata; inabutan ko ng pera maging ang bahay na sira-sira na aming nadaanan. Agad sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Dad na marami ang mawawalan ng hanapbuhay pag hindi ko itinuloy ang pagpapakasal ko. Kaya napasabunot ako ng aking ulo at saka lumabas ng aking kwarto. Dumiretso ako sa office ni Dad, at nang makita ko ito, abala na ito sa pag-titipa sa kanyang laptop. Saglit na napatingin ito sa akin at saka muli ipinagpatuloy ang ginagawa nito. "Anu ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?" "Yes, Dad, gusto lang ipaalam na pumapayag na po ako sa gusto ninyo." Nagulat ito sa sinabi ko kaya napatayo siya sa kinauupuan niya at naglakad palapit sa akin. Agad tumulo ang mga luha ko, lalo na ng yakapin ako nito. nagtagal ng ilang minuto ang yakap niya sa akin at tiningnan ang mga mata ko. Maging siya ay umiiyak rin. "I'm sorry, anak, kung kailangan mo itong gawin. I'm sorry kung nagkulang kami sa iyo. Napakabuti mo, anak, salamat sa pagsasakripisyo mo. Hindi ko ito makakalimutan." Hinalikan ako ni Dad sa ulo ko at muli ako niyakap. "I love you, anak. Mahal na mahal ka namin." "I love you, Dad." Matapos namin ipaalam ang naging desisyon ko sa mga Ramirez, ay nagdesisyon na sila na ihanda na sa lalong madaling panahon ang kasal namin dalawa ng tao kaylaman ay hindi ko pa nakikilala. Mabilis na dumaan ang mga araw, at ito na ang pinaka hinihintay ng lahat, ang pag-iisang dibdib namin ng lalaking hanggang ngayon ay estranghero pa rin sa akin. Halos buong magdamag ako umiiyak kaya mugtong mugto ang mga mata ko. lalo na ng ipaalam ko kay Michael ang naging desisyon ko. Maging siya ay hirap tanggapin ang desisyon ko, pero wala na rin siya nagawa, lalo na dahil labis na makapangyarihan ang tao pakakasalan ko. Samantalang sa kabilang dako naman ay wala ginawa si Michael kundi ang uminom dahil sa kanyang nalaman. Mahal niya si Step, pero wala siya magagawa para dito, lalo na at ang pakakasalan niya ay ang kanyang kapatid na si Leo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD