David POV Nasa tapat ako ngayon ng condo ni Leo dahil balak ko yayain ito lumabas kasama ang barkada. Galing na ako kanina sa office nito, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko pa na banggit ang tungkol sa lakad namin. Paano ko ba naman masasabi sa kanya ang tungkol doon kung ang attention ko ay nasa asawa nito? Hindi ko alam, pero na-aakit ako sa ganda ng asawa niya mula ng makita ko ito sa bahay niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya ng una ko itong makita, pero ngayon ay masaya ako na nasa maayos na itong lagay dahil mukha naman nagkakasundo na sila ni Leo. Pero masaya nga ba ako o nang hihinayang? Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin, pero bakit mula sa X niya hanggang sa asawa niya ay nagkakainterest ako? Siguro nga iisa ang babae natitipuhan namin dalawa. Napabuntong

