SHEENA POV Three days later, nakabalik na rin ako sa wakas sa Pilipinas. Bitbit ko ang pag asa na magkikita kaming dalawa ulit ng pinaka mamahal kong lalaki na si Harold. Kahit na ilang beses pang mag makaawa sa akin si Ethan at ibigay niya sa akin ang buong mundo, hinding hindi ko siya mamahalin. Pasensya na lamang siya, habang buhay siyang magdurusa sa kulungan dahil sa kanyang mga ginawa. Tinanggal ko ang shades ko at kasabay kong naglakad sila mama at papa. Sana lang talaga ay mabulok si Ethan sa bilangguan matapos ang ginawa niyang lahat sa akin. Gabi na pala dito sa Pilipinas, sayang hindi ko man lang nasilayan ang araw. Sa ngayon, kailangan kong hanapin si Harold dahil alam kong buhay pa siya. Kahit na malayo kami sa isa't isa, damang dama ko pa rin ang presensya niya. "Anak,

