MARIAN POV "Mabuti naman at gising ka na," nakangiting saad ng doctor. Siya yung doctor kanina na nag asikaso kay Harold. Mukha naman siyang mabait at maasikaso. Pumasok siya sa loob at chineck up muna niya si Harold. Habang ginagawa niya ito ay panay naman ang tingin ko sa orasan. Hindi ako mapakali dahil kaunting minuto na lamang ay mag 7 na ng gabi. Kaya naman sa sobrang inip ko ay binasag ko na kaagad ang katahimikan ko. "Doc, pwede na po ba siyang lumabas?" tanong ko. Hindi ito sumagot hanggang sa matapos siya sa kanyang ginagawa, "Kung wala nang nararamdaman na masakit sa katawan si Mr. Harold, pwedeng pwede na kayong umuwi since may reseta ka na naman ng gamot." Masaya naman ako sa narinig ko sa kanya. Tapos nakita ko yung reseta ng gamot sa table. May pera pa naman ako ka

