ETHAN POV "Reynold, baka pwedeng ikaw muna ang bahala kay Sheena. Gusto ko lang sanang kausapin ng masinsinan itong si Ethan?" Tumungo lamang ang asawa ng mama ni Sheena. Pumunta kaming dalawa sa kusina at dito ay nag usap. "One more thing Ethan, mukhang sa tingin mo kasi ay kayang kaya mo kaming paikuting mag asawa dahil lang sa isa kang mayaman na negosyante." "You have to calm down. Alam naman natin na hindi madali ang pag process ng pag transfer ng lupa. Pero ipapangalan ko ito kay Sheena para naman walang maging problema. Also, I am going to give additional 10 million pesos sa inyong bank account para naman mayroon pa rin kayong pera. Sagot ko ang lahat ng expenses ninyo dito sa states. Wala kayong sasagutin kahit na anong expenses." Ayaw ko nang makipag away pa sa kanila dahil

