MARIAN POV Sadyang nilamon na talaga siya ng kasamaan. Walang matinong tao ang matutuwa sa sinapit ni Harold. Tanging mga kagaya lamang ni Ethan na halang ang kaluluwa ang magkaka ganitong reaksyon. "Bakit ka natatawa ha? Sinabi sa akin ng nurse niya na malabo nang bumalik ang kanyang alaala! Hindi ako makapaniwala na mayroong isang kagaya mo na nabuhay sa mundo!" sigaw ko pa dahil sa galit. Pagkatapos ng ilang minuto, huminto siya sa kanyang pagtawa at nilabas nito kanyang kanyang baril na nakatago sa ilalim ng kanyang coat. Napa pikit na lamang ako. Mukhang katapusan ko na talaga ngayon. Wala na akong magagawa pa kung di ang tanggapin ang kapalaran ko. Nginig na nginig ang katawan ko sa mga sandaling ito, ang hirap nitong pigilan lalo na kapag ang buhay ko ay hawak na ng demonyong

