Hindi niya deserve ang masaktan ng ganito. Anong klase ako asawa para sa kanya? Paano ko siya nagagawang saktan ng ganito. Ayoko masaktan siya, ngunit mas ayaw ko mawala siya sa buhay ko dahil siya na lang ang meron ako. Kaylangan ko ng sapat na panahon para sabihin sa kanya ang lahat ngunit hindi pa ito ang panahon para aminin ko ang katotohanan. Nasa ganoong pag-iisip ako habang hinahaplos ko ang makinis nitong mukha ng dahandahan niya iminulat ang kanyang mga mata. Ngumiti ako sa kanya at ganoon din naman ito sa akin. "Kanina ka pa?" "Good morning, wife," "Good morning, hon." "Bakit sa sala ka natulog?" "Hinihintay kita." "Ganoon naman talaga, dapat hindi ba? Dapat inihintay kita." "Pero hindi na dapat, napuyat ka tuloy. Sinabi ko naman sayo na wag mo na ako antayin." "Ti

