HAROLD POV Sobrang kabang kaba ako sa mga sandaling ito. Parang hindi yata ako aabot kaya wala akong ibang choice. Kahit na masakit ang aking lalamunan, kailangan kong sumigaw ng napaka lakas upang marinig ako ni Marian. Baka sakaling huminto siya sa pagtakbo. "MARIAN!!!!!!!" sobrang lakas na sigaw ko. Sobrang tindi ng kaba ko sa mga sandaling ito. Huminto siya sa kanyang pagtakbo at lumingon sa akin. Mabilis ko siyang hinatak at nagawa ko siyang mailigtas, natumba kami halos sa sahig at muntik na kaming maghalikan. Titig na titig siya sa akin, gulat na gulat nang makita niya ako. Halatang umiiyak siya sapagkat namumutla pa ang kanyang mga mata. "Ha-Harold? B-bakit mo ako niligtas?" nauutal niyang sabi. "Wala nang kwenta ang buhay ko! Hayaan mo na akong mamatay!" Ang lungkot lung

