HAROLD POV "Teka lang po? Isang araw na ba akong nandito?" "Hindi naman. Medyo palubog pa lang ang araw. Magpahinga ka muna, pagbalik naman ni Marian, natitiyak ko na mayroon siyang dalang pagkain para sa ating dalawa. Kaya kumalma ka lang, magiging maayos din ang lahat." Kahit na nakangiti siya sa akin, pakiramdam ko ay mayroon pa ring lungkot na nagkukubli sa kanyang mga mata. Siguro ay nahihiya lamang itong sabihin na nabibigatan na talaga siya sa akin. Gustuhin ko man na lumayas sa lugar na ito, alam kong mahal ako ni Marian at gagawin nito ang lahat para lamang makita ako. At ayaw ko rin na mawalay sa piling niya sapagkat siya lamang ang bukod tanging babae na pinagkakatiwalaan ko ngayon. Sa pangangalaga niya, dama kong protektado ako. Kumalma na ako sa sinabi niyang ito. Muli ak

