MARIAN POV "Kaya nga eh! Dadaan pala ako mamaya sa may park para naman ma check ko kung maayos na ba ang lahat." "Sige sasamahan na kita," saad niya, "Basta ha? Ingatan mo ang sarili mo? Alam mo naman siguro itong pinasok mo di ba?" "Alam ko naman eh. At sa tingin ko, parang aabutin pa ng ilang taon bago bumalik ang mga alaala ni Harold." "Hayaan mo na! Paulit ulit kong sasabihin sayo na at least kahit papaano ay nakita naman niya mabuti ang intensyon mo sa kanya. Hindi man maganda ang simula ninyo pero masasabi kong magiging maganda naman ang wakas." Siguro nga ay tama si Ivy sa sinabi niya sa akin. Kailangan ko lang talagang maging positive sa outlook ko sa buhay dahil ikakasal na kaming dalawa ni Harold bukas. Pagkatapos kong maisukat ang aking gown, nagpunta na kaming dalawa ni

