SHEENA POV Ganito pala kasarap sa pakiramdam kapag ikinikasal. Yung atensyon galing sa ibang tao, yung palakpakan nila, at yung mga congratulations na naririnig ko, itong lahat ang dahilan ng aking pag ngiti. Subalit ng papunta na ako sa altar, bigla na lamang akong natapilok at nauntog ang ulo ko sa sahig. Nahihilo ako at bigla na lamang sumakit ang ulo ko. At sa isang iglap lang, unti unting bumalik ang mga alaala ko. Simula pagkabata ko hanggang sa ma meet ko si Ethan. Ni reject ko siya noon dahil sa kondisyon niya. Pati na rin ang pagmamahal ko kay Harold at ang pag labas ng scandal niya. Ang tungkol kay Marian na naka s*x niya, pati na rin ang pag lubog ng barko at paghihiwalay naming dalawa ni Harold dahil sa trahedyang ito. "Sheena, babe, ayos ka lang ba?" Lumingon ako kay E

