MARIAN POV Pumunta muna ako sa medyo malayong lugar. Yung hindi maririnig ni Harold. But I make sure na tanaw ko pa rin siya mula sa kinatatayuan ko. Para sa akin, dahil sa amnesia niya ay wala siyang pinag kaiba sa isang batang musmos. Baka kung saan na lamang ito mapadpad kapag 'di ko ito binantayan. Mabuti na lamang sa isang tawag ko lang ay sumagot kaagad si Ivy. "Hoy gaga ka! Bakit ngayon ka lang tumawag ha? Muntik ko nang burahin ang number mo, sigurado akong ngayon may kailangan ka sa akin!" bungad niya, ewan ko kung wari lamang ba ang galit niya o literal na may tampo siya sa akin. "Nag aalala ako sayo ng todo todo kasi akala ko isa ka sa mga nasawi pero wala ka sa mga list kaya umasa akong buhay ka pa!" "Sis, mahabang kwento kasi-" "Alam ko na yang ikukwent mo, Marian! Nar

